AFP modernization, reporma para sa kapayapaan at seguridad kabilang sa mga legacy ng administrasyong Duterte – DND

Robie de Guzman   •   July 21, 2021   •   105

MANILA, Philippines – Ang modernisasyon at pagpapalakas sa kapasidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isa umano sa mga maituturing na pinakamalaking pamana ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, maraming nabiling military assets sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang aniya rito ang dalawang missile capable frigates, anim na close air support aircrafts, at 16 na combat utility helicopters.

“The biggest accomplishment or legacy that will be left by President Duterte in the defense department is procurement of military assets. We had a lot of assets procured during his time,” ang wika ni Lorenzana sa pre-SONA forum na ginanap sa Camp Aguinaldo noong Miyerkules, Hulyo 21.

Ayon sa kalihim, ginagamit na ang mga biniling military asset sa air at sea patrol operations ng bansa upang masugpo ang mga iligal na gawain gaya ng smuggling at kidnapping na kadalasan noong napapaulat sa Mindanao.

Mula sa labing-anim na insidente ng pagdukot sa karagatan noong 2016 ay bumaba umano ito sa isa noong 2020, sa tulong na rin ng pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa ibang bansa.

“Naging mabunga rin ang ugnayan at pakikipagtulungan natin sa iba’t-ibang bansa sa loob at labas ng rehiyon. Dahil sa trilateral cooperative arrangement natin sa Indonesia at Malaysia mabilis nating napababa ang mga insidente ng kidnapping at iba pang krimen sa karagatan ng Sulu,” ani Lorenzana.

Pagdating naman sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng komunista, sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na 84 porsiyento ng mga lokal na pamahalaan sa bansa ang nagdeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang persona non grata.

Aabot naman sa 2,965 communist terrorists ang napatay sa mga engkwentro kung saan 80 rito ay matataas na opisyal umano ng grupo.

Nalansag rin ang nasa 24 Guerilla fronts sa bansa at nabawasan ang mga miyembro ng mga komunista matapos sumuko o mahuli ng mga otoridad.

“As part of our reintegration program former rebels are given a comprehensive package, benefits and assistance,” ani Esperon.

Dahil dito, naniniwala si Lorenzana na hindi na magiging malaki ang banta ng CPP-NPA sa mga susunod na panahon.

Samantala, pagdating naman sa takbo ng justice system sa bansa, inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra natumaas ng 49.46 percent ang conviction rate o nadesisyunang mga kaso sa bansa nitong nakaraang taon.

Mas mataas ito kaysa 20.40 percent noong 2016 at 41.74 noong 2018.

Samantala, ang backlog ng mga kaso na nakarating sa DOJ National Prosecution Service ay bumaba ng 29.5 percent nitong 2020 mula sa 49.80 percent noong 2016.

Kabilang ngayon sa hamon sa DOJ ay ang pag-review sa nasa 6,000 drug cases sa bansa

“And if time will permit, we will also take a look at the more than 6,000 cases which are also investigated by the PNP-IAS but the respondents were exonerated for insufficiency of evidence. Itong naunang 52 cases may finding ng administrative liability ang PNP Internal Affairs Service, so ‘yon ang uunahin namin dahil may nakita na sila dun,” ani Guevarra.

Sa huli, naniniwala ang security, justice at peace cluster ng pamahalaan na pasado ang pangulo sa kanyang mga hakbang sa pagtugon sa mga usapin sa mga nasabing sektor. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

PNP to deploy 15,000 cops to secure Duterte’s final SONA on July 26

Robie de Guzman   •   July 23, 2021

MANILA, Philippines — The Philippine National Police (PNP) will deploy around 15,000 police officers to secure President Rodrigo Duterte’s last State of the Nation Address (SONA) on Monday, July 26.

PNP chief Guillermo Eleazar said the National Capital Region Police Office has finalized the security preparations and deployment plans for the SONA.

“Handang-handa na ang inyong Philippine National Police sa SONA ng ating Pangulong Duterte sa darating na Lunes,” Eleazar said in a statement.

“Nakalatag na ang mga security plan at nakaantabay na rin ang sufficient number ng ating kapulisan para sa deployment at iba pang contingency measures,” he added.

Eleazar said the PNP has not monitored any threat to the SONA but assured that all personnel are ready to respond to any eventuality.

Police officers will also use body-worn cameras to help monitor the movements of suspicious persons who may be planning to disrupt the SONA, he added.

Eleazar asked for the public’s cooperation and urged groups planning to stage mass actions to conduct their activities online amid the threat of the more infectious Delta COVID-19 variant.

“Sa ilan nating mga kababayan na patuloy pa ring nagpa-plano para sa isang rally, nagpapa-alala ang inyong PNP na lubha pang delikado ang ganitong klaseng pagtitipon lalo na at may kumpirmasyon na ng local transmission ng Delta variant ng COVID-19,” he said.

“Mas ligtas na makinig at manood na lang tayo ng SONA sa ating mga tahanan,” he added.

8 senators to physically attend Duterte’s SONA on July 26 – Sotto

Robie de Guzman   •   July 22, 2021

MANILA, Philippines – Only eight senators will physically attend the final State of the Nation Address (SONA) of President Rodrigo Duterte on Monday, July 26.

Based on the list shared to the media, the following senators will physically attend Duterte’s SONA which will be held at the Batasang Pambansa Complex:

  • Senate President Vicente Sotto III
  • Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri
  • Senator Ronald dela Rosa
  • Senator Sherwin Gatchalian
  • Senator Christopher Lawrence “Bong” Go
  • Senator Imee Marcos
  • Senator Ramon Bong Revilla Jr.
  • Senator Francis Tolentino

Sotto said senators who have not manifested their intention to attend the SONA physically will be hearing Duterte’s address virtually.

The Office of the Senate Secretary earlier said that lawmakers and their staff who will attend Duterte’s SONA should be fully vaccinated and should yield negative results for COVID-19 RT-PCR and antigen tests.

Attendees will be required to present their vaccination cards indicating that they have completed their doses two weeks prior to the president’s SONA.

They are also required to undergo RT-PCR tests two days before the event, and antigen tests on Monday at the Batasang Pambansa Complex.

SONA attendees will also be required to wear Presidential Security Group-prescribed face masks, and face shields embedded with QR codes while inside the Plenary building.

Duterte’s political plans for 2022 won’t be mentioned in last SONA — Roque

Robie de Guzman   •   July 22, 2021

MANILA, Philippines — The political plans for 2022 of President Rodrigo Duterte will not be included in his final State of the Nation Address (SONA) on Monday, July 26, his spokesperson said Thursday.

“Siguro po, hindi mapapasama ang kaniyang mga planong pulitikal,” Presidential Spokesperson Harry Roque said at a Palace briefing.

“Importante po is the roadmap for his last year in office,” he added.

Duterte earlier said he is open to seeking the vice presidency in the next elections.

Roque on Wednesday said Duterte’s SONA will look back into the past five years of his administration and will focus on measures, such as infrastructure programs, that will help the country bounce back from the impact of the coronavirus pandemic. – RRD (with details from Correspondent Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.