ALAMIN: Paano at sinu-sino ang maaaring makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan sa gitna ng COVID-19 crisis?

Robie de Guzman   •   April 1, 2020   •   6986

MANILA, Philippines – Mahigit sa P200 bilyon ang inilaan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ayuda sa mga mahihirap na pamilyang labis na naapektuhan ng krisis dulot ng novel coronavirus disease (COVID-19).

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, 18 milyong pamilya ang tinatayang makikinabang sa tinatawag na Social Amelioration Package na ibibigay sa loob ng dalawang buwan.

Bawat pamilyang mapapasama sa listahan ng mga benepisyaryo ay maaaring makatanggap ng ayuda na naglalaro mula P5,000 hanggang P8,000. Nakabatay ito sa antas ng minimum daily wage sa kani-kanilang rehiyon.

Ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mangongolekta ng mga listahan ng mga benepisyaryo mula sa mga lokal na pamahalaan.

At habang binubuo pa ang listahan, mauuna muna ang pamimigay ng pagkain bago ang pinansiyal na tulong mula sa pamahalaan.

SINU-SINO ANG MAAARING MAKATANGGAP NG SOCIAL AMELIORATION PACKAGE?

Ayon sa IATF, ang target na mabigyan ng tulong ay mga pamilyang lubhang apektado ng enhanced community quarantine at mayroon ng kahit isang miyembro na:

  • Senior Citizen
  • Persons with Disability (PWD)
  • Buntis o Nanay na nagpapasuso ng sanggol
  • Solo Parent
  • Indigent Indigenous Peoples
  • Mga walang tirahan
  • Overseas Filipino workers na nawalan o nagkaproblema sa trabaho dahil sa COVID-19
  • Namamasukan bilang kasambahay
  • Drayber ng public utility vehicle
  • ‘No work, no pay’ na empleyado
  • Mga sumusuweldo ng mas mababa sa minimum wage gaya ng dishwasher o katulong sa karinderya
  • Magsasaka
  • Mangingisda
  • Mga maliliit na negosyante gaya ng may-ari ng sari-sari store na may pag-aaring di tataas sa P100,000 ang halaga
  • May maliit na tindahan o negosyo gaya ng gulayan, prutasan o karinderya
  • Mga manggagawang na-stranded o hindi makauwi sa kanilang bahay dahil sa community quarantine

PAANO MAKAKAKUHA NG AYUDA MULA SA PAMAHALAAN?

Ayon sa DSWD, ang pamimigay ng tulong ay naaayon sa lebel ng pangangailangan ng isang pamilya.

Narito ang mga hakbang para makakuha ng Social Amelioration Package:

  1. May ipamamahagi na Social Amelioration Card (SAC) forms ang inyong lokal na pamahalaan. Gagawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga bahay o “house-to-house basis.”
  2. Kailangang sagutan ang SAC form ng puno ng pamilya. Dapat ibigay ang kumpletong impormasyon na hinihingi sa dokumento.
  3. Isumite ang form sa kinatawan ng lokal na pamahalaan na babalik sa inyong bahay.
  4. Ipapahatid ng DSWD at ng ibang ahensya ang tulong sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan.

Para sa paraan ng tamang pag-fill-out ng SAC form, maaaring bisitahin ang Facebook page ng DSWD.

Paalala ng DSWD, ang SAC form ay isang validation tool lamang na naglalayong makita kung sino ang higit na nangangailangan ng emergency assistance sa gitna ng COVID-19 crisis. 

“Ang lahat po ay nilalayon naming makatanggap ng Social Amelioration Program subalit ang pagpapamahagi po ay naaayon sa lebel ng pangangailangan. Kung kaya’t ang inyo pong kooperasyon, pagbibigayan at pangunawa ay higit na kinakailangan,” ayon sa ahensya.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa numerong 8951-2803.

Bill extending Bayanihan law for 3 months filed at Senate

Robie de Guzman   •   May 28, 2020

MANILA, Philippines – A bill seeking to extend for three months the validity of the Bayanihan to Heal as One Act amid the ongoing novel coronavirus disease (COVID-19) pandemic has been filed at the Senate.

Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri introduced Senate Bill No. 1546, proposing the extension of the Republic Act No. 1168 to allow the government to continue its response in addressing the threat and impact of COVID-19 in the country.

The law allows President Rodrigo Duterte to realign items in the national budget for the government’s COVID-19 response. It also grants him the authority to provide emergency support for vulnerable groups and individuals, expand medical resources to fight COVID-19, and finance emergency initiatives to keep the country afloat.

The Bayanihan law, which was signed last March 24, is only valid until June 24.

Senate President Vicente Sotto III, meanwhile, assured that the bill will be approved before the Congress adjourns its session next week.

Metro Manila to likely transition to GCQ after May 31 —Palace

Aileen Cerrudo   •   May 28, 2020

Metro Manila has a possibility to transition to General Community Quarantine (GCQ) from Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) after May 31, according to the Malacañang.

Presidential Spokesperson Harry Roque said there is a chance that the coronavirus disease (COVID-19) restrictions might ease in Metro Manila and other parts of the country.

The Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) held a meeting on Wednesday (May 27) to determine if the MECQ should continue after May 31.

“Chances are we will, in fact, be transitioning to GCQ in Metro Manila, according to the chief implementer and the DILG [Department of the Interior and Local Government] Secretary,” Roque said in a statement.

The Metro Manila Council (MMC) is also recommending to the IATF to put the National Capital Region under GCQ.

Once Metro Manila transitioned to GCQ, Roque said public transportation will resume operations but will have limited capacity.

He also appealed to the private and public sectors to finalize their work scheme where 50% will resume in worksites and 50% will work from home.

“We are appealing to both private and public sectors to ensure at least 50-50 workforce,” he said. –AAC (with reports from Rosalie Coz)

Mandaluyong City beefs up rapid testing after COVID-19 infects 277 tricycle drivers

Marje Pelayo   •   May 28, 2020

MANILA, Philippines — The Mandaluyong City government cannot decide yet on whether or not to allow tricycle drivers to operate come June 1.

This, after 277 of the 3,115 tricycle drivers who underwent rapid testing were confirmed positive for coronavirus disease (COVID-19).

The Mandaluyong City Health Office is continuously conducting rapid tests among 7,000 tricycle drivers in the city to ensure their safety and the safety of their passengers.

Those who were infected are now under isolation in the city’s quarantine facility while waiting for the confirmatory tests using the reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test.

“Nagko contact tracing pa ho kami kasi scattered po ito eh. Hindi po ito kasi by area. So mina-map out pa po namin kung saan sila marami (We are doing contact tracing because these are scattered. It is not just in one area. So we are mapping out where the most number of cases are),” said Dr. Alexander Sta, Maria of the city health office.

The LGU, meanwhile, clarified that the increase in the number of confirmed cases in the city is a result of the mass testing which allowed for the immediate tracking of COVID-19 probable patients and their prompt isolation to curb further spread.

“This is coordinated kasi meron po tayong in-charge sa buong TODA. Then before po ito ni-launch, na-meeting po ang lahat ng presidente ng kanilang mga TODA so binigyan po sila ng schedule (This is a coordinated effort. There is someone in charge of the whole TODA. Before this was launched, we held a meeting with their respective presidents and all of them were given a schedule),” Sta. Maria added.

The city government will test jeepney drivers next once the tests among tricycle drivers is completed. MNP (with reports from Vincent Arboleda)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.