3 barko ng PCG, tutulak sa Cebu at Bohol para sa relief operations

admin   •   October 16, 2013   •   3091

Ang pagkarga ng mga relief packages sa mga barko ng Philippine Coast Guard para sa mga naapektuhan ng malakas na paglidol sa Central Visayas. (UNTV News)

Ang pagkarga ng mga relief packages sa mga barko ng Philippine Coast Guard para sa mga naapektuhan ng malakas na paglidol sa Central Visayas. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbiyahe ng relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng magnitue 7.2 na lindol.

Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, sakay ng unang umalis na tatlong barko ang may sampung libong family food packages.

May laman ang bawat set nito na tig-tatlong kilong bigas, 6 na paketeng kape, mga delata, tatlong corned beef, apat na sardinas at 8 pakete ng instant noodles.

Ang bawat package ay nagkakahalaga ng P200.

“On top of the relief ops na ginagawa may kasamang mga medical teams dito and we also have canine units… plus yung ating team sa barko, they can also be used as rescue kung kakailanganin sa area,” ani Balilo.

Bukod sa pagkain, nagpadala rin ang DSWD ng mga bottled water.

“Andun na po yung mga taga DSWD at ina-asess na po yung mga needs at tuloy tuloy po yung aming mga tulong na pinapadala,” pahayag ni DSWD Warehouse Management Head Francia Fabian.

Ayon sa PCG, inaasahang aabutin ng dalawang araw bago makarating sa Bohol ang relief goods.

Mula sa Bohol, dadaan din ng Zamboanga ang barko na magde-deliver ng mga kitchen utensils kagaya ng mga kaldero, sandok, plato at baso para sa mga mamamayang naapektuhan ng MNLF attack sa Zamboanga City.

Samantala, bumalik na sa normal ang shipping activities sa eastern at central Visayas.

Batay sa latest report na nakalap ng PCG, walang pinsala ang mga pantalan sa naturang mga probinsiya.

Tanging ang Tagbilaran Port lamang sa Bohol ang nagkaroon ng malaking pinsala dahil sa lindol kaya   nanatiling sarado ito hanggang sa kasalukuyan.(Francis Rivera / Ruth Navales, UNTV News)

Coast Guard to install lighted ocean buoys at Philippine Rise

Marje Pelayo   •   May 11, 2021

MANILA, Philippines – The Philippine Coast Guard (PCG) is set to install the first three of 10 state-of-the-art lighted ocean buoys to mark the Philippine Rise as part of the Philippines’ exclusive economic zone (EEZ).

The ceremony will be held on Wednesday, May 12.

The 30-foot long buoys, which arrived in Cebu from Valencia, Spain on May 7, are equipped with modern marine aids to navigation lanterns, specialized mooring systems, and a remote monitoring system that uses satellite technology to transmit data to the PCG National Headquarters in Port Area, Manila.

PCG Commandant Admiral George Ursabia Jr. said the presence of buoys in the Philippine Rise will effectively communicate that said vicinity waters is considered a special protected zone.

Hence, mining and oil exploration are strictly prohibited to preserve its rich natural resources.

Moreover, said ocean markers will also be used by the PCG to mark the designated food supply exclusive zone and ensure safe navigation in the Philippine Rise, formerly known as Benham Rise.

Mga barko ng China sa Sabina Shoal matagumpay na naitaboy ng PCG

Marje Pelayo   •   May 5, 2021

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na matagumpay nilang naitaboy ang ilang barko ng China na pumasok sa Sabina Shoal sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ang Sabina Shoal ay matatagpuan humigit-kumulang 73 milya mula sa Mapankal Point, Rizal, Palawan.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armando Balilo, nagpadala ng radio communication ang Pilipinas ng mamataan ng BRP Cabra (MRRV-4409), MCS-3002, at MCS-3004 ang pitong ‘unidentified foreign vessel’ na naka-angkla sa lugar.

Kalauna ay natukoy na ito ay mga China Maritime Militia Vessel (CMMV).

“This is Philippine Coast Guard BRP Cabra (MRRV-4409). You are within Philippine exclusive economic zone. You are requested to provide the following: name of vessel, intention, last and next port of call on Channel 16,” panawagan ng PCG sa mga barko ng China.

Ito ay naganap sa sa kasagsagan ng joint maritime exercise ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Sabina Shoal noong ika-27 ng Abril.

Ayon sa ulat ng PCG, nakipag-komunikasyon ang PCG sa mga ito para ipahayag na ang Sabina Shoal ay bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Nang hindi makatanggap ng sagot pagkalipas ng tatlong radio communication, nilapitan ng mga barko ng Pilipinas ang mga barko ng China na agad namang nag-angat ng angkla at nagpa-andar ng makina.

Sinundan ng PCG at BFAR ang paglalayag ng mga barko para masigurong tuluyang aalis ang mga CMMV sa Sabina Shoal.

DFA files two protest vs China for “belligerent actions against the Philippine Coast Guard”

Aileen Cerrudo   •   May 3, 2021

MANILA, Philippines—The Department of Foreign Affairs (DFA) has filed two protests against China for the continuous presence of Chinese vessels in the West Philippine Sea, and its “belligerent actions against the Philippine Coast Guard.”

In a statement, the DFA said it has protested the shadowing, blocking, dangerous maneuver, and radio challenges by the Chinese Coast Guard (CCG) on the Philippine Coast Guard (PCG) vessels conducting legitimate maritime patrols and training exercises in the vicinity of Bajo de Masinloc.

The department also mentioned in its protest “the incessant, illegal, prolonged, and increasing presence of Chinese fishing vessels and maritime militia vessels in Philippine maritime zones.”

“From January 1 to March 18, 2021, Philippine maritime law enforcement agencies monitored the continued unauthorized presence and activities of hundreds of Chinese vessels in the West Philippine Sea, particularly in the areas around the Pag-asa Islands, Zamora Reef, Panata and Kota Islands, Ayungin Shoal, Quirino Atoll, and Bajo de Masinloc,” the statement said.

The department also rejects the statement of the Spokesperson of the Chinese Ministry of Foreign Affairs on 26 April 2021 that China enjoys sovereignty over Bajo de Masinloc, reiterating that such statement has no “basis in international law, including the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), and is not recognized by the international community.”

The DFA further emphasized that “the Kalayaan Island Group (KIG) and Bajo de Masinloc are integral parts of the Philippines over which it has sovereignty and jurisdiction.”

It also reiterated that China has no law enforcement rights in these areas.

The DFA also called on China “to withdraw its government vessels around the KIG and Bajo de Masinloc and respect Philippine sovereignty.” AAC

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.