24K expired AstraZeneca vaccine doses sa Western Visayas, susuriin kung maaari pang gamitin – DOH

Robie de Guzman   •   December 3, 2021   •   332

Ipinapasuri na ng Department of Health (DOH)-Western Visayas kung maaari pang gamitin ang nasa 24,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na nag-expire noong November 30.

Bahagi ito ng libu-libong supply ng AstraZeneca vaccine na ipinadala sa Western Visayas noong buwan ng Oktubre.

Nasa 45,000 doses sa mga ito ang ipinadala sa Negros Occidental noong Nobyembre 8. Batay sa ulat ng provincial government, 14,920 doses pa ang natitira sa mga ito at hindi nagamit hanggang sa mag-expire noong Nobyembre 30.

Ayon kay Negros Occidental provincial administrator Atty. Rayfrando Diaz II, hindi ginamit ang mga nasabing bakuna dahil tumanggi umano ang mga local government unit (LGU) na tanggapin ito dahil sa nalalapit na expiration date.

“We value our vaccines. We want to use them. We do not delay, but we value more the vaccinees. We don’t want to inject vaccines that are about to expire,” ani Diaz.

Ang natitirang 10,000 doses naman ay nasa iba’t ibang lokalidad.

Ayon sa DOH regional office, ipinasasauli na nila ang mga nasabing bakuna upang masuri kung maaari pa itong gamitin.

Ayon kay Bea Camille Natalaray, ang tagapagsalita ng DOH Region 6, hihingan rin ng paliwanag ang concerned LGUs kung bakit hindi nagamit ang nasabing supply.

“Magpapasa sila ng incident report to explain bakit hindi nila na-utilize ang vaccine within the period of time. Ano ang mga factors konoconsider para next time maging part na siya ng ating mga guidelines or protocols or strategies,” ani Natalaray.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng DOH-6 ang magiging desisyon ng central office kung dapat bang managot ang mga LGU sa pagkasira ng mga bakuna. (mula sa ulat ni Correspondent Lalaine Moreno)

NCR reaches peak of COVID-19 cases — DOH, OCTA

Maris Federez   •   January 24, 2022

 

MANILA, Philippines — The Department of Health (DOH) and the OCTA Research Group are in agreement that the National Capital Region (NCR) has reached the peak of coronavirus disease (COVID-19) cases.

The two agencies said the number of COVID-19 cases in Metro Manila is now expected to go down come February.

DOH Secretary Francisco Duque III said this development is brought about by the consecutive days wherein the 7-day average growth rate in the NCR has been seen to go down.

“Lumalabas nag-peak na at nakikita natin ilang araw nang sunod sunod na bumababa ang kaso ng NCR at lumiliit ang porsyentong iniaambag nito sa ating total case load,” Duque said.

Meanwhile, the latest projection of the OCTA Research Group showed that the growth rate of the virus in Metro Manila has decreased to -50 and the production rate has slowed down to 1.03.

OCTA said they expect the COVID-19 cases in the region to go down in the coming weeks.

OCTA fellow Prof. Guido David said that based on their monitoring, Metro Manila has reached its peak of COVID-19 cases on January 10, wherein the number of positive cases in the region breached the 18,000 mark.

“Simula January 14, masasabi natin na patuloy nang bumababa yung bilang ng kaso hanggang sa ngayon. Kahapon nga 5,000 na lang. So malaki na ang ibinaba from 18,000 down to 5,400. Ang laking improvement,” David said.

“At kaya nga yung projection natin hopefully patuloy na yan hanggang Valentines, baka less than 1,000. Baka end of February baka less than 500 na lang. At mababalik na natin yung kalagayan natin tulad nung nakita natin nung November and December sa buong bansa. Pero sa Metro Manila pa lang yan,” he added.

Based on their study, OCTA said that COVID-19 cases in the NCR will go down to as low as 1,000 by February.

This data, the group said, may be used by the government in determining whether to place the region under a more relaxed alert level restriction.

However, Duque said that this development is not yet a parameter to come up with the decision to ease the alert status in the NCR to Alert Level 2.

This, he said, still calls for the review and consideration by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

“Pero paguusapan pa rin yan mamaya sa IATF or rather on Thursday. Baka kailangan na kailangan ay tingnan na rin kung talagang malinaw na ang health care utilization ay nagkaroon na ng pagbabaklas o decoupling. Kumbaga tumaas ang kaso okay pa yung mga severe critical nasa baba so may decoupling, kung tawagin. Baka pagusapan yan pwede na at mababa to alert level 2,” Duque explained.

He added that based on the DOH monitoring, the hospital bed and ICU utilization in the NCR is now at low risk.

On the other hand, such is not the case in areas outside the NCR.

Duque said, healthcare utilization rate in several areas of the country are now at high to critical risk which the IATF is closely monitoring.

Meanwhile, OCTA Research also reported that decreasing COVID-19 cases are also recorded in the provinces of Cavite, Rizal and Bulacan. —/mbmf (from the report of UNTV Correspondent Aileen Cerrudo)

DOH, wala pang rekomendasyon kung ibababa sa COVID-19 Alert Level 2 ang NCR sa Pebrero

Robie de Guzman   •   January 24, 2022

MANILA, Philippines – Masyado pang maaga para masabing maaaring nang ibaba sa COVID-19 Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) sa kabila ng pagbaba ng mga naitatalang kaso kada araw, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pinakahuling ulat ng DOH noong linggo, nasa 29,828 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Nasa 30,552 naman noong Sabado.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bumababa na ang kaso ng hawaan sa NCR pero kapansin-pansin naman ang pagtaas ng infection rate sa mga lalawigan.

“I think it’s too early to declare and to say to people that we will shift or de-escalate to Alert Level 2,” ani Vergeire.

“Kahit po sa tingin natin bumabagal na po ang pagdami ng kaso, bumaba na ang numero araw-araw, pero alalahanin po natin na mayroon pa rin po tayong mga kababayan na hindi na po nagpapa-test. Mayroon din tayong mga kababayan na nag-a-antigen test na hindi po naire-report sa DOH,” dagdag pa niya.

Maaari aniyang makita ang peak o pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa NCR sa bandang kalagitnaan o katapusan pa ng Pebrero.

Ang NCR ay nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 3 hanggang sa Enero 31.

Samantala, sa ulat naman hinggil sa posibilidad ng paglutang ng mas matindi pang COVID-19 variant kasunod ng Omicron, sinabi ng DOH na mataman itong nakabantay sa mga napapaulat na variants sa ibang bansa.

Pero paalala ni Vergeire sa publiko na mainam pa ring panlaban sa anumang variant ang pagsunod sa health protocols gaya ng maayos na pagsusuot ng face mask, physical distancing at pagpapabakuna.

“Pero ang babala naman po ng mga eksperto, and even across the globe na huwag po muna tayong maging complacent because there might be other variants of concern again that might enter our country, different countries that might cause more infections and more transmissions. So tayo po ay closely monitoring,” ani Vergeire.

Payor in ng DOH sa publiko na iwasan muna ang anumang physical gathering lalo na sa Pebrero 1 o Chinese New Year dahil nananatiling mataas ang COVID-19 cases sa bansa. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

COVID-19 cases sa NCR, bumababa na pero hawaan sa mga probinsiya, tumataas – DOH

Robie de Guzman   •   January 21, 2022

MANILA, Philippines – Bumababa na ang kaso ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR), batay sa obserbasyon ng Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kapansin-pansin ang bumabagal na ngayong hawaan ng COVID-19 sa NCR kahit may umiiral na transmission o hawaan ng Omicron variant, kumpara sa nakalipas na linggo.

“Base naman sa obserbasyon na ito, atin namang sinasabi na, oo bumabagal po ang pagtaas ng mga kaso, mayroon po tayong nakikita na parang nagpa-plateau dito sa National Capital Region,” ani Vergeire.

“But we do not look only sa number of cases kapag tayo ay nag-aanalisa ng ating sitwasyon. Tinitignan pa po natin ang ibang mga metrics na gingamit gaya ng positivity rate,” dagdag pa niya.

Ayon sa DOH, nakatulong ang mataas na vaccination coverage sa NCR kaya naman kahit tumaas ang kaso ay hindi ganoon kadami ang na-ospital at nakaranas ng severe infection.

Ngunit sa labas ng NCR, napansin rin ng DOH na tumataas naman ang kaso ng COVID-19 sa mga lalawigan, dahilan upang ilagay sa COVID-19 Alert Level 4 ang ilang lugar.

Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4 hanggang Enero 31 ay ang Kalinga, Ifugao, Mountain Province, at Northern Samar.

Sa ilalim ng Alert Level 4, hanggang 10% indoor capacity lang ang papayagan sa operasyon ng mga establisiymento para sa fully vaccinated individual habang 30% naman ang outdoor capacity.

Bawal namang mag-operate ang amusement parks, casinos, mga sinehan, pati na ang pagsasagawa ng contact sports at face-to-face classes.

“Bagamat mataas na po talaga ang kanilang mga kaso ang kanilang healthcare utilization ay pumalo na po more than 70%. Now there are areas in the country na pumalo na rin po sa more than 70% ang kanilang healthcare utilization pero hindi po natin inescalate so bakit po? Dahil tinitihgnan din po natin kung magkano po ba or how much they have allocated for their ICUs and wards,” ang paliwanag ni Vergeire.

“Nakikita po natin na medyo nahihirapan na po ang mga lugar na ito that’s why the decision to escalate them compared to other areas,” dagdag pa niya.

Ganito rin ang obserbasyon ng OCTA Research group sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, inaasahang sa pagpasok ng Pebrero ay mas mababa pa ang maitatalang kaso ng COVID-19 kada araw sa NCR,

“Even by the end of the month we are projecting just a little over 2000 cases per day in the NCR it peaked at around 18,000,” ani David.

“By Valentine’s Day, it could be at less than 1,000 cases and by the end of February it could be at around less than 500 cases. Again these are very rough projections we hope that it could guide our friends in the business sector and in the government,” dagdag pa niya.

Sa obserbasyon ng OCTA, ang pagbaba ng kaso sa NCR ay gaya ng pattern na naobserbahan sa South Africa pagkatapos ng mabilis na pagkalat ng Omicron variant.

Pero babala ng grupo, hindi dapat maging kampante ang publiko dahil tumataas pa rin ang kaso ng COVID-19 sa ibang lugar gaya sa Central Luzon, CALABARZON at sa Cebu City.

Dapat rin umanong panatilihin muna ang alert level sa NCR dahil mahigit pa sa 1 ang reproduction number ng rehiyon at hindi pa rin naman napuputol ang hawaan ng Omicron at Delta variant.

“Downgrading to alert level at this time might not be advisable until the NCR reaches the moderate risk just to sustain the rapid decrease that we’re seeing so that we could see those good numbers later in the moths of February,” ani David.

“Last year we almost reach a baseline of about less than 100 cases per day in the NCR,” dagdag pa niya.

Samantala, muli namang nagpaalala ang mga otoridad sa publiko na sumunod sa health protocols at magpabakuna o booster upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19.

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.