Hataw Balita | 7/16/2010 11:16:37 PM

Mga consultant ng PAGCOR pinaiimbestigahan

by UNTV News Team

Pinaiimbestigahan na ng PAGCOR ang dalawang daang consultant nito na kumikita ng mula 75-thousand hanggang limang-milyong piso.

Sinabi ni PAGCOR spokesman Atty. Jay Santiago.. gusto nilang malamang kung opisyal na empleyado ang naturang mga consultant o personal na kinuha ng ilang mga opisyal.

Kabilang sa mga consultant ang ilang dating pulis at militar.. mga abogado.. mamahayag .. mga kaanak ng politiko gayun din ang ilang masahista.

Isasailalim din sa review ang mga midnight promotions at appointments sa loob ng ahensya.