COVID-19 reproduction rate sa NCR, muling tumaas; panibagong surge pinangangambahan – OCTA

Robie de Guzman   •   July 22, 2021   •   72

MANILA, Philippines – Nagbabala ang OCTA Research team hinggil sa posibilidad ng muling pagkakaroon ng COVID-19 surge dahil sa tumataas na namang reproduction rate sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa OCTA Research team, umaabot ngayon sa 1.15 ang reproduction rate sa NCR na mas mataas kumpara sa 0.91 noong nakaraang linggo.

Ibig sabihin, higit na sa isang tao ang maaaring mahawa ng isang nag-positibo sa COVID-19.

Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, ang nakikitang pagtaas ngayon ay kagaya umano noong panahon na nagkaroon ng COVID-19 surge sa bansa sa unang bahagi ng taon.

“We are seeing an increase which is similar to the increase we saw last February,” ani David.

Naniniwala si David na ang pagkalat ng Delta variant ang isa sa mga sanhi ng muli na namang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Based on the evidence that there are local cases of the Delta variant in Manila and the NCR, there is sufficient cause to suspect na at least part of this is driven by the Delta variant,” ani David.

Kapag muling tumaas ang kaso ng COVID-19, mapupuno ang mga ospital at mangangailangan muli ng mas maraming facility beds at manpower ang mga ospital lalo na sa NCR Plus areas.

Kaya panawagan ng grupo sa pamahalaan, pabilisin ang COVID-19 response at agad magpatupad ng mga hakbang upang mapigilan ang lubhang pagtaas ng mga kaso.

“Maybe it’s too early to call it a surge pero we should not wait for it to become a surge before we act on it. It’s better if we are cautious. We act on this now and make preparations, interventions,” dagdag pa niya.

Bagaman hindi pa makumpirma sa ngayon kung mayroon nang local transmission ng Delta variant, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na may posibilidad na nangyayari na nga ito.

“As we ramp up our response, our capacities we need to assume na mayroon ng local transmission but there is yet no evidence to establish because investigations are ongoing to link this identified local cases to and international travelers who might have brought it here,” ani Duque.

Once you are able to establish that then mas maganda because of course it doesn’t mean only just because ma-link mo siya into a international traveller you let your guards down, you don’t, that’s why you continue to assume that there is transmission,” dagdag pa niya.

Tiniyak naman ng Department of Health na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang posible pang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Bukod sa oxygen supply ay nagdagdag na rin ng hospital beds sakaling dumami ang mga pasyenteng kailangang i-admit sa mga pagamutan.

Sa kasalukuyan ay nasa 47 na ang naitatalang kaso ng Delta variant sa bansa. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Garbage still main cause of flooding in NCR — MMDA

Aileen Cerrudo   •   July 23, 2021

MANILA, Philippines — Garbage is still the main cause of flooding in the National Capital Region (NCR), according to the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

MMDA Chairman Benhur Abalos Jr. reported there are low areas in the NCR that are prone to flooding but other areas have clogged drainages due to wastes.

He also said that the MMDA is repairing and declogging the pumping stations for the flood water to go to Pasig River.

Sa ngayon ay ginagawa natin ang mga pumping station para i-pump out ang mga tubig na bumabaha. Pero paano mo ipa-pump out kung talagang heavy ang siltation, barado dahil sa basura” he said.

(Presently, we are repairing the pumping stations to pump out the floodwater. But how will you pump it out if there is heavy siltation and it’s clogged due to the garbage.)

In San Andres Pumping Station, around 8 to 10 cubic meters of garbage are collected per day during the rainy season.

The MMDA reminds the public to avoid throwing garbage on the streets. -AAC (with reports from Asher Cadapan Jr.) 

DILG hindi pabor sa reproduksyon ng COVID-19 vaccination card

Aileen Cerrudo   •   July 23, 2021

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko kaugnay ng pagpapagawa ng COVID-19 vaccination card na yari sa isang uri ng plastic card na polyvinyl chloride o PVC.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, mahalaga ang vaccination card at ang mga impormasyong nakapaloob dito.

Kaya’t tanging orihinal na kopya lang nito ang dapat gamitin alinsunod na rin sa pamantayan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

“Madaming paggagamitan iyong vaccination card sa ating mga kababayan para makagalaw, para makapagtrabaho, para makapagbyahe. So, given this situation, kailangan po ay orihinal ang ipakita natin sa mga entry points or kaya naman sa mga mall kung tayo ay senior citizen,” ayon kay Malaya.

Paliwanag pa ng DILG, hindi na orihinal ang kopya nito kung isasaliam sa reproduksyon gaya ng paglalagay ng impormasyon sa PVC card, pagkuha ng litrato, xerox o photocopy at pagpapa-scan nito.

May banta rin sa data privacy o personal na impormasyon ng isang indibiduwal ang pagbibigay ng kopya ng vaccination card sa ibang tao o kumpanya.

Kaya payo ni Malaya, huwag sayangin ang oras, hirap at pera sa pagpapagawa ng PVC vaccination card.

Maari namang protektahan na lang ang orihinal na bakuna card sa pamamagitan ng ilang paraan upang hindi ito masira o mawala kung ito ay dadalahin.

“Kung tayo ay concerned doon sa ating vaccination card, ayaw natin itong masira o mabasa, eh di ipa-laminate na lang. Marami pong paraan para maprotektahan natin ang ating vaccination card without reproducing it or tampering with the original,” ayon kay Malaya.

Maaari namang manghingi ang isang indibidwal lalo pa ang mga pupunta sa ibang bansa ng vaccination certificate sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na maaring magsilbing patunay na ang isang tao ay bakunado na.

Metro Manila LGUs, naghahanda na sa posibleng paglobo ng COVID-19 cases dahil sa Delta variant

Robie de Guzman   •   July 23, 2021

MANILA, Philippines – Naglagay na ng dagdag na isolation facilities ang iba’t ibang local government units (LGU) sa Metro Manila bilang paghahanda sa posibleng pagdami ng COVID-19 cases bunsod ng Delta variant.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, 83 isolation facilities na ang inihahanda sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila at maging sa mga hotel.

Ani Abalos, kailangang maihanda ang mas maraming facility beds para maiwasan na ang nangyaring siksikan sa mga ospital nang magkaroon ng surge ng COVID-19 cases sa unang bahagi ng taon.

“We’ve had this experience before eh remember nung South African and UK variant nung tumaas in just two weeks, kumalat kaagad. Yun talaga, nagsiksikan ang mga ospital, nagsiksikan ang isolation, pero in a way kinaya naman. Talagang naghanap tayo ng mga hotels,” ang pahayag ni Abalos.

Una nang nanawagan ang Department of Health (DOH) at ilang eksperto sa mga lokal na pamahalaan na higpitan pa ang pagpapatupad ng health protocols at contact tracing upang maagapan ang pagkalat ng Delta variant lalo na sa Metro Manila.

Hinimok din ng DOH ang publiko na patuloy na sundin ang mga polisiya sa pagsusuot ng face mask at face shield at social distancing at iwasan ang mass gathering.

Samantala, inihayag naman ni Department of Interior and Local Government spokesperson Jonathan Malaya na pinag-iisipan na ng Metro Manila mayors na ipagbawal ang home quarantine upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19 sa isang pamilya.

“Home quarantine is no longer recommended especially dun sa mga areas na may Delta variant. Pag kayo ay nakahalubilo, kailangan dalhin kayo sa facility,” ani Malaya.

Pinaiigting na rin ang operasyon ng One Hospital Command Center upang agad matugunan ang mga kababayang mangangailangan ng atensiyong medical sa gitna ng pandemya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nunez)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.