Bibigyan ng pagkakataong makaboto ng mas maaga ang mga gurong magsisilbing board of elections inspector sa darating na halalan.
Sinabi ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento na maaaring sumabay sa local absentee voting ang mga ito sa April 24 hanggang 26.
Bukod sa mga guro bukas rin ang nasabing petsa para sa ibang mga tauhan ng gobyerno, Armed Forces of the Philippines at ang Philippine National Police.