Hataw Balita | 2/1/2010 3:22:03 AM

Pagpaliban sa ballot printing, hindi makakaapekto sa paghahanda sa eleksyon - Comelec

by UNTV News Team

Tiniyak ng Commission on Elections na walang magiging problema sa poll automation kahit naantala ang pag-imprenta ng mga official ballot.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ini-urong nila sa February 7 ang pag-iimprenta mula sa itinakdang petsa na January 30.

Napagkasunduan ng Comelec at ng Technical Working Group na ipagpaliban ang printing ng balota upang huwag na itong maging isyu kung sakaling matagal itong maimbak sa National Printing Office.

Sinabi rin ng Comelec na mauurong na sa April 25 ang shipment ng mga official ballot.