Boluntaryo nang nagpa-drug test si Senador Vicente Sotto the third.
Kusang pumunta sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency si Sotto para patunayan na hindi lahat ng mambabatas sa bansa ay involve sa droga.
Hiniling rin ng senador sa Civil Service Commission na gawing mandatory ang drug testing sa mga senador at kongresista.
Plano namang sumunod sa naturang drug testing sina Senador Ramon Bong Revilla Jr at Ralph Recto.