Nahaharap sa electoral protest ang ilang mga baguhang kongresista.
Itoy matapos kwestyunin sa House of Representatives Electoral Tribunal ang kandidatura nina dating unang ginang Imelda Marcos bilang kinatawan ng second district ng Ilocos Norte at ang aktres na si Lucy Torres Gomez ng 4th district ng Leyte.
Maliban sa dalawang mambabatas, may nakahain ding reklamo laban sa may limampu pang kongresista ng 15th congress kabila na si dating PNP Director Leopoldo Bataoil.