Hataw Balita | 2/1/2010 3:22:03 AM

Presyo ng petrolyo, muling ibinaba

by UNTV News Team

Muling nagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang dalawang independent players simula kaninang hatinggabi.

Singkwenta sentimo ang ibabawas ng Eastern Petroleum sa presyo ng kanilang gasolina habang 75-sentimo naman sa presyo ng gas at diesel.

Ini-anunsyo din ng Sea Oil na magpapatupad sila ng kaparehong halaga ng rollback sa kanilang mga produktong petrolyo.

Ayon sa dalawang independent oil players, ang price adjustment ay kasunod ng pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Hindi naman nagbigay ng abiso ang mga malalaking kumpanya ng langis kung magpapatupad na rin sila ng rollback sa presyo ng langis.