Approval ratings ng Duterte admin sa COVID-19 response, anti-corruption drive bumaba – Pulse Asia

Robie de Guzman   •   October 5, 2021   •   156

MANILA, Philippines – Bumaba ang approval ratings ng Duterte administration batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Sa survey na isinagawa noong September 6-11, 2021 sa 2,400 adult respondents, bumaba ang approval rating ng pamahalaan sa pagtugon sa 14 national issues.

Sa isyu ng paglaban sa korapsyon, 52% ang nakuhang marka ng administrasyon na 12% na mas mababa kumpara sa 64% na naitala noong Hunyo 2021.

Sa usapin naman ng paglaban sa kriminalidad, 74% ang nakuhang grado ng pamahalaan na 5% na mas mababa kumpara sa 79% noong Hunyo.

Nasa 37% naman ang approval rating sa pagkontrol sa inflation o paggalaw ng presyo ng mga bilihin, 59% sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19, 48% sa pagtaas sa sahod ng mga manggagawa, 64% sa pagbibigay ng ayuda sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, at 41% sa pagtugon sa kahirapan.

Tumaas rin ng 10% ang disapproval ratings ng administrasyong Duterte sa pinakahuling survey pagdating sa isyu ng paglaban sa katiwalian (22%) at kahirapan (32%) kumpara sa naitala noong Hunyo.

Sa kanyang public address noong Martes ng gabi, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na batid niya ang pagbaba ng public ratings ng kanyang administrasyon habang papalapit ang pagtatapos ng kanyang termino.

Kaya naniniwala siyang tama ang kanyang pasya na magretiro na sa pulitika pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.

“It’s still good but I think it’s time. There’s always a time for everything. Even if you get a 64 rating, may panahon-panahon ang buhay. So sa palagay ko, tama ‘yung ginawa ko,” ang pahayag ng pangulo.

Umaasa naman ang pangulo na itutuloy ng susunod na administrasyon ang mga repormang kaniyang sinimulan kabilang na ang mga proyekto sa imprastraktura at paglaban sa katiwalian at iligal na droga.

“It is time to give way to a new set of leaders who hopefully continue the reforms of projects and programs that this administration has pursued for the past few years. It is my hope that the new set of leaders will pursue a platform of gov’t that will build on our gains in the areas of fighting illegal drugs, criminality, corruption, terrorism and insurgency,” ang wika ng pangulo.

Phl logs lowest new COVID-19 cases since July 2020 at 665

Maris Federez   •   November 30, 2021

MANILA, Philippines — The Department of Health (DOH) recorded 665 new coronavirus disease (COVID-19) cases Monday (November 29), the lowest single-day count since July 2020.

This brings the country’s tally since the onset of the pandemic to 2,832,375.

Meanwhile, active infections continued to dip to 16,289.

Of these cases, 48.1 percent are mild, 23.82 percent are moderate, 15.6 percent are severe, 6.6 percent are in critical condition and 6.0 percent have no symptoms.

Meanwhile, total recoveries rose to 2,767,585 after 993 more patients recuperated from the disease.

On the other hand, COVID-related deaths climbed to 48,501 with 141 new fatalities.

The DOH noted in its report that all accredited testing laboratories in the country were operational on November 27 but five laboratories failed to submit data on time.

Meanwhile, the Johns Hopkins University reported that the overall global COVID-19 caseload has reached 261,519,267; while the deaths have surged to 5,199,920.

The US, the report said, is the worst-hit country with the world`s highest number of cases and deaths at 48,229,273 and 776,639, respectively.

 

NCR to remain under COVID-19 Alert Level 2 until Dec. 15

Maris Federez   •   November 29, 2021

MANILA, Philippines — The Inter-Agency Task Force (IATF) approved on Monday (November 29) the recommendation to still place the National Capital Region under COVID-19 Alert Level 2.

In an advisory released Monday night, acting presidential spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles said that the following areas have also been placed under Alert Level 2:

  • Cordillera Administrative Region: Benguet, Abra, Kalinga, Baguio City, Mountain Province, and Ifugao;
  • Region I: Dagupan City, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, and Pangasinan;
  • Region II: Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, and City of Santiago;
  • Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Zambales, and Tarlac;
  • Region IV-A: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, and Lucena City;
  • Region IV-B: Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa City, Marinduque, Romblon, and Palawan;
  • Region V: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, and Naga City;
  • Region VI: Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo, Iloilo City, and Negros Occidental;
  • Region VII: Bohol, Cebu, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Negros Oriental, and Siquijor;
  • Region VIII: Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Ormoc City, Southern Leyte, Tacloban City, and Western Samar;
  • Region IX: City of Isabela, Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, and Zamboanga Sibugay;
  • Region X: Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin, Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Occidental, and Misamis Oriental;
  • Region XI: Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao Occidental, and Davao Oriental;
  • Region XII: General Santos City, North Cotabato, Sarangani, South Cotabato, and Sultan Kudarat;
  • Region XIII (Caraga) Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Dinagat Islands, and Agusan del Norte; and
  • The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Sulu, Lanao del Sur, and Maguindanao.

The province of Apayao, however, shall be placed under Alert Level 3.

Nograles added that the said Alert Level shall be effective from December 1 to 15, 2021.

Border checkpoints, muling ipatutupad sakaling itaas ang alert level sa Metro Manila – PNP

Robie de Guzman   •   November 29, 2021

MANILA, Philippines – Handa ang Philippine National Police (PNP) na muling ipatupad ang border checkpoints sakaling itaas ang alert level sa Metro Manila kasunod ng banta ng Omicrcon COVID-19 variant.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, ilalagay ang checkpoins papasok at palabas ng Metro Manila upang malimitahan ang galaw ng publiko at mapigilan ang posibleng pagkalat ng bagong variant.

“As long as it will be of help maprevent natin ang variant natin ito, Kasama po kami ng buong gobyerno para pangalagaan po ang ating mamamayan para hindi na kumalat itong ating hindi nakikitang kalaban na COVID-19 virus,” ani Carlos.

Handa rin aniya ang PNP na muling ipatupad ang paggamit ng face shield kung ipag-uutos ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

“We will always abide with the IATF kung yan ay makatutulong para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus, we will leave it up to the experts. Kaya nga po palagi kaming nagbabantay sa lumalabas na resolusyon ng IATF at nandyan naman po yan e, ang aming mga face shield ay inilagay lang muna namin sa tabi pero andyan pa din po anytime,” ani Carlos.

Sa kasalukuyan ay nasa Alert Level 2 ang Metro Manila sa gitna na rin ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 infections.

Tiniyak rin ng PNP na paiigtingin ng Aviation Security Group sa pagbabantay sa mga paliparan sa bansa sakaling muling ipagbawal ang pagbiyahe ng mga eroplano sa iba’t ibang lugar.

Pina-alalahanan rin ni Carlos ang mga pulis na mag-doble ingat upang huwag mahawa ng viral respiratory disease. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.