Pinangangambahan ngayon ng Department of Health ang pagkalat ng mga waterborne diseases ngayong kapos sa tubig ang malaking bahagi ng Metro Manila at ilan pang mga lugar na nakakaranas ng mga water interruptions.
Ayon sa Health Department, malaki ang tyansa na mapabayaan ng mga tao ang Personal Hygiene at Sanitation dahil sa pagtitipid sa tubig.
Maari itong magbunga ng sakit na diarrhea, gastro intestinal diseases at mga sakit sa balat.
Kaya nagpaalala pa rin ng D-O-H sa publiko, humanap ng alternatibong paraan sa paglilinis ng katawan.