ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, posibleng patawan ng parusa ng kongreso sa pagsasapubliko ng recorded audio sa isang executive meeting

admin   •   August 12, 2014   •   4633

ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isang malinaw na paglabag sa rules ng House of Representative ang ginawa ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na isapubliko ang recorded audio ng napag-usapan sa isang executive session ng kongreso.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Isidro Ungab na siyang nagpatawag ng miting na  bago pa lamang sila magsimula nilinaw nya sa mga dumalo na iyon ay isang executive session.

Base sa rules ng kamara, ekslusibo ang anumanag pinag-usapan sa isang executive meeting at hindi maaaring isapubliko.

Kaya hindi ito dapat na isinasapubliko maliban na lamang kung papayag ang mayorya ng mga miyembro ng komite.

“Paano nal ang yung mga witness o source person na pinatawag naming na nagtiwala sa amin na may sinabi doon sa session tapos isasapubliko nalang ng ganun,” saad ni Rep. Isidro Ungab.

Paglilinaw naman ni Tinio, hindi maaaring tawaging executive session ang kanilang ginawang meeting dahil simpleng pag-uusap lamang ng kongreso : Commission on Higher Education (CHED) at Department Of Health (DOH).

Sa pag-uusap na ito umano nabunyag na mayroon pa rin pork barrel sa ilang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Tinio, lahat ng pag-uusapan sa kongreso na may kaugnayan sa interes ng publiko ay dapat na mabatid ng taumbayan.

“Anong kilaman ng CHED scholarship sa executive session? Kaya nila sinabing executive dahil nalaman na ang paguusapan ay may kinalaman sa PDAF.”

Hindi naman palalampasin ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe ang isyu.

Nakatakdang maghain ng reklamo sa House Committee on Ethics si Batocabe upang patawan ng kaukulang parusa si Tinio, maging ang empleyado na nag-record ng usapan sa executive session.

“Di tayo papayag na lalabag sa batas ang kahit sino dito sa kongreso, no one is above the law.”

Handa naman si Congressman Tinio na harapin ang reklamo.

“Expected ko na ‘yan dahil sa isiniwalat ko.”

Lahat ng reklamo laban sa mga kongresista ay idinadaan sa House Committee on Ethics.Una ay maaari silang i-repremand o pagsabihan, o di kaya naman ay masuspinde ng hindi lalampas sa 60-araw. Habang maaari rin itong ma-expel o mapatalsik sa kongreso depende sa bigat ng reklamo.

Ipinauubaya naman ng Malacañang sa kamara ang desisyon tungkol sa naging paglabag  tinio.

“Mga alegasyon pa rin nakapaloob sa kanilang complaint tungkol sa naganap sa isang pagpupulong ng isang lupon ng kamara at sa aming pananaw, ito ay saklaw ng patakaran ng kamara. Batid ng lahat ayon sa desisyon ng Korte Suprema, ipinagbabawal ang partisipasyon ng mga mambabatas sa pagpapatupad ng budget at yan ang prinsipyong tinututupad ng ehekutibo,” pahayag ni PCOO Secretary Herminio Coloma Jr. (Grace Casin, UNTV News)

Pagpapababa sa presyo ng RT-PCR test pinag-aaralan ng DOH

Robie de Guzman   •   January 14, 2022

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung maaaring mapababa ang presyo ng RT-PCR o swab test sa gitna ng lumulobong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang hakbang ay kasunod na rin ng reklamo sa mataas na presyo ng test at dami ng mga nagpapasuri.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, inaalam na nila ang paraan kung paano mapapamura ang presyo ng swab test upang hindi gaanong mabigatan ang bulsa ng mga Pilipino.

Noong Setyembre 2021, sinabi ng DOH na dapat ay naglalaro lang sa P2,000 hanggang P3,000 ang presyo ng RT-PCR test sa mga pampubliko at pribadong laboratoryo.

Mula ito sa dating presyo na P3,000 hanggang P5,000.

Limited in-person classes in most colleges, universities to open by February – CHED

Robie de Guzman   •   January 13, 2022

MANILA, Philippines – At least 200 universities and colleges in areas under COVID-19 Alert Level 3 will open limited in-person learning by February, the Commission on Higher Education (CHED) said Thursday.

CHED chairperson Prospero De Vera said most of the higher education institutions (HEI) have opted to open limited face-to-face classes next month instead of January amid rising COVID-19 cases.

“Natapos ko nang i-meet ang lagpas 200 na mga pamantasan nitong nakaraang linggo at ang marami sa kanila na nasa Alert Level 3 ay nag-decide na February sila magbubukas kung sakali ng limited face-to-face,” De Vera said.

“Iyong mga iba naman ay magbubukas ng online tapos magshi-shift sa limited face-to-face kapag okay na ang kalagayan ng kanilang lugar,” he added.

CHED earlier announced it will push through with Phase 2 of the limited in-person classes in HEIs in areas under COVID-19 Alert Level 3 on January 31 after it was allowed by the Department of Health. Universities and colleges under Alert Level 2 can begin anytime.

De Vera, however, said that the initial date they set was just a “reference point.”

“Ibig sabihin, depende iyan doon sa kalagayan on the ground ng mga pamantasan, ang kanilang konsultasyon sa local governments, ang kondisyon ng kanilang facilities, konsultasyon sa mga faculty at students at mag-adjust sila depende doon sa kalagayan,” he said.

Meanwhile, HEIs in areas hit by Typhoon Odette have yet to resume limited classes as repair works in their facilities are ongoing.

De Vera also said that the power supply in some areas has not been restored.

 

CHED chair De Vera says he contracted COVID-19

Robie de Guzman   •   January 13, 2022

MANILA, Philippines – Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero De Vera on Thursday said he has tested positive for COVID-19.

During the Laging Handa public briefing, De Vera disclosed that he and his family are currently under quarantine.

“Ako ay naka-quarantine sa bahay, ang aking buong pamilya ay infected,” he said.

In a  social media post last week, De Vera urged his close contacts to go on self-quarantine and monitor themselves for any symptoms.

The CHED commissioner said he is on his way to recovery.

“Pero dahil sa mga tumutulong sa aking mga doktor kasama ang pag-telemed, ako ay unti-unting gumagaling kaya medyo pagpasensiyahan ninyo na at medyo paos pa ang aking boses,” he said.

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.