Alamin: Mga dapat gawin kapag kinapitan ng dikya o nakalalasong ‘box jellyfish’

Marje Pelayo   •   June 10, 2021   •   969

MANILA, Philippines — Salabay, dikya o box jellyfish ang tawag sa kumapit sa pitong taong gulang na batang namatay kamakailan sa Del Gallego, Camarines Sur.

Lumalaki ang mga ito na kasing laki ng bola ng basketball pero hindi basta makikita dahil transparent ang anyo.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 5, dumarami ang populasyon ng jellyfish na ito sa mga baybayin kapag tag-araw na siyang panahon ng kanilang pagpaparami.

Kung anong lambot ng katawan nito ay siya namang bagsik ng lason na nasa mga galamay dahil sa loob lamang ng 15 minuto ay maaaring mamatay ang biktima kung hindi agad maaagapan.

“Ang unang naaapektuhan talaga yung ating respiratory system at saka sa blood vessels na din natin. Kung titingnan natin doon sa mga causes na inilalagay sa death certificate ng mga namamatay out of box jellyfish, ang usual na nakalagay doon ay anaphylactic shock o kaya anaphylaxis,” ani Nonie Enolva, ang spokesperson ng BFAR-Region 5.

Ano-ano ang mga dapat gawin kapag nakapitan ng box jellyfish?

Una, buhusan ng suka ang naapektuhang bahagi ng katawan.

Ikalawa, huwag didiinan o lalagyan ng pressure para maiwasang sumiksik sa balat ang lason.

Ikatlo, agad na itakbo sa pinakamalapit na health facility ang pasyente para malapatan ng karampatang lunas.

“Iyong nangyari nga doon sa latest na victim ng box jellyfish parang mas nadagdagan pa yun ng pressure sa paraan ng pagkuskos ng buhangin doon sa affected body parts niya. So baka po nakapagpalala iyon or baka nakapag-release pa ng mas maraming lason,” pahayag ng opisyal.

Ayon sa BFAR, mas makabubuti kung magsusuot ng proteksyon ang mga nais mag-swimming gaya ng leggings, jogging pants o rash guard sa mga baybayin.

Para naman sa mga resort owner, maaring maglagay ng net para hindi makapasok ang mga dikya sa lugar ng paliguan. MNP (sa ulat ni Rey Pelayo)

18 coastal areas in PH high in red tide toxin — BFAR

Marje Pelayo   •   May 10, 2021

MANILA, Philippines — The Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) announced high toxicity levels in the waters of 18 coastal areas in the Philippines.

The agency said, water samples obtained from these areas were found to be positive for paralytic shellfish poison (PSP) or toxic red tide in the latest laboratory results of BFAR and the local government units announced on May 8.

These areas include:

Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City in Palawan;
Coastal waters of Dauis and Tagbilaran City in Bohol;
Tambobo Bay, Siaton in Negros Oriental;
Coastal waters of Calubian in Leyte;
Balite Bay, Mati City in Davao Oriental;
Lianga and Bislig Bays, and coastal waters of Hinatuan in Surigao del Sur.
Coastal waters of Daram Island, and Zumarraga, Cambatutay and Villareal Bays in Western Samar;
Coastal waters of Leyte, Carigara and Ormoc Bays, and Cancabato Bay, Tacloban City in Leyte;
Coastal waters of Biliran Islands;
Murcielagos Bay in Zamboanga del Norte

BFAR warned that all types of shellfish and Acetes (alamang) from the areas are not safe for human consumption.

However, fish, squids, shrimps, and crabs remain safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking, the agency said.

BFAR hinikayat ang mangingisdang Pilipino na huwag matakot na mangisda sa West PH Sea

Aileen Cerrudo   •   April 30, 2021

MANILA, Philippines—Nanawagan  ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisdang Pilipino na huwag matakot mangisda sa West Philippine Sea.

Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, dapat maipakita natin sa Tsina na tayo ang nagmamay-ari ng inaangkin nilang teritoryo at dapat lamang na pakinabangan natin ang mga likas na yaman dito.

Tiniyak ng BFAR na pababantayan nila sa mga tauhan ng pamahalaan na nagpapatrolya sa West Philippine Sea ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pinoy na magtutungo sa lugar.

“Habang nandoon ang ating mangingisda kailangang bigyan naman natin sila ng pansin at proteksyon in a sense na ang feeling nila at we protect the fishermen, we protect the fishing vessel and we protect the environment,” ayon kay Gongona.

Aniya, malaki rin ang maitutulong sa food security ng bansa ng nasa 324,000 metric tons ng isda na makukuha dito taon-taon.

“Relatively speaking talagang kapag dumami ang supply natin ay bababa ang presyo, supply and demand. Kaya nga ang supply na nanggagaling sa West Philippine Sea ay hindi magkulang” ayon kay Gongona.

Mayaman ang West Philippine Sea sa mga mamahaling isda gaya ng galunggong, sardinas, alumahan, tulingan, makerel, lapu lapu at tuna.

Sa kasalukuyang mayroong 300,000 mangisngisda ang bansa at nasa mahigit 100,000 lamang ang nagtutungo sa West Philippine Sea. Ulat ni Lea Ylagan

BFAR joins exercises in WPS to ensure protection of Filipino fishermen

Marje Pelayo   •   April 26, 2021

MANILA, Philippines — The Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) is one with other government agencies in condemning illegal activities in the West Philippine Sea (WPS).

According to BFAR National Director Eduardo Gongona, the agency supports the efforts of the national government in relation to the disputed waters; thus, they participate in joint exercises within the area.

“Patuloy nating sinusulong ang ating kasarinlan sa ating WPS at kinokendena natin lahat ng iligal na pangingisda doon,” he said.

The official noted that the estimated fish production in WPS last year was 324,312 metric tons which contributed to the country’s overall production of the fisheries sector by 7.36%.

Gongona said it is important that the country protects its rights over the area.

“Ang significant effort ng BFAR, pati ang ibang ahensya na kasama po roon, ay para pangalagaan ang mga fishermen doon, fishing vessels, environment, at to prevent illegal unreported, unregulated fishing, and [violation of] fishery laws,” he noted.

He reported that BFAR joined the recent maritime exercises in the WPS where it sent a total of five vessels.

“Recently, nag-conduct po sila ng exercises doon kasama ang BFAR monitoring, control, surveillance vessels po namin. Five po sila doon, and okay naman po ang report sa amin ng [Philippine Coast Guard],” he assured.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.