Wala pa ring babayarang buwis ang mga umaangkat ng trigo at semento.
Ito’y matapos palawigin ng gobyerno ang ‘zero-tarrif scheme.’
Ayon kay Trade Secretary Peter Favila, kahit na malaki ang nawawalang kita sa gobyerno, mas matimbang pa rin sa kanila ang kapakinabangang nakukuha dito ng mga consumer.
Taong 2008 nang maglabas ng kautusan ang Malacañan na tanggalin ang sinisingil na taripa sa inaangkat na trigo at semento.