DA eyes SRP for pork, chicken after price cap

Marje Pelayo   •   April 6, 2021   •   668

MANILA, Philippines — The Department of Agriculture (DA) believes that the implementation of the price ceiling has been effective in controlling the prices of pork in the country.

This, even if the P270 to P300 pesos per kilogram price cap was not followed in the past two months.

Prior to the price ceiling, pork products were sold at a staggering P450 pesos per kilogram specifically in February.

“Successful ang overall lahat ng measures towards the price cap at least hindi na umabot ng P400 (per kilo),” noted DA Secretary William Dar.

Now, prices of pork in Metro Manila markets range from P350 to P400 pesos.

The DA is currently looking into setting a suggested retail price after the lifting of the price ceiling for pork and chicken on April 8.

“We are looking at the SRP structure pero wala pa kaming recommendations. We will finalize before April 8,” Dar said.

The DA will also assess if it will continue the transport assistance for hog raisers from provinces delivered in Metro Manila.

A group of dealers and vendors in the Commonwealth market, opposes the setting of SRP but favors the implementation of a price cap.

“Mas lalong walang masusunod na presyo dyan kasi suggested retail price lang yan… pwedeng magkaroon sila ng dayaan mataas ang baboy si ganito, pwedeng magsinungaling,” said meat dealer Toto Rillo.

Meanwhile, the farmgate price of chicken decreased by P40 pesos per kilogram since March 12.

The United Broiler Raiser’s Association said this is the effects of the past holiday season and the reimplementation of the enhanced community quarantine (ECQ).

“May impact na talaga lack of purchasing power nung consumers, down talaga ang economy natin. Ang curfew nila ngayon is 6 o’clock. Malaki nawawala sa demand. kahit yung mga lechon manok apektado,” noted Atty. Bong Inciong of the United Broiler Raiser’s Association (UBRA).

UBRA favors the implementation of SRP provided that prices will be recomputed to reflect the appropriate price.

The group, on the other hand, opposes the implementation of the price ceiling.

“The price cap will be counterproductive because you are distorting the prices. maraming mawawalan ng gana because you are distorting the prices and the incentives to be produce or import to increase supply,” it said. MNP (with reports from Rey Pelayo)

Presyo ng de lata at iba pang produkto, tumaas batay sa bagong SRP ng DTI

Robie de Guzman   •   September 3, 2021

MANILA, Philippines – Bahagyang tumaas ang presyo ng ilang brand ng gatas, de lata at iba pang produkto batay sa inilabas na bagong listahan ng suggested retail price (SRP) ng Department of Trade and Industry (DTI).

Dalawampung sentimo hanggang piso ang itinaas ng halaga ng mga de lata gaya ng corned beef, sardinas, luncheon meat at maging ng meat loaf.

Paliwanag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, tumaas ang presyo dahil nagmahal ang halaga ng mga sangkap na ginagamit sa mga nasabing produkto.

“Ito yung corned beef na isang item na tumaas by P2.85 or 75 centavos pero ito ‘yung matagal na na hindi gumagalaw, pending yung request niya for increase from 2019. Two years naghintay ang manufacturers natin,” ani Castelo.

“Meron kaming mga pinagbigyan, si Sec. Lopez nag-approve na rin nung mga talagang naipit na manufacturers kaya merong isang item na umakyat ng P2.85 pero isa lang po yun,” dagdag pa niya.

Tumaas rin ng 25 centavos ang presyo ng noodles.

May paggalaw rin sa presyo ng ilang brand ng patis, toyo, suka, at iodized salt.

Maging ang ilang brand ng gatas gaya ng evaporada, condensada at powdered milk, tumaas rin ng 25 centavos hanggang P1.35

Nasa 15 centavos hanggang 60 centavos naman ang nadagdag sa presyo ng 3 in 1 coffee.

Giit ng DTI, 2019 pa huling humirit ng dagdag presyo ang manufacturers kaya pinayagan nila ang panibagong paggalaw ng halaga ng mga bilihin.

“Inaalalayan rin natin ayaw naman natin na mag-fold ‘yung mga negosyo dahil hindi profitable sa kanila or lugi pa sila for that matter baka magsara o mag-lay off or tuluyang hindi i-produce yung produkto,” ani Castelo.

“Pagka hindi na nila tinuloy ang production nito, mawawalan ng choices ang consumers ng mabababang halaga kaya napilitan na rin tayo na gumalaw ng presyo,” dagda pa niya.

Epektibo na ang bagong SRP pero bibigyan pa rin ng DTI ng sapat na panahon ang supermarkets at grocery stores para mag-adjust at magpalit ng price tag.

Inaasahang maglalabas ng bagong SRP ang DTI sa huling linggo ng Oktubre o Nobyembre para naman sa mga produktong kalimitang nabibili sa holiday season. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Marvin Calas)

Presyo ng ilang pangunahing produkto, tumaas

Aileen Cerrudo   •   September 2, 2021

Aprubado na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hiling na dagdag presyo ng mga manufacturer ng ilang pangunahing produkto dahil na rin sa mataas na halaga ng raw materials.

Noong Linggo (August 29), inilabas ng DTI ang bagong listahan ng suggested retail price, kung saan tumataas ng nasa P0.20 hanggang P1.00 ang dagdag presyo sa halos 70 grocery items.

Kabilang sa mga nagtaas ng presyo ang mga de lata gaya ng corned beef, sardinas, luncheon meat maging ang meat at beef loaf.

Bagaman nauna nang sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na hindi hihigit sa piso ang dagdag presyo, ipinaliwanag ng ahensya na hindi maiiwasan na may ilang delata ang malaki ang itinaas dahil sa sangkap na ginagamit dito.

Kasama rin sa tumaas ang presyo ng noodles na may patong ngayon na nasa P0.25. May dagdag presyo rin sa ilang mga condiment gaya ng patis, toyo, suka at iodized salt. Maging ang ilang brand ng gatas gaya ng evaporada,condensada at powdered milk tumaas rin ng nasa P0.25 centavos hanggang P1.35 at P0.15 naman hanggang P0.60 ang nagdagdag sa refill ng kape na 3 in 1.

Katwiran ng DTI, 2019 pa nang huling humirit ng dagdag presyo ang mga manufacturer.

“Inaalalayan din natin ayaw naman natin na mag-fold ang mga negosyo dahil hindi profitable sa kanila or lugi pa sila for that matter baka magsara o mag-lay off or tuluyang hindi i-produce ang produkto. Kapag hindi na nila tinuloy ang production nito mawawalan ng choices ang consumers ng mabababang halaga kaya napilitan na rin tayo na gumalaw ng presyo,” ayon kay Castelo.

Bagama’t epektibo na ang bagong price list, bibibigyan pa ng DTI ng sapat na panahon ang mga supermarket at grocery stores upang makapag-adjust sa bagong presyo at makapagpalit ng mga price tag.

Siniguro naman ng DTI na binabantayan din nito ang hiling na taas presyo ng mga manufacturer at bineberipika sa international price survey.

Inaasahan namang maglabas ng bagong SRP ang DTI sa huling linggo ng Oktubre o Nobyembre para naman sa mga produktong napapanahon sa holiday season.

DOH lowers price cap for COVID-19 RT-PCR tests

Robie de Guzman   •   September 2, 2021

MANILA, Philippines – The Department of Health (DOH) on Wednesday announced it has lowered the price cap for COVID-19 RT-PCR tests.

Under the Department Circular No. 2021-0374 dated August 26, the DOH said the cost of RT-PCR testing in public facilities should be at P2,452 to P2,800.

Meanwhile, RT-PCR tests at private facilities should be priced at P2,940 to P3,360.

Price cap for home service must be at P1,000.

The price limit will be implemented starting Sept. 6.

The DOH said that laboratories, health facilities and other testing centers may impose prices lower than the prescribed price cap, provided that the quality of services is maintained.

The Executive Order No. 118 signed in November 2020 mandated the DOH, in coordination with the Department of Trade and Industry (DTI), to determine, formulate, and implement a price cap for COVID-19 testing conducted by hospitals, laboratories and other health facilities, subject to existing rules and regulations.

The price cap shall be subject to change based on the monthly review by the DOH and the DTI.

The DOH warned to impose sanctions against concerned facilities violating the price cap.

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.