Año recommends only one name for next PNP chief

Robie de Guzman   •   May 3, 2021   •   727

MANILA, Philippines — Department of the Interior and Local Secretary (DILG) Secretary Eduardo Año has submitted only one name for the next chief of the Philippine National Police (PNP) to President Rodrigo Duterte.

Año, who chairs the National Police Commission (NAPOLCOM), did not identify the police general whom he recommended to replace Police General Debold Sinas.

Sinas is set to retire on May 8.

The DILG chief, however, stressed that the president has the prerogative to also pick anyone with a rank of at least Police Brigadier General to lead the 200,000-strong police force.

Sinas earlier bid his farewell to police personnel ahead of his retirement.

He also assured that the police force would support any official whom Duterte will choose as the next police chief.

“Lahat naman ng mga PNP generals dito are capable enough to lead the PNP and kami we just wait kung sino pipiliin ng presidente at siya po ang susuportahan ng buong PNP,” he said. – RRD (with details from Correspondent Lea Ylagan)

Corporate parties sa COVID Alert Level 2 areas limitado lang sa 50% capacity – DILG

Robie de Guzman   •   December 6, 2021

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na limitado lang sa 50% ng venue capacity ang bilang ng mga pinapayagang lumahok sa corporate gatherings ngayong holiday season.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, alinsunod ito sa patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para sa mga lugar na nasa COVID-19 Alert Level 2.

“Kung nasa alert level 2 po ang isang lugar, ang mga ganiyang klaseng christmas parties is 50% capacity of the venue and plus 10% of the venue, if may safety seal ang lugar na iyon,” ani Malaya.

“Aside from the venue capacity ay kailangan pong sumunod sa minimum public health standards. Kailangan pong naka-face mask at may social distancing,” dagdag pa niya.

Nasa Alert Level 2 ang buong Pilipinas dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Babala ng DILG, maaaring masuspindi ang operasyon ng isang establisimyento na ginawaran ng safety seal kapag lumabag sa patakaran.

“Kung hindi po susunod ang mga establishment na magiging host nitong chistmas parties na ito, pwede pong i-revoke ang safety seal nila o kaya isuspinde ang kanilang business permit for failing to follow IATF rules and regulations,” ani Malaya.

Samantala, inirerekomenda naman ng Department of Health (DOH) na gawin sa outdoor venues ang salu-salo o pagtitipon ngayong holiday season upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Ayon sa DOH, mas malaki ang tiyansa’ng magkaroon ng hawaan sa mga kulob na lugar at walang maayos na bentilasyon.

Dapat ring seguruhing may hand sanitizing area sa venue at nasusunod ang protocol sa pagsusuot ng face mask at physical distancing.

Mas mainam ring gawin na lamang online ang selebrasyon upang maiwasan ang direct contact at posibleng exposure sa COVID-19. (mula sa ulat ni Correspondent Aileen Cerrudo)

Mga pulis na ayaw magpabakuna, ililipat ng assignment – PNP chief Carlos

Robie de Guzman   •   December 6, 2021

MANILA, Philippines – Papayagan pa ring magtrabaho ang mga pulis na hindi pa bakunado laban sa COVID-19, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang nilinaw ni PNP chief Police General Dionardo Carlos kasunod ng pahayag ukol sa pagpapatupad ng “no vaccine, no work” policy sa mga tauhan ng pambansang pulisya.

Unang sinabi ng PNP na hindi papayagang pumasok sa trabaho ang mga ‘di bakunadong pulis na walang maipapakitang negatibong resulta ng RT-PCR test kada dalawang linggo.

Sagot rin ng mga nasabing tauhan ang bayad sa COVID-19 testing.

“However kapag sinabi natin they will not go to work it does not mean that they will not be working. They will still deliver the police services needed,“ ang wika ng PNP chief.

Pero sa halip na field work ay ililipat na lang ng assignment ang mga pulis na hindi pa nagpapabakuna upang makaiwas silang mahawa sa COVID-19.

“We will not allow them to be exposed. At the same time kasi kapag unvaccinated sila, ilagay namin sila sa QCP medyo delikado. So we will put them in a place probably take an admin role so they can still do the job for us,” ani Carlos.

Ayon sa hepe ng PNP, hindi maaaring lumiban ang mga hindi pa bakunadong pulis dahil maraming mabinbinbing trabaho.

“So ganun yung aming sistema kasi lugi naman ho ang gobyerno, ang taumbayan kung because it is their choice not to be vaccinated and yet they are not delivering services,” ani Carlos.

Unang sinabi ng PNP na mamarkahan ng absent na ibabawas sa leave credits ang mga tauhan na hindi magsusumite ng RT-PCR test.

Sakali naman naubos na ang kanilang leave credits ay ipatutupad na ng PNP ang “no work, no pay” rule sa mga pulis.

Giit ng PNP, ang pagpapatupad ng “no vaccine, no work” rule ay alinsunod aniya ito sa mga patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Layunin rin nitong mahikayat ang iba pang tauhan na magpabakuna bilang dagdag proteksyon kontra coronavirus disease.
Base sa datos ng PNP Health Service, nasa 1,808 pang tauhan ang hindi nagpapabakuna laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 299 ang nagbigay ng medical reason, 194 ang nagsabing may allergy, 393 ang buntis, 63 ang lactating mother o nagpapasuso, 69 ang nagsabing labag ang pagpapabakuna sa kanilang religious beliefs, siyam ang under quarantine habang ang nalalabing bilang ay walang ibinigay na dahilan. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

‘No vaccine, no work’ rule sa mga pulis, ipatutupad ng PNP

Robie de Guzman   •   December 6, 2021

MANILA, Philippines – Magpapatupad na rin ng “no vaccination, no work’ rule ang Philippine National Police (PNP) para sa mga tauhan nito sa gitna ng nagpapatuloy pa ring banta ng COVID-19.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, layunin nitong mahikayat ang iba pang tauhan na magpabakuna bilang dagdag proteksyon kontra coronavirus disease.

Alinsunod aniya ito sa mga patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Sa tala ng PNP, 1% na lang sa kabuuang 222,000 sa kanilang hanay ang hindi pa nababakunahan.

Kabilang na dito ang 965 o 0.43% na walang maibigay na balidong dahilan kung bakit ayaw magpabakuna. Nasa 865 naman ang nagsasabing may allergy o medical condition kaya hindi pa nagpapabakuna.

Ayon kay Carlos, hindi papayagang pumasok sa trabaho ang mga pulis na hindi pa bakunado laban sa COVID-19 maliban na lamang kung may maipapakita silang negatibong resulta ng RT-PCR test tuwing ikalawang linggo.

Sagot ng mga nasabing tauhan ang bayad sa COVID-19 testing.

Gayundin ang magiging patakaran sa mga hindi pa nakakakumpleto ng bakuna o first dose pa lang ang natatanggap.

Babala ng PNP chief, mamarkahan ng absent na ibabawas sa leave credits ang mga tauhan na hindi magsusumite ng RT-PCR test.

Sakali naman naubos na ang kanilang mga leave credits… ipatutupad na ng PNP ang “no work, no pay” rule sa mga pulis.

Giit ni Carlos, mahalagang bakunado ang lahat ng tauhan ng PNP dahil kabilang sila sa mga frontliners at upang magkaroon sila ng dagdag na proteksyon laban sa virus.

Dapat din aniyang maging halimbawa ang PNP sa pagsunod sa mga patakaran ng IATF bilang tagapagpatupad nito. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.