Nakuha na ang bangkay ni Mary Grace Fabian, isa sa dalawang Pinay na naipit sa gumuhong Carribean Supermarket sa Haiti.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, nahukay ang labi ni Fabian ng mga tauhan ng Central National Equipment Retrieval Team sa tulong ng ilang miyembro ng Pinoy contingent.
Agad ipinalibing sa national cemetery ng Port-au-Prince si Mary Grace ng kanyang kapatid.
Wala namang balita sa kalagayan ng kasama nitong si Geraldine Lalican.