Ito ang Balita | 2/9/2010 7:03:29 AM

Kampanya ng mga kandidato para sa May 10 elections aarangkada na

by UNTV News Team

Handang-handa na ang mga kandidato para sa 90-day campaign period na magsisimula ngayon araw.

Ang Presidential Candidate na si senator Noynoy Aquino, magdadaos ng kauna-unahang political rally sa kanyang bayan sa Tarlac.

Alas nueve ng umaga, sisimulan ito ni Aquino sa pamamagitan ng isang misa sa immaculate concepcion church sa Concepcion Tarlac bago magtungo sa concepcion market.

Magaalay din ito ng bulaklak sa Ninoy Aquino statue sa harap ng Concepcion Municipal hall bago tumulak para naman sa isang motorcade patungo ng Capaz Tarlac at bandang alas kuwatro ng hapon ay tutuloy ito sa Tarlac City plaza para sa pagpapasinaya ng Cory Monument.

Matatapos naman ang araw ng senador sa isang political rally bandang alas sais ng gabi sa nasabing plaza.

Samantala, aarangkada ang kampanya ni senador Manny Villar sa birthplace ni Jose Rizal sa Calamba City Laguna.

Ayon sa Nacionalista party, pinili nila ang nasabing lugar para magbigay pugay ang bayani na nagturo sa atin para magmahal sa sariling bayan.

Si administration candidate, Gilbert Teodoro ay magdadaos naman ng kanyang political rally sa antipolo City.

Samantala, sasakay naman ang tambalang Richard Gordon at Bayani Fernando sa isang ten-wheeler truck na tatawagin nilang optimus prime.

Hango mula sa pelikulang transformers, ito ang gagamitin sa kampanya ng dalawang kandidato.

Ito’y upang hanguin daw sa kahirapan ang maraming pilipino..labanan ang kasamaan at magpatupad ng malaking pagbabago.