Magbibigay ng panibagong rollback ang Liquified Petroleum Gas Marketer’s Association simula mamayang hating gabi.
Ayon kay LPGMA President Arnel Ty, singkwenta sentimos kada kilo ang babawasin nila sa kasalukuyang presyo ng kanilang produkto.
Paliwanag ni Ty, bahagyang bumaba ang contract price ng LPG sa world market kaya nagpasya silang iparamdam ito sa mga consumer.