Hataw Balita | 2/1/2010 3:22:03 AM

Mahigpit na seguridad, ipinatutupad sa NBI

by UNTV News Team

Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ngayon sa National Bureau of Investigation.

Ito ay dahil bukod sa pagkaka-detine doon ni Multiple murder suspect dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., marami rin silang natatanggap na bomb threat.

Kasunod ito ng nadiskubreng coded message sa bombang natagpuan sa Carpark ng Greenhills noong nakaraang linggo.

Batay sa ulat ng pulisya, nakasaad sa mensahe na magtatanim din ng bomba ang suspect sa NBI at Department of Justice.

Nakabantay ang mga ahente sa gate ng NBI habang may mobile care ng Manila Police District (MPD) sa tapat ng ahensya.

Naglagay na rin ang mga otoridad ng mga Closed Circuit Television (CCTV) camera sa gate upang mabantayan ang nasa paligid ng tanggapan.

Nakapwesto na rin sa ahensya ang Counter Terrorism Unit upang agad maka-responde kung kinakailangan.