Bibigyan ng full military honorS ng Armed Forces of the Philippines ang mga sundalong nasawi sa bumagsak na nomad plane sa Cotabato City.
Ayon kay Lt. Col. Gerry Zamudio, ang Spokesman ng Philippine Air Force, susunduin bukas ang mga labi ng walo nilang tauhan.
Dadalhin lahat ang mga labi nng mga biktima sa Villamor Air Base upang mabigyan ng full military honors bilang pagkilala sa kanilang serbisyo.
Matapos sa Villamor Air Base, ibabalik din sa kani-kanilang mga hometown ang nasawing mga opisyal at tauhan upang masilayan pa ito sa huling pagkakataon ng kanilang mga mahal sa buhay.