Alamin: Bakit maari pa ring mahawa ang isang taong nabakunahan na laban sa COVID-19?

Marje Pelayo   •   April 14, 2021   •   120

MANILA, Philippines — Patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko maging sa mga indibidwal na nakakumpleto na ng dalawang dosage ng COVID-19 vaccines na mag-ingat dahil posible pa rin silang mahawa ng virus.

Paliwanag ng DOH, patuloy pang pinag-aaralan ang pagiging epektibo ng bakuna at wala pang sapat na ebidensya kung kailan makukuha ng isang indibidwal ang ganap na proteksyon pagkatapos na makapagpabakuna.

Ayon sa DOH at maging ng mga vaccine expert, proteksyon sa pagkakaroon ng severe case ng coronavirus disease ang maibibigay ng mga COVID-19 vaccines sa ngayon at hindi ang immunity sa pagkakahawa sa virus.

“Ang sinasabi natin, lahat ng bakuna na available ngayon for EUA ay wala silang kapasidad para mag-block ng transmission. Ibig sabihin, kahit ikaw ay bakunado na even with your second dose you can still be infected and you can still infect others,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa kasalukuyan, ilang bansa gaya ng Singapore at Japan ang nakapagtala na ng mga indibidwal na nahawa pa rin sa COVID-19 ilang araw pagkatapos na mabakunahan ng bakunang Pfizer-BionTech.

Kaya naman pinag-iingat pa rin ng DOH ang mga nakakumpleto na ng two dosage ng COVID-19 vaccines at sumunod pa rin sa health protocols dahil hanggang ngayon ay patuloy pang pinag-aaralan kung kailan makukuha ng isang indibidwal na nabakunahan ang ganap na proteksyon nito sa katawan.

“Wala pang lumalabas na sufficient evidence to state how much time does these vaccines give as protection. mayroon pailan-ilang studies lumalabas up to three months up to six months pero wala pa talagang sufficient na ebidensya at wala pa ring ibinibigay na rekomendasyon ang (World Health Organization),” ayon kay Vergeire.

Ngunit paliwanag ng mga vaccine expert, kung mahahawa man ang indibidwal na naka-kumpleto na ng COVID-19 vaccine, hindi naman ito magkakaroon ng severe cases ng sakit.

Base sa evaluation ng Food and Drug Administration (FDA), ang bakunang CoronaVac ng Sinovac ay may 100 percent efficacy rate laban sa pagkakaroon ng severe case; 50 percent laban sa mild cases; at 83 percent sa moderate cases.

Ang bakunang AstraZeneca naman ay may 100 percent efficacy rate upang protektahan ang isang indibidwal sa pagkakaroon ng moderate to severe cases ng COVID-19.

“Again I reiterate that it may not prevent you from getting an infection but it will suddenly prevent you from severe disease and death,” concluded Dr. Ruby Pawankar, president of the Asia Pacific Association of Allergy, Asthma and Clinical Immunology (APAAACI). MNP (sa ulat ni Harlene Delgado)

DTI: Halos 200-libong manggagawa, balik-trabaho sa ilalim ng GCQ

Robie de Guzman   •   May 14, 2021

MANILA, Philippines — Maaari nang makabalik sa trabaho ang nasa 200-libong empleyado matapos na ibalik sa general community quarantine “with heightened restrictions” ang National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan.

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, magiging daan ang paglipat sa GCQ ng NCR, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna – tinatawag na NCR Plus – upang mapababa ang bilang ng mga nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ).

“As we further open the economy, we are expecting to bring back 200,000 to 300,000 jobs to lessen the number workers displaced since the start of the ECQ,” ani Lopez.

Noong nasa ilalim ng ECQ ang NCR Plus, umabot sa 1.5 milyon ang bilang ng mga Pilipino nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.

Nabawasan ito at naging isang milyon noong ipinatupad ang modified ECQ.

Ayon kay Lopez, sa ngayon ay aabot pa sa 700-libong manggagawa ang hindi pa rin nakakabalik sa trabaho dahil sa limitadong operasyon ng ilang establisimyento gaya ng mga restaurant, at barbershop. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

DOH says no to proposed vaccine pass for access to indoor establishments

Robie de Guzman   •   May 14, 2021

MANILA, Philippines — The Department of Health (DOH) on Friday said it is not recommending the proposal to use a “vaccine pass” that would allow persons already inoculated against COVID-19 to have access to business establishments.

“Hindi po kami sang-ayon sa ganyang pagpapalakad o kaya ay magkaron tayo ng mga ganyang proseso,” Health Undersecretary Maria Rosario Vergere said in a virtual press briefing.

Vergeire said the DOH is not in favor of the proposal as there is no sufficient evidence yet to say that a person who has already received two doses of the COVID-19 vaccine can no longer be infected or spread the virus.

She added that initial studies have shown that the currently available vaccines against coronavirus cannot adequately block the virus.

“Wala pa ho tayong sufficient evidence to say na ang isang taong with complete doses of vaccines already would have that kind of immunity, na hindi na siya magkakaroon ng sakit o makakapanghawa dahil nga po dito sa mga paunang mga ebidensiya na ibinigay sa atin, hindi po nakakapag-block ng transmission adequately ang mga bakuna na mayroon tayo ngayon,” she said.

“As we have said, ang pinaka-assurance o benepisyong nakukuha natin ngayon sa vaccines is reducing severe infections and hospitalization. As to preventing mild to moderate infections, hindi pa rin po tayo nagbibigay ng ganyang assurance sa ating mga kababayan,” she added.

Vergeire also reminded the public, especially those who have completed the two doses of the COVID-19 vaccine, to still observe health protocols against COVID-19.

“Even if you are fully vaccinated, meaning you have completed two doses, kailangan pa rin natin magpatupad ng minimum health protocols,” she said.

“Itong sinasabing vaccine pass ay hindi pa rin mairerekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan,” she added.

No need for vital signs screening before COVID-19 vaccination, DOH says

Robie de Guzman   •   May 14, 2021

MANILA, Philippines – The vital signs screening will no longer be included in the vaccination process against COVID-19 as part of efforts to expedite the immunization in the country, the Department of Health (DOH) said Friday.

In an online press briefing, Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said they have already issued guidelines regarding the matter after DOH advisors and vaccination experts approved the recommendation from the Philippine Heart Association and the Philippine Society of Hypertension.

She said the new policy was approved after a DOH time and motion study found that walk-in vaccine recipients and the vital signs screening were causing long queues in vaccination sites.

“Meron na ngayong patakaran here in Metro Manila ang ating mga local government, only those master listed should go to the vaccination site kaya lang ngayon siyempre ang mga kababayan natin, very eager sila na magpabakuna na kahit hindi sila yung scheduled for that day, they go to the vaccination site, so that’s one,” Vergeire said.

“Pangalawa, nakita natin na there are certain processes within our system na nakakatagal talaga and one of those would be the vital signs screening, yung pag-BP (blood pressure), pagkuha ng temperature, pagkuha ng pulse rate, ng heart rate,” she added.

Under the new guidelines, Vergeire said that healthcare workers only need to closely monitor individuals with established hypertension or organ damage prior to their vaccination.

“Ang kailangan lang nating bantayan, especially for the blood pressure, would be yung blood pressure na 180/120 or more. Pero yung iba, kahit tumataas yung presyon, maaari pa rin naman natin silang bakunahan,” she said.

“Naglagay rin tayo sa guidelines natin na there should be a separate lane para sa mga taong gusto nating obserbahan because of their established history ng kaniang mga sakit para hindi po sila nakakadagdag doon sa pila,” she added.

Vergeire also said that the DOH is eyeing to expand vaccination sites to help speed up the rollout.

The health official also noted that the public confidence in COVID-19 vaccines has increased citing a survey they conducted in March.

Vergeire said the poll showed that 75 percent of respondents said that they are willing to get immunized if a vaccine was available, and 85.8 percent said they would get inoculated if they knew that the vaccines were safe and effective.

“Nakita po natin yung pagtaas talaga ng kumpiyansa ng ating mga kababayan noong nakita nilang marami na ring nababakunahan,” she said.

The Philippines has so far administered over 2.5 million doses of the COVID-19 vaccine, with over 500,000 who are fully vaccinated.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.