CTAP, muling nanawagan sa Manila City Government hinggil sa umiiral na truck ban

admin   •   April 23, 2014   •   3878

“Ang movement ng truck ay depende sa trade natin. Ibig sabihin kapag may movement ang truck ay malakas ang economy natin; kapag pinigil mo ay definitely medyo economic sabotage ang tatakbuhan niyan. Once na pinigil mo ang movement ng truck, eh, magkakaroon tayo ng problema.” — CTAP Director Pepito Dino (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hiniling ng Confederation of Trucking  Association of the Philippines (CTAP) sa Manila City Government na bigyan na lamang sila ng isang lane sa mga kalsadang papasok at palabas ng lungsod.

Ayon kay CTAP Director Pepito Dino, ito ay upang makabiyahe na sila buong araw at hindi sila makasagabal sa traffic.

Nais din nila na huwag nang ipagbawal na dumaan ang empty trucks sa maynila upang hindi sila mahuli.

Iginiit pa nito na dahil sa umiiral na truck ban madalas silang nahuhuli at nagbabayad ng napakamahal na multa.

Pahayag ni Dino, “Kapag inabot po kami ng ala-singko na truck ban ay ito-tow na po kami na P5,000 at another P4,500 sa tow imagine P9,500. Paano naman po kami mabubuhay noon?”

Sinabi pa ni Dino na hirap na hirap na ang mga truckers at umaabot na sa 30% ang nalulugi sa kanila simula nang mag umpisa ang truck ban noong Pebrero.

“Nagrereklamo na rin po ang mga exporter at importer dahil kami po ay tumaas ang singil namin sa 50% sa dati naming rates.”

Malaki na rin aniya ang nagiging epekto ng truck ban sa mga kumpanya na kanilang sineserbisyuhan dahil naaantala rin ang pagdating ng kanilang mga kargamento.

“Ang movement ng truck ay depende sa trade natin. Ibig sabihin kapag may movement ang truck ay malakas ang economy natin; kapag pinigil mo ay definitely medyo economic sabotage ang tatakbuhan niyan. Once na pinigil mo ang movement ng truck, eh, magkakaroon tayo ng problema,” paliwananag ni Director Dino.

Matatandaang, noon pang buwan ng Pebrero nag-umpisa ang truck ban sa Maynila at binigyan lamang sila ng window hour na mula 10PM hanggang 5AM upang makabiyahe. (LEA YLAGAN, UNTV News)

Truck ban, paiiralin bago ang number coding kung lalala ang trapiko sa NCR – MMDA

Robie de Guzman   •   November 5, 2021

MANILA, Philippines – Plano ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pairalin muna ang truck ban bago muling ipatupad ang number coding policy sa gitna ng pagdami ng mga sasakyan sa mga lansangan sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay MMDA chairperson Benhur Abalos Jr., mas marami na ngayong tao ang lumalabas ng bahay dahil sa unti-unting pagluwag ng COVID-19 restrictions.

Gayunman, mas maayos pa rin aniya ang sitwasyon ng trapiko sa kasalukuyan kumpara noong bago ang pandemya.

Sa taya ng MMDA, 7,000 na lang ang diperensiya sa bilang ng mga sasakyan nitong Oktubre kumpara sa pre-pandemic volume na 405,000.

Ngunit sa kabila nito ay mas mabilis pa rin ang biyahe ng mga sasakyan ngayon kung saan umaabot ang average daily speed sa 23 kilometers kada oras kumpara dati na 11 kilometers kada oras lang.

Bukod sa mga naturang traffic scheme, patuloy ang clearing operation na isinasagawa ng mmda sa mabuhay lanes bilang alternatibong ruta ng mga motorista.

Hangga’t maari ay pansamantala ring ititigil ang mga konstruksyon sa kahabaan ng EDSA partikular na sa area ng North Avenue sa Quezon City.

Simula Nobyembre 4 hanggang 21, nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2 ang NCR, na nangangahulugan ng mas maluwag na operasyon ng mga negosyo at paggalaw ng publiko.

Sa ilalim ng Alert Level 2, papayagan ang intrazonal at interzonal travel pero depende ito sa restrictions ng lokalidad na pupuntahan. Hanggang 50% ng indoor venue capacity naman ang papayagan sa mga establisimiyento para sa fully vaccinated individuals at mga may edad 18 pababa kahit hindi pa bakunado.

Nasa 70% naman ang papayagang outdoor venue capacity para sa meetings, incentives, conferences, at exhibitions, tourist attractions tulad ng amusement parks at recreational venues, at mga sinehan.

Pinapayagan na rin ang dine-in services, personal care establishments, fitness studios, at gyms.

Papayagan na rin ang limited face-to-face classes para sa basic education, pero dapat ay aprubado ito ng Office of the President. Maaari na rin ang limited face-to-face learning sa higher education at technical-vocational education and training.

Maging ang mga pagtitipon ng mga hindi magkakasama sa isang bahay ay pinahihintulutan din sa alert level 2.

Ang mga ahensya ng pamahalaan naman ay mananatiling fully operational subalit limitado rin sa 50 percent on-site capacity at may work-from-home at flexible arrangement pa rin.

Gayunman, ipinagbabawal pa rin ang operasyon ng mga casino, horse racing, cockfighting, lottery, betting shops at iba pang gaming establishments liban na kung papayagan ng IATF o Office of the President.

Truck ban in Metro Manila suspended until Sept. 7

Marje Pelayo   •   September 1, 2021

MANILA, Philippines – The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) announced that the implementation of truck ban is suspended along major thoroughfares in Metro Manila.

This is to ensure unhampered movement of essential goods during the extension of the modified enhanced community quarantine (MECQ) from September 1 to 7.

The MMDA clarified, however, that the suspension does not cover EDSA from Magallanes Interchange in Makati City to North Avenue in Quezon City, where a total truck ban is enforced.

 

MMDA suspends truck ban in Metro Manila

Maris Federez   •   August 2, 2021

MANILA, Philippines — The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) announced on Monday (August 2) the suspension of the truck ban along major thoroughfares in Metro Manila.

The MMDA said this is to ensure unhampered movement of essential goods during the implementation of the enhanced community quarantine (ECQ) from August 6 to 20.

Meanwhile, the MMDA also said that the Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) or the number coding scheme remains suspended this month.

The move will give way to the smooth and easy transport of essential goods and of authorized persons outside residence (APOR) as allowed by the Inter-Agency Task Force during the implementation of the strictest quarantine classification in the capital region. —/mbmf

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.