Handang arestuhin ng Philippine National Police si senator Panfilo Lacson.
Ayon kay PNP Spokesman Supt. Leonardo Espina, bumuo na ng tatlong backing teams mula sa Criminal Investigation and Detection Group ang kumikilos na ngayon para hanapin ang senador.
Nakipag-ugnayan na rin ang Philippine Center for Transnational Crime sa INTERPOL para ilagay sa “RED LIST” ang mambabatas at mapabilis ang pagbabalik sa kanya sa Pilipinas.
May ulat na nakabalik na sa Pilipinas si Lacson at nagtatago ngayon sa Mindanao.
Ina-alam na ng National Bureau Investigation kung totoong nakaballik na sa Pilipinas si Senator Panfilo Lacson.
Sa impormasyon ng ahensya, pinaniniwalaang nasa Mindanao na ngayon ang Senador.
Malabo rin daw makapagtago sa Australia ang mambabatas dahil expired na ang Visa nito at maging ang American Visa nito ay nakansela na makaraang madawit sa kasong kinasasangkutan ng dating tauhan na si Michael Ray Aquino.