Community pantries sa Metro Manila, hindi muna papayagang magbukas sa ilalim ng ECQ – Abalos

Robie de Guzman   •   August 3, 2021   •   279

MANILA, Philippines – Ipagbabawal muna ang operasyon ng community pantries sa Metro Manila habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang rehiyon.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, napagkasunduan ito ng mga alkalde sa Metro Manila upang mapigilan ang super spreader events.

“As much as possible kasi ang purpose ng ECQ ay talagang huwag lumabas ng bahay, kung magpapa-pila tayo sa labas at magbibigay tayo, baka magkagulo (ang mga tao),” ani Abalos.

Isasailalim sa ECQ ang Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang sa Agosto 20.

Sa panahong ito, tanging essential o mahahalagang biyahe at serbisyo lamang ang papayagan. Mas pinahaba rin ang curfew hours sa Metro Manila mula alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Layunin ng hakbang na mapigilan ang lalo pang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa harap na rin ng banta ng mga mas nakakahawang coronavirus variants.

Ngunit paglilinaw ni Abalos, maaari pa rin namang magsagawa ng outreach programs kung nais ng sinuman na makatulong sa mga nangangailangan ngunit dapat ay gawin ito sa mas maayos na paraan.

“Siguro kung talagang gustong tumulong, wala namang problema ro’n pero siguro gumawa tayo ng magandang sistema,” ani Abalos.

Payo ng MMDA sa mga organizer ng community pantries, makipag-ugnayan muna sa mga lokal na pamahalaan para sa gagawin nilang sistema ng distribusyon ng ayuda, gaya ng paghahatid sa bahay ng mga magiging benepisyaryo nito. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Marvin Calas)

Increased police visibility ordered in NCR public areas

Robie de Guzman   •   October 19, 2021

MANILA, Philippines – Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar on Tuesday said he has ordered all unit commanders in the National Capital Region (NCR) to increase police visibility in public areas following the downgrading of the COVID-19 Alert Level in the region.

In a statement, Eleazar said the directive was in response to the Department of Health’s (DOH) appeal for the continued implementation of the public health protocols after a number of people flocked to malls, churches, and other areas during the first weekend of placing NCR under Alert Level 3.

It was also in compliance with the order of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año on the matter, he added.

“Nauunawaan namin ang pagkabahala ng ating mga kasamahan sa Department of Health at sa medical community patungkol sa mga report na ipinakita kung saan nagdagsaan ang mga tao sa mga pasyalan, malls at iba pang mga lugar noong nakaraang weekend,” Eleazar said.

DOH officials and some health experts earlier expressed concerns over what they describe was an apparent complacency on the part of the public when they go out of their homes to take advantage of the easing of restrictions in the metropolis.

In some parks and churches, it was apparent that some people failed to observe the protocols for their safety despite repeated appeals from the marshals.

“Kasama sa aking kautusan ang coordination sa ating mga LGUs sa Metro Manila upang maayos na maipatupad ang minimum public health safety protocols at ibang pang mga restriction na ipapatupad sa NCR,” Eleazar said.

While he welcomed the easing of restrictions in the capital region, the PNP chief said the public should remain vigilant and compliant to the health and safety protocols set by the government against COVID-19.

“Natutuwa kami sa PNP na kahit paano ay bumabalik na sa normal ang sitwasyon sa ating bansa subalit hindi dapat maging dahilan ito para tayo ay maging kampante at balewalain ang health safety protocols dahil kung hindi, ang panandaliang kaligayahan na ating nararamdaman ngayon ay mauuwi na naman sa matagal na lockdown,” he added.

The NCR will be under Alert Level 3 until October 31.

The national government has also expanded the implementation of the COVID-19 Alert Level System to some areas in the country beginning Oct. 20.

COVID-19 vaccination sa mga bata, palalawigin sa 13 ospital sa Metro Manila – DILG

Robie de Guzman   •   October 18, 2021

MANILA, Philippines – Mula sa walong ospital ay palalawigin pa sa 13 ospital sa Metro Manila ang isinasagawang pediatric vaccination kontra COVID-19, partikular sa mga batang may edad 12 hanggang 17 at may co-morbidity.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, tinukoy na ng ilang local government unit (LGU) ang mga ospital na isasama na rin sa listahan ng mga pinagdarausan ng pagbabakuna.

Magsisimula aniya ang expansion sa ika-22 ng Oktubre.

“Ngayon naman po ay pupunta naman po tayo sa mga LGU-based hospitals ‘no and magdaragdag po ng thirteen additional local hospitals doon sa mga ospital na nagsimula na sa national ‘no,” ani Malaya.

“So, ito po ay magsisimula ngayong Friday hanggang October 31. So, ang bawat LGU po ay nag-identify ng isang local hospital para maisama sa pilot ng pediatric vaccination,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga ospital na idaragdag sa vaccination site ay ang Caloocan Medical Center, Ospital ng Parañaque, at ang Pasay General Hospital.

Ang walong ospital na kasalukuyang pinagdarausan ng pagbabakuna ay ang Philippine Children’s Medical Center,
National Children’s Hospital, Philippine Heart Center,
Pasig City General Hospital,
 Fe Del Mundo Medical Center,
 Philippine General Hospital,
 Makati Medical Center at ang St. Luke’s Medical Center sa Taguig.

Paalala ng mga otoridad sa mga magulang na nais pabakunahan ang kanilang mga anak na may co-morbidity na makipag-ugnayan sa nakakasakop na LGU at magpakita ng mga kaukulang dokumento, pati na ang parent consent.

Mula a-16 ng Oktubre ay nasa 1,509 bata na ang nakatanggap ng COVID-19 shots batay sa ulat ng Department of Health.

DOH: 1,509 minors with health risks vaccinated vs COVID-19 in first week

Robie de Guzman   •   October 18, 2021

MANILA, Philippines ­– A total of 1,509 children aged 12 to 17 with co-morbidities were vaccinated in the first week of the pilot implementation of the COVID-19 pediatric vaccination in Metro Manila, the Department of Health (DOH) said Monday.

Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said, the pilot vaccination was successful based on a three-day assessment they conducted.

Vergeire noted that four minors who received the shots reportedly experienced side effects but added that these are still being verified and assessed.

“Isang bata na nagkaroon ng pagtaas ng presyon but after 2 hours they were able to manage it, naging normal na. May nagkaroon ng allergic reaction but it was managed,” she said.

“May dalawang stress-related doon sa immunization, may anxiety sa pagbabakuna. Let me caution all of you, it’s not official yet,” she added.

Vergeire assured they are closely monitoring the condition of minors inoculated with COVID-19 vaccine.

The COVID-19 vaccination for the pediatric population was launched on Oct. 15 in eight hospitals in Metro Manila, namely:

  • Philippine Children’s Medical Center
  • National Children’s Hospital
  • Philippine Heart Center
  • Pasig City General Hospital
  • Fe Del Mundo Medical Center
  • Philippine General Hospital
  • Makati Medical Center
  • Luke’s Medical Center (Taguig)

The following medical conditions would make children aged 12 to 17 years old eligible for vaccination against COVID-19:

  • Medical complexity
  • Genetic conditions
  • Neurologic conditions
  • Cardiovascular disease
  • Metabolic/endocrine
  • Obesity
  • HIV infection
  • Tuberculosis
  • Chronic respiratory disease
  • Renal disorder
  • Hepatobillary

Vergeire earlier said that children participating in the pilot COVID-19 vaccination program should be well-informed and must get clearance from their doctors.

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.