Hataw Balita | 7/16/2010 11:16:37 PM

Pang. Aquino nagpasaring sa Bureau of Customs

by UNTV News Team

Nagpasaring si Pang. Benigno "Noynoy" Aquino III sa Bureau of Customs.

Itoy kasunod ng pagpapakitang gilas ng Bureau of Internal Revenue nang kasuhan sa DOJ ang negosyanteng si William Villarica dahil sa kabiguang magbayad ng tamang buwis simula 1998-2009.

Sinabi ni Aquino sa isang ambush interview sa Subic na mas magiging maganda ang koleksyon ng buwis ng gobyerno kung malalaking smuggler ang masasampolan.

Una nang sinabi ni Aquino na malaki ang tiwala nya kay Customs Comm. Angelito Alvarez na masusugpo nito ang smuggling activities sa bansa kasabay ng paglilinis ng imahe ng kagawaran.