Boracay Island, bukas na para sa mga turista mula NCR, at mga lugar na nasa GCQ at MGCQ – DOT

Robie de Guzman   •   October 15, 2021   •   286

 

Maaari nang makapasok sa Boracay Island ang mga lokal na turista anuman ang edad, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ayon sa DOT, may go signal na mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang muling pagtanggap ng turista sa isla.

Ngunit paglilinaw ng kagawaran, sakop lamang nito ang mga turista na mula sa National Capital Region (NCR), at mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

Dapat rin ay fully vaccinated kontra COVID-19 ang mga turista na may edad 65 pataas, mga menor de edad at buntis.

Sinabi rin ng DOT na kahit bakunado na ay required pa rin ang mga turista na magprisinta ng negative RT-PCR test na isinagawa 72 oras bago pumasok sa isla.

Kailangan rin nilang ipakita ang booking confirmation, ID, travel details, S-Pass travel at accomplished online health declaration form.

Noong Hulyo, tumanggap na rin ang isla ng safe travel stamp mula sa World Travel and Tourism Council bilang patunay na nakakasunod ito sa global health protocols.

Sa ngayon, 286 na mga establisyemento na sa Boracay ang may certificate to operate o katumbas ng 16,000 kwarto.

Mula ika-14 ng Oktubre, umabot na sa 9,640 ang tourist arrival sa isla na mas mataas kumpara noong buong buwan ng Setyembre na nasa 6,702 lamang.

Publiko, hinimok na ikonsidera ang safety sa holiday plans

Robie de Guzman   •   November 29, 2021

MANILA, Philippines – Umapela ang Malakanyang sa publiko na ikonsidera ang pagdaraos ng ligtas na holiday season sa gitna ng banta ng bagong COVID-19 variant na Omicron.

Ginawa ng Palasyo ang panawagan sa gitna ng holiday fever sa bansa.

Bahagi na ng tradisyon ng pamilyang Pilipino ang magsama-sama tuwing may okasyon at ngayong nalalapit na holiday season, marami na ang nagpaplano ng reunion sa mga mahal sa buhay at kaibigang matagal na rin nilang hindi nakakasama ng personal dahil sa pandemya.

Ngunit sa kinakaharap pa ring banta sa kalusugan, hinimok ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles ang publiko na mag-ingat at mahigpit pa ring sundin ang ipinatutupad na health protocols.

“’Wag po tayong magpakampante lalo na mayroon tayong variant of concern, ang Omicron. Sabi nga ng DOH, hindi ito tanong kung makakapasok ba siya sa bansa, it is really a matter of time. During the holiday season, with restrictions easing, we know many of you plan to see loved ones and friends, so we appeal to everyone to please, please, please remain vigilant,” ani Nograles.

“I would go for safety first, safety muna. Safety first for everyone, kaya napakaimportante po yung pagpapabakuna natin ngayon, let’s take advantage of this 3-day vaccination days na magpabakuna na po tayo,” dagdag pa niya.

Ang Omicron variant ay unang natuklasan sa South Africa noon lamang nakalipas na linggo at ngayo’y napaulat na rin sa iba’t ibang bansa.

Upang mapigilan ang pagpasok nito sa Pilipinas, agad nagpatupad ng mahigpit na border control measures ang pamahalaan at ipinagbawal ang pagpasok sa bansa ng mga pasaherong galing sa 14 lugar na may natukoy na local cases ng bagong coronavirus variant.

Activated na rin ang four-door policy ng pamahalaan tulad ng travel restrictions, testing, at quarantine protocols sa international arrivals. Pinaigting na rin ang granular lockdowns at COVID-19 response ng mga lokal na pamahalaan.

Pagtitiyak ng Malakanyang, agarang magpapatupad ng pagbabago sa mga polisiya ang pamahalaan kung kinaikailangan, kabilang na ang mas mahigpit na quarantine measures dahil sa banta ng Omicron variant. (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

Face shield, maaari pa ring irequire ng employers, mga establisimyento sa ilalim ng Alert Level 1-3 – IATF

Robie de Guzman   •   November 19, 2021

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Malakanyang na maaari pa ring i-require ng private establishments at employers ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1 hanggang 3.

Batay sa napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), may karapatan ang mga employer at establisimyento na ipatupad pa rin ang face shield policy kahit pa hindi na ito mandatory.

“Ang napagkasunduan po ng IATF is discretion ng establisyimento,” ang paliwanag ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles.

“Ang isang example dyan yung sinasabi pagdating sa construction site, example required ang hard hat. So ganun din po, ganun din yung prinsipyo pagdating sa discretion ng establishments for safety and security ng people in the establishments kasama na yung mga employees kasama na yung mga customers nasa discretion po ng mga establisyimento,” dagdag pa niya.

Ang pahayag ni Nograles ay taliwas sa naunang sinabi ng Palasyo na dapat sumunod ang private establishments sa polisiya ng national government na nag-aalis sa mandatory na paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3.

Kamakailan ay binawi ang polisiya sa mandatory na paggamit ng face shield sa gitna ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa. (mula sa ulat ni Correspondent Janice Ingente)

Establishments violating public health protocols may face closure, safety seal revocation – DILG

Robie de Guzman   •   November 18, 2021

MANILA, Philippines – The Department of the Interior and Local Government (DILG) has warned of  sanctions against establishments that are not complying with minimum public health standards and other guidelines set under the COVID-19 Alert Levels System.

In a statement, DILG Undersecretary Jonathan Malaya said establishments violating COVID-19 safety rules and regulations may face suspension of their business permits or revocation of their safety seals.

Malaya said the DILG has been receiving complaints related to violation of operational capacity limits and failure to implement the requirement of allowing fully vaccinated individuals only in indoor establishments such as restaurants, amusement parks, recreational venues, fitness studios and gyms, etc.

“Many restaurants and indoor establishments are not checking the vaccination status of their customers and are violating the 50% operational capacity for indoor establishments and 70% operational capacity of outdoor establishments,” he said.

He said that these establishments are “strongly warned” that government will revoke the Safety Seals issued to them which will deprive them of the additional 10% operational capacity as well as lose the badge of honor that they are compliant with all public health standards against COVID-19.

For repeat violators or those without Safety Seals, the DILG said it will recommend the revocation of their business permits issued by the Local Government Unit (LGU) concerned.

The department has asked all LGUs and the Philippine National Police (PNP) to conduct more inspections of establishments to ensure compliance with COVID-19 guidelines.

LGUs were also told to issue show cause orders against violators.

“We cannot be complacent at this time. Even if cases are going down and vaccination is going up, we cannot put our guard down. Look at Europe, their vaccination rate is high but they are now undergoing a new surge. Vigilance will prevent another surge,” said Malaya.

According to Malaya, the DILG has directed all LGUs to create Inspection and Certification Teams (ICT) to lead in the granting of the Safety Seal to establishments compliant with the MPHS. Uniformed personnel of the PNP and the Bureau of Fire Protection (BFP) may also be deputized by LGUs to conduct Safety Seal inspections if they lack the personnel to do so.

The DILG likewise urged the public report violations to the concerned issuing authority of the Safety Seal – the DTI, DILG, DOLE, DOT or LGUs – for investigation and imposition of appropriate sanctions.

Violations by business establishments with safety seals issued by the DILG or LGUs may be reported to the DILG Public Assistance Hotline 892-50343; 892-51144; 09274226300; 09313849272.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.