4-week MECQ maaaring magpababa sa COVID-19 cases sa bansa – OCTA

Robie de Guzman   •   March 24, 2021   •   323

MANILA, Philippines – Malaki umano ang posibilidad na masugpo ang lalo pang tumataas na kaso ng novel coronavirus disease (COVID-19) kung isasailalim ang bansa sa modified enhanced community quarantine (MECQ), ayon sa OCTA Research Group.

Ayon kay Prof. Ranjit Rye, miyembro ng OCTA Research Group, batay sa kanilang pag-aaral ay maaaring mapigilan ang COVID-19 transmission kung ilalagay sa apat na linggong MECQ ang bansa, lalo na ang Metro Manila.

Magandang tiyempo rin aniya ito sa inaasahang pagdating ng karadagdagan pang supply ng bakuna kontra COVID-19.

“If we want to end this, and we want to slow this down to a manageable level the worst surge in the country’s history as far as this COVID, fighting COVID-19 virus is concerned, and then maybe an MECQ of 2 weeks will really do it. It will slow down. For 4-weeks, it would really knock it out and tamang-tama papasok dun ang bakuna by that time. Maganda ang timing,” ani Rye.

Una nang sinabi ng pamahalaan na hindi na kakayanin ng bansa na bumalik sa mas mahigpit na community quarantine dahil nakalugmok na ang ekonomiya ng Pilipinas bunsod ng epekto ng pandemiya.

Ayon kay Rye, nauunawaan nila ang sitwasyon kaya ang ipinapanukala nila ay ang pagpapatupad ng soft MECQ.

Sa ilalim ng panukalang ito, papayagan pa ring magbukas ang public transportation hindi tulad sa hard MECQ na tanging mga traysikel lamang ang pinapayagang pumasada.

Papayagan din ang limitadong operasyon ng government offices, mga industriya, mga negosyo, at iba pang essential establishments ngunit istriktong ipagbabawal ang anumang social gatherings.

Ayon kay Rye, sa ngayon ay umakyat na sa 2 ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila na ang ibig sabihin ay dalawa ang maaaring mahawaan ng isang taong nagpositibo sa COVID-19.

Sa kasalukuyang ipinatutupad na general community quarantine bubble sa NCR Plus, maaari aniyang abutin ng apat na linggo bago makita kung may epekto ito sa reproduction number ng COVID-19 cases sa bansa.

“Naglabas ng monitor ang OCTA, ang lumalabas po ay pataas pa rin po ang mga kaso natin. May momentum na kasi siya so, hintayin natin ng ilang araw. Let’s give the Bubble a chance,” ang wika ni Rye.

“Pero kung pataas pa rin siya after next week eh mukhang kailangan na tayong mag-isip-isip ng mas istrikto pang quanrantine classification,” dagdag pa niya.

Batay sa monitoring ng OCTA Research Group, halos 3,600 na bagong kaso ang naitatala sa Metro Manila nitong mga nakalipas na araw.

Nakakita rin sila ng mabilis na pagtaas ng kaso sa Calabarzon at Central Luzon, particular na sa Batangas at Pampanga.

“Gusto natin ma-monitor muna kung ano yung magiging effect nyan pero based dun sa nakita natin last year na nag-MECQ tayo, normally it takes mga 1 month, 4 weeks bago natin makita yung reversal to a downward trend, pero hindi natin sinasabi na imposible mangyari yan in the next 2 weeks. It’s not so likely, but it’s still possible naman,” ang pahayag ni Prof. Guido David, isa rin sa mga miyembro ng OCTA Research Group.

Umaasa ang OCTA na magbubunga ang 2 linggong NCR Plus bubble ng pagbagal ng reproduction rate ng COVID-19 sa bansa. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

DILG hindi pabor sa reproduksyon ng COVID-19 vaccination card

Aileen Cerrudo   •   July 23, 2021

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko kaugnay ng pagpapagawa ng COVID-19 vaccination card na yari sa isang uri ng plastic card na polyvinyl chloride o PVC.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, mahalaga ang vaccination card at ang mga impormasyong nakapaloob dito.

Kaya’t tanging orihinal na kopya lang nito ang dapat gamitin alinsunod na rin sa pamantayan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

“Madaming paggagamitan iyong vaccination card sa ating mga kababayan para makagalaw, para makapagtrabaho, para makapagbyahe. So, given this situation, kailangan po ay orihinal ang ipakita natin sa mga entry points or kaya naman sa mga mall kung tayo ay senior citizen,” ayon kay Malaya.

Paliwanag pa ng DILG, hindi na orihinal ang kopya nito kung isasaliam sa reproduksyon gaya ng paglalagay ng impormasyon sa PVC card, pagkuha ng litrato, xerox o photocopy at pagpapa-scan nito.

May banta rin sa data privacy o personal na impormasyon ng isang indibiduwal ang pagbibigay ng kopya ng vaccination card sa ibang tao o kumpanya.

Kaya payo ni Malaya, huwag sayangin ang oras, hirap at pera sa pagpapagawa ng PVC vaccination card.

Maari namang protektahan na lang ang orihinal na bakuna card sa pamamagitan ng ilang paraan upang hindi ito masira o mawala kung ito ay dadalahin.

“Kung tayo ay concerned doon sa ating vaccination card, ayaw natin itong masira o mabasa, eh di ipa-laminate na lang. Marami pong paraan para maprotektahan natin ang ating vaccination card without reproducing it or tampering with the original,” ayon kay Malaya.

Maaari namang manghingi ang isang indibidwal lalo pa ang mga pupunta sa ibang bansa ng vaccination certificate sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na maaring magsilbing patunay na ang isang tao ay bakunado na.

Metro Manila LGUs, naghahanda na sa posibleng paglobo ng COVID-19 cases dahil sa Delta variant

Robie de Guzman   •   July 23, 2021

MANILA, Philippines – Naglagay na ng dagdag na isolation facilities ang iba’t ibang local government units (LGU) sa Metro Manila bilang paghahanda sa posibleng pagdami ng COVID-19 cases bunsod ng Delta variant.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, 83 isolation facilities na ang inihahanda sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila at maging sa mga hotel.

Ani Abalos, kailangang maihanda ang mas maraming facility beds para maiwasan na ang nangyaring siksikan sa mga ospital nang magkaroon ng surge ng COVID-19 cases sa unang bahagi ng taon.

“We’ve had this experience before eh remember nung South African and UK variant nung tumaas in just two weeks, kumalat kaagad. Yun talaga, nagsiksikan ang mga ospital, nagsiksikan ang isolation, pero in a way kinaya naman. Talagang naghanap tayo ng mga hotels,” ang pahayag ni Abalos.

Una nang nanawagan ang Department of Health (DOH) at ilang eksperto sa mga lokal na pamahalaan na higpitan pa ang pagpapatupad ng health protocols at contact tracing upang maagapan ang pagkalat ng Delta variant lalo na sa Metro Manila.

Hinimok din ng DOH ang publiko na patuloy na sundin ang mga polisiya sa pagsusuot ng face mask at face shield at social distancing at iwasan ang mass gathering.

Samantala, inihayag naman ni Department of Interior and Local Government spokesperson Jonathan Malaya na pinag-iisipan na ng Metro Manila mayors na ipagbawal ang home quarantine upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19 sa isang pamilya.

“Home quarantine is no longer recommended especially dun sa mga areas na may Delta variant. Pag kayo ay nakahalubilo, kailangan dalhin kayo sa facility,” ani Malaya.

Pinaiigting na rin ang operasyon ng One Hospital Command Center upang agad matugunan ang mga kababayang mangangailangan ng atensiyong medical sa gitna ng pandemya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nunez)

Clusters of Delta variant cases seen in Northern Mindanao, Antique – DOH

Robie de Guzman   •   July 23, 2021

MANILA, Philippines – The Department of Health (DOH) on Friday reported that clusters of Delta COVID-19 variant cases have been observed in Northern Mindanao and the province of Antique in Western Visayas.

Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said the cluster of infections in the Northern Mindanao was seen in a family while different clusters of infections were observed in Antique.

She said one family cluster may have stemmed from an individual who came home from work and infected the household.

“Ito pong ating cluster of infection na isa, dito sa may Delta variant, nakitaan natin na mayroon isang kapamilya na nagtratrabaho sa isang lugar at umuwi sa kanilang pwesto, at doon sila po ay nagkaroon ng pagkakahawa-hawa. There is a link,” Vergeire said in a press forum.

The DOH earlier confirmed the local transmission of the highly contagious variant following the phylogenetic analysis conducted by the University of the Philippines – Philippine Genome Center, and case investigation by the DOH Epidemiology Bureau and the regional and local epidemiology and surveillance units.

The number of Delta variant cases in the Philippines rose to 47 after 12 more local cases were detected. Of these cases, three died while eight remain active.

The DOH reminded the public to continue adhering to COVID-19 health protocols, such as the wearing of face masks and face shields, social distancing and avoiding unnecessary travels and gatherings.

They must also get vaccinated against COVID-19 when it is their turn.

The DOH likewise urged local government units to shorten the duration of case detection to isolation and immediately isolate symptomatic patients, and ramp up their vaccination and prioritize the senior citizens and people with underlying conditions.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.