Checkpoint at travel pass, ipatutupad pa rin sa ilang lugar – PNP

Robie de Guzman   •   October 19, 2020   •   876

MANILA, Philippines – Hindi pa rin ititigil ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng checkpoint at travel authority pass sa ilang lugar sa bansa kahit pinayagan na ang paglabas ng mas maraming tao sa gitna community quarantine.

Ayon kay police Joint Task Force Coronavirus (JTF CV) Shield commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, nasa desisyon ng mga lokal na pamahalaan kung papayagan ang paglabas at pagbiyahe ng mga taong hindi kabilang sa authorized persons outside of residence (APOR) at locally-stranded individuals kasunod ng desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa paglabas ng tahanan ng mga nasa edad na 15 hanggang 65 taong gulang.

Una nang sinabi ni League of Provinces of the Philippines head, Marinduque Governor Presbitero Velaso na tuloy pa rin ang pagpapatupad ng quarantine rules para sa kapakanan ng kanilang constituents laban sa coronavirus disease.

Sa kabila nito, sinabi ni Eleazar na hindi isinasantabi nila ang posibilidad na may mga lugar na nais nang alisin ang travel restrictions para makabangon ang lokal na ekonomiya.

Pero hangga’t hindi aniya inaalis ang travel restrictions ay mananatili ang checkpoint at paghahanap ng travel pass sa mga checkpoint bilang requirement sa mga uuwi o bibiyahe sa mga probinsiya.

Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan na ang police ground commanders sa mga lokal na pamahalaan upang alamin kung may mga pagbabago sa ipinatutupad na travel protocol policy.

“Ibig sabihin noon, kapag ang isang probinsya ay wala nang restriction, hindi na kailangan ng travel authority kung pupunta doon,” ang pahayag ni Eleazar.

Payo naman ng opisyal sa publiko na alamin ang panuntunan ng mga bayang pupuntahan o dadaanan bago ang kanilang biyahe upang maiwasan ang aberya.

“Dahil kung ang pupuntahan niyo o yung dadaanan niyo, alin man don ay restricted pa din like nagre-require ng travel authority ay kailangang mag secure kayo ng kanilang requirement,” ang wika ni Eleazar. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)


Manila City allows walk-ins in all vaccination sites

Aileen Cerrudo   •   June 21, 2021

MANILA Philippines — The Manila City Government on Monday (June 21) now allow walk-ins in all vaccination sites.

According to Manila Public Information Office (MPIO), the directive of Manila Mayor Isko Moreno was after having a low turnout in vaccination sites. The mayor said he directed not to allow walk-ins in order to prove to critics the effect if the system would only be done through scheduling.

“I’m not a believer of scheduling but we tried it today para doon sa mga may mema, iyong  may masabi lang ang naggagaling-galingan lang (for those who just wanted to complain),” he said.

The Manila local government reported that only 4,210 doses were administered on Monday (June 21) from the 28,000 allocated doses. AAC

70-M vaccination target maaabot sa pagdating ng dagdag na COVID-19 vaccine supply – Malakanyang

Robie de Guzman   •   June 21, 2021

MANILA, Philippines — Naniniwala ang pamahalaan na maaabot ng bansa ang target nitong mabakunahan ang nasa 70 milyong adult population bago matapos ang taon dahil sa inaasahang delivery ng dagdag na supply ng Pfizer at iba pang COVID-19 vaccine brands.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nakapag-secure na ang pamahalaan ng 40 milyong dose ng bakuna mula sa Pfizer bukod pa sa inaasahang delivery ng iba pang COVID-19 vaccine brand sa mga susunod na buwan.

Sa ulat ng National Task Force against COVID-19, bukod sa Pfizer vaccines ay 26 milyon pa ang inaasahang supply mula sa Sinovac, 10 milyon ang Sputnik V mula sa Gamaleya Research Institute, 20 milyon mula sa Moderna, at 17 milyon mula sa AstraZeneca. May parating ding donasyon na 1 milyong Sinovac at 44 milyon ng COVID-19 vaccine mula sa COVAX facility.

“Sumatotal, ngayong mayroon tayong inaasahan na 158 million doses, sapat-sapat na po para sa kabuuan ng ating populasyon,” ani Roque.

Ngayong may malaking supply na inaasahan ang bansa, kampante ang pamahalaan na mababakunahan ang mayorya ng populasyon sa bansa bago matapos ang 2021.

“Kung 500,000 per day po yan, 10 days is 5 million. So kinakailangan lang po natin 20 days para po maubos yung first dose ng dumating na 40 million na Pfizer,” ang wika ni Roque.

Sa ngayon ay nasa 8.40 milyong doses na ng COVID-109 vaccine ang nai-administer sa bansa.

Noong June 15 naman ay naitala ang pinakamataas na vaccination rate sa Pilipinas sa loob ng isang araw na umanot sa 322,929 doses. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

Pagbabantay sa PH borders, mas hihigpitan vs COVID-19 Delta variant — DOH

Robie de Guzman   •   June 21, 2021

MANILA, Philippines — Mas hihigpitan pa ang gagawing pagbabantay sa lahat ng border sa bansa, mula sa mga paliparan, pantalan hanggang sa mga boundary ng bawat lugar sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naabisuhan na ang lahat ng lokal na pamahalaan para sa paghihigpit sa kani-kanilang mga border upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant, isang uri ng COVID-19 na mas nakakakahawa kumpara sa ibang variant.

“Nasa heightened alert po lahat. Lahat ng local governments were informed, lahat po ng mga regional offices were informed na kailangan bantayan maigi ang Delta Variant across our borders,” ani Vergeire.

Ayon sa opisyal, mas paiigtingin pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng COVID-19 testing at quarantine protocols, at contact tracing pati na ang pagpapalawig sa entry ban sa mga magmumula sa bansang India, United Arab Emirates, Oman, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, at Nepal hanggang June 30.

“We are going to uphold the directive of the IATF as well as the Office of the President. This is because we want to prevent further entry of this Delta Variant,” ani Vergeire.

“We cannot have non-uniformity in the implementation of our border control. So iyan po napag-usapan, napagkasunduan, nakausap na rin po ang mga officials, regional directors ng iba’t ibang ahensya last Saturday,” dagdag pa niya.

Ang mas mahigpit na border control sa Pilipinas ay kasunod ng pahayag ng World Health Organization na ang Delta variant na ang dominant variant ng COVID-19 matapos itong mapaulat sa mahigit 80 bansa.

Ang Delta variant ay unang natuklasan sa bansang India.

Sa Pilipinas, 17 na ang kabuuang kaso ng Delta COVID-19 variant matapos itong madagdagan nang magpositibo sa naturang variant ang apat na returning overseas Filipino mula sa South Korea at Saudi Arabia.

Iniulat din ng DOH na 14 na dagdag na kaso ng Alpha variant (United Kingdom), at 21 Beta variant (South Africa) ang naitala sa bansa batay sa ulat ng Philippine Genome Center at ng UP-National Institutes of Health ngayong Lunes.

Ayon sa DOH, lubhang nakababahala kapag lalo pang kumalat sa bansa ang mga variant na ito, lalo na ang Delta variant, dahil mataas ang tiyansang maospital ang isang individwal na kakapitan nito.

“Walang sinabi sa mga ebidensyang nakalap natin, even our experts are saying, walang sinabi na deadly pero sinabi na mas nakakahawa talaga siya,” ani Vergeire.

“Ang delta variant is 60% more transmissible than the Alpha variant. So, ibig sabihin po kung ang alpha variant ay nakapanghahawa ng 4-5 tao per every individual infected, ang Delta Variant po can have 8 individual infected sa isang taong may sakit. So ganoon kabilis ang pagkakahawa kapag Delta Variant ang pinag-uusapan,” dagdag pa niya.

Muli ring paalala ng DOH sa publiko na mag-doble ingat at sundin ang ipinatutupad na health protocols kontra COVID-19. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.