Ito ang Balita | 7/29/2010 1:55:53 AM

Peacetalks sa NDF, handang subukan ng AFP – Mabanta

by UNTV News Team

Bukas ang Armed Forces of the Philippines sa ideyang pakikipag-usap sa National Democratic Front.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Jose Mabanta, posibleng madaan pa sa usapan ang insurgency problem sa bansa.

Sinabi ng opisyal na ginawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya para labanan ang naturang problema at wala namang mawawala kung haharap sila sa peacetalks.

Sa kabila nito, mananatiling nakabantay ang sandatahang lakas ng Pilipinas at handang makipagbakbakan sa rebeldeng grupo kung kinakailangan.