Hataw Balita | 1/29/2010 8:17:47 AM

Disqualification case vs PGMA, ibinasura ng Comelec

by UNTV News Team

Tuluyan ng ibinasura ng Commission on Elections ang pangalawang disqualification case na isinampa laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang naturang petisyon ay inahain ni Akbayan Rep. Riza Hontiveros laban sa punong ehekutibo kaugnay ng kaniyang pagtakbo sa pagka-kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Ayon sa Comelec, kulang sa merito ang nasabing kaso na isinampa ni Hontiveros.

Sinabi rin ng Comelec na hindi naman tumatakbo ang petitioner sa kaparehong posisyon ni Pang. Arroyo kaya’t wala silang nakikitang valid grounds para magprotesta si Hontiveros.

Balak naman ni Hontiveros na i-apela sa Korte Suprema ang desisyon ng komisyon.

Una nang ibinasura ng Comelec ang petisyon ni Atty. Elly Pamatong na tumalakay naman sa paglabag ng Pangulong Arroyo sa saligang batas sa muli nitong pagsabak sa pulitika dahil namuno na siya bilang pangulo ng bansa.