{"id":351,"date":"2015-08-10T09:54:32","date_gmt":"2015-08-10T09:54:32","guid":{"rendered":"https:\/\/intranet.untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/?p=351"},"modified":"2015-10-29T09:59:56","modified_gmt":"2015-10-29T09:59:56","slug":"ferdinand-marcos","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/?p=351","title":{"rendered":"Ferdinand Marcos"},"content":{"rendered":"<p>Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.<\/p>\n<p>Ayon sa naging resulta ng isang pandaigdigang survey noong 1995, si Pangulong Marcos o kilala rin sa katawagang \u201cMacoy\u201d ang lumabas na pinakamagaling na naging pangulo ng isang bansa sa buong mundo.<\/p>\n<p>Matalino, magaling magsalita at puno ng karisma, \u2018yan ang nakita ng mga Pilipino sa kanya kung kaya\u2019t nanalo sa halalan si \u201cMacoy\u201d noong 1965 laban kay dating Pangulong Diosdado Macapagal.<\/p>\n<p>Sa kanyang unang State of the Nation Address o SONA, inilatag niya ang kaniyang mga plano upang i-angat ang ekonomiya ng bansa.<\/p>\n<p>Pagsasaayos ng imprastraktura, kuryente, tubig, pagpapatatag ng sistema ng hudikatura at ng sandatahang lakas, paglaban sa kriminalidad at kurapsyon ang tinutukan niyang mga proyekto.<\/p>\n<p>Naging maganda ang bunga ng plano niyang ito kung kaya\u2019t sa muli nyang pagtakbo para sa ikalawang termino, nagawang niyang muling manalo.  <\/p>\n<p>Si Marcos ang kauna-unahang pangulo ng bansang nakagawa nito.<\/p>\n<p>Ngunit \u2018di tulad ng una niyang termino, sa ikalawang pagkakataon ng pagiging ama niya ng bayan, nagkasunod-sunod ang kilos-protesta laban sa kaniyang pamumuno dahil sa mga alingasngas ng kurapsyon.  <\/p>\n<p>Ang serye ng mga naganap na demonstrasyon sa kalye ay tinaguriang \u201cFirst Quarter Storm.\u201d<\/p>\n<p>Ginamit ni Pangulong Marcos bilang isa sa mga basehan ang mga kaguluhang ito upang magdeklara ng Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre, taong 1972.<\/p>\n<p>Sa ilalim ng Batas Militar, naging epektibo ang pagpapatupad ng bagong Saligang Batas ng Pilipinas.  Mula presidential, naging parliamentary ang uri ng ating gobyerno.  Naging daan ito upang manatiling pinuno ng bansa si Marcos.<\/p>\n<p>Sa panahong ito, inilunsad ni Macoy ang pagtatatag ng Bagong Lipunan.<\/p>\n<p>Noong ika-17 ng Enero, taong 1981, binawi ni Pangulong Marcos ang bisa ng Martial Law.  Anim na buwan matapos niyang gawin ito, ginanap ang isang halalan sa bansa matapos ang labing dalawang taon.  <\/p>\n<p>Nanalo si Marcos para sa kanyang ikatlong termino.<\/p>\n<p>Noong Agosto 21, 1981, naganap ang isang insidente na itinuturing ngayong ng mga eksperto bilang isang pahina ng kasaysayan na nagsimula ng pagbagsak ng rehimeng Marcos \u2013 ang pagkakapatay kay opposition leader at dating senador na si Benigno \u201cNinoy\u201d Aquino Junior.<\/p>\n<p>Isa si Marcos sa mga pinagbintangang ulo ng pagkakapatay kay Ninoy, na hanggang sa ngayon ay hindi pa napatutunayan ng mga nag-akusa sa kanya.<\/p>\n<p>Sa mga panahon ding iyon, lumulubha na ang kalagayan ni Marcos sa panahong ito.  Tila tinatalo na siya ng kanyang sakit na lupus.<\/p>\n<p>Sa ganitong kondisyon, marami ang kumwestyon sa kakayanan ng may sakit na si Marcos na manatili pa sa Malakanyang, bukod ito sa kabi-kabilang mga paratang sa kanya at sa kaniyang mga \u201ccrony\u201d ng pagnanakaw sa salapi ng bayan.<\/p>\n<p>Dahil sa lumalakas na panawagan ng pagpapababa sa kanya sa pwesto, napilitang magpatawag ng snap election si Marcos. Ito ay sa kabila ng nalalabi pa niyang isang taon sa kanyang termino.<\/p>\n<p>Naging katambal ni Marcos sa halalang iyon si Arturo Tolentino at nakalaban naman nila sina Corazon \u201cCory\u201d Aquino, ang maybahay ng napaslang na si Ninoy, at si Salvador \u201cDoy\u201d Laurel.<\/p>\n<p>Matapos ganapin ang naturang halalan, nagkaroon ng hindi pagkakapareho ang resulta na ginawang pagbibilang ng mga boto ng Commission on Elections o COMELEC at ng National Movement for Free Elections o NAMFREL, na siyang akreditadong poll watcher sa halalang iyon.  <\/p>\n<p>Nagkaroon ng malawakang protesta dahil sa nangyari, na naging mitsa naman ng unang People Power Revolution, na tuluyang nagpababa kay Marcos sa kapangyarihan.<\/p>\n<p>Umalis sa bansa si Marcos kasama ang kanyang pamilya at nagtungo sa Hawaii kung saan sya binawian ng buhay.<\/p>\n<p>Ferdinand Marcos, ang ika-sampung Pangulo ng Pilipinas.<\/p>\n<div class=\"su-youtube su-u-responsive-media-yes\"><iframe width=\"600\" height=\"400\" src=\"https:\/\/www.youtube.com\/embed\/M-8ce4rTuII?autohide=2&amp;autoplay=0&amp;mute=0&amp;controls=0&amp;fs=1&amp;loop=0&amp;modestbranding=0&amp;rel=0&amp;showinfo=0&amp;theme=dark&amp;wmode=&amp;playsinline=0\" frameborder=\"0\" allowfullscreen allow=\"autoplay; encrypted-media; picture-in-picture\" title=\"\"><\/iframe><\/div>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Pangulong Ferdinand Edralin Marcos. Ayon sa naging resulta ng isang pandaigdigang survey noong 1995, si Pangulong Marcos o kilala rin sa katawagang \u201cMacoy\u201d ang lumabas na pinakamagaling na naging pangulo ng isang bansa sa buong mundo. Matalino, magaling magsalita at puno ng karisma, \u2018yan ang nakita ng mga Pilipino sa kanya kung kaya\u2019t nanalo sa [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":2,"featured_media":520,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":""},"categories":[3,8],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/351"}],"collection":[{"href":"https:\/\/untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/users\/2"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcomments&post=351"}],"version-history":[{"count":2,"href":"https:\/\/untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/351\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":480,"href":"https:\/\/untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/351\/revisions\/480"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/media\/520"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fmedia&parent=351"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcategories&post=351"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/untvweb.com\/ang-pangulo-ko\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Ftags&post=351"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}