DOH, muling iginiit na hindi gamot ang ivermectin vs COVID-19

Robie de Guzman   •   August 23, 2021   •   747

MANILA, Philippines — Inulit ng Department of Health (DOH) ang babala nito hinggil sa basta-bastang pag-inom ng ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Ginawa ng DOH ang pahayag matapos sabihin ng United States Food and Drug Administration (USFDA) na hindi dapat gamitin kontra COVID-19 ang ivermectin na isang animal grade o ginawa para gamutin ang parasitic infection sa mga hayop.

“Ito pong gamot na ito nagpakita na po ng ebidensya na ito pong gamot na ito doesn’t give you any benefit at all in preventing, in shortening the duration of your hospitalization or preventing the progression of your disease when you have COVID-19” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Itong gamot na ito ay may side effects in na harmful sa inyong katawan,” dagdag pa niya.

Ang babala ng USFDA ay kasunod ng mga pagdami ng mga kaso ng umano’y naoospital sa Amerika dahil sa paggamit ng ivermectin kontra COVID-19.

Sa estado ng Mississippi, iniulat ng Poison Control Center na 70% ng tawag na kanilang natatanggap ay dahil sa pag-inom ng animal grade na ivermectin na binili sa livestock centers.

Ayon sa ahensya, hindi dapat inumin ng mga tao ang animal drugs dahil ito ay concentrated para sa mga malalaking hayop at toxic para sa tao.

Una na ring nagbabala ang World Health Organization laban sa paggamit ng ivermectin bilang gamot sa COVID-19, maliban na lamang kung ito ay para sa isang clinical trial. RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Philippines adds France to Red List

Robie de Guzman   •   December 9, 2021

MANILA, Philippines – The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) on Wednesday placed France on the Philippines’ Red list or countries that are high risk for COVID-19, Malacañang said.

In a statement, acting Presidential Spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles said the escalation of France to the Red list is effective 12:01 a.m. of December 10 to 15.

Travelers who have been to France within 14 days immediately preceding arrival in the Philippines, and who will arrive on December 10 to 12, shall be required to undergo facility-based quarantine for 14 days with an RT-PCR test on the 7th day, with day one being the date of arrival.

“Notwithstanding a negative RT-PCR result, the completion of the 14-day quarantine is required,” Nograles said.

Beginning 12:01 a.m. of December 13 until December 15, entry in any port of the Philippines shall not be allowed for passengers coming from or who have been to France within the last 14 days prior to arrival in the Philippines, regardless of vaccination status.

Only Filipinos returning to the country via government-initiated or non-government-initiated repatriation, and Bayanihan Flights may be allowed entry, subject to existing testing and quarantine protocols for Red List countries/territories/jurisdictions.

“As with all international inbound travel, the testing and quarantine protocols for minors shall follow the testing and quarantine protocols of the parent/guardian traveling with them, regardless of the minor’s vaccination status,” Nograles said.

“This notwithstanding, children 3 years old and below, regardless of country of origin, shall be exempt from the requirement of presenting a negative RT-PCR test result before boarding the flight, unless symptomatic,” he added.

Notwithstanding the foregoing, the Palace official said that passengers who arrived prior to December 10, 2021 and are currently undergoing quarantine shall complete the testing and quarantine protocols in effect at the time of their arrival.

All passengers, whether Filipinos or foreigners, merely transiting through France shall not be deemed as having come from or having been to said country if they stayed in the airport the whole time and were not cleared for entry into such country by its immigration authorities.

Upon arrival in the Philippines, they shall comply with the applicable testing and quarantine protocols for passengers who have not been to any Red List country/territory/jurisdiction.

The updated Red List comes amid the looming threat of newly discovered Omicron COVID-19 variant.

70% PUV passenger capacity, papayagan na sa NCR, karatig-probinsiya simula Dec. 9 – LTFRB

Robie de Guzman   •   December 8, 2021

MANILA, Philippines – Ipatutupad na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang pagbabago sa passenger capacity load sa public utility vehicles (PUV) simula sa Huwebes, Disyembre 9.

Ayon sa LTFRB, ang mga pagbabago ay alinsunod sa alituntuning inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Batay sa LTFRB Memorandum Circular No. 2021-076, nasa 70% na ang papayagang passenger capacity load sa mga PUV sa National Capital Region (NCR) at mga probinsiyang kasama sa Metro Manila Urban Transportation Integration Study (MMUTIS) Update and Capacity Enhancement Project (MUCEP).

Ang mga probinsiyang ito ay kinabibilangan ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Para naman sa mga rehiyon na 50% passenger capacity load ang ipinaiiral sa mga PUV ngunit mayroon ng 30% Vaccination Rate ngayong Disyembre, sinabi ng LTFRB na maaari na ring iakyat sa 70% ang kanilang passenger capacity load.

“Sa mga rehiyon na maaari nang maipatupad ang 70% passenger capacity load ngunit hindi pa nakukumpirma ang 30% Vaccination Rate, kailangan magsumite ng Regional Franchising and Regulatory Board (RFRO) ng Memorandum to the Board kasama ang Certification of Vaccination Rate na manggagaling sa Regional IATF o Department of Health (DOH) Regional Office,” ayon sa ahensiya.

Para sa mga inter-regional routes, susundin ang mga sumusunod na alituntunin patungkol sa Passenger Capacity:

  • Mga PUV na bibiyahe papuntang Metro Manila, susundin ang passenger capacity ng rehiyon na pinanggalingan ng PUV
  • Sa mga PUV na bibiyahe mula Metro Manila, susundin ang passenger capacity ng rehiyon na end point ng biyahe
  • Sa mga inter-regional routes na hindi dadaan ng Metro Manila, susundin ang rehiyon na may mas mababang passenger capacity.

Paalala ng LTFRB sa transport operators na sundin ang mga patakaran ng ahensya.

Ang mga mahuhuling lalabag ay papatawan ng kaukulang parusa at multa, at maaaring tanggalan ng certipikasyon.

Epektibo ang polisiyang ito hanggang sa Enero 4, 2022.

Mga infected ng Omicron COVID-19 variant, kinakitaan ng flu-like symptoms – eksperto

Robie de Guzman   •   December 8, 2021

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng health experts ang publiko na mag-doble ingat ngayong amihan season dahil panahon rin ito kung kailan nauuso ang flu o trangkaso.

Ayon kay infectious disease expert Dr., Rontgene Solante, ang sintomas ng flu ay pananakit ng ulo at katawan, pagkakaroon ng sipon, ubo, at lagnat, at mabilis mapagod.

Aniya, ang mga sintomas na ito ay may pagkakatulad sa COVID-19, maliban sa pagkawala ng panlasa at pang-amoy ng isang pasyente.

Kapag nakaramdam ng mga katulad na sintomas, payo ng mga eksperto na agad mag-isolate, kumonsulta sa doktor at ipagpalagay na mayroon kang COVID-19 sa gitna rin ng pandemya.

“You need to be tested and the priority in doing the test is the COVID-19 test… lahat pa rin mag-ingat sa bahay, magpa- test kung kailangan especially para malaman natin kung influenza ba iyan or COVID virus and everybody should obey the health protocols,” ani Solante.

“They should isolate themselves, they should be tested. If the test is negative they can be lifted out of isolation,” dagdag pa niya.

Iginiit rin ni Solante ang kahalagahan ng agarang pag-isolate dahil ang sintomas ng flu ay kapareho rin ng mga ipinapakitang sintomas ng mga taong dinapuan ng Omicron variant ng COVID-19.

Batay sa pinahuling impormasyon mula sa World Health Organization, sinabi ni Solante na tila mild symptoms ang nakita sa mayorya sa mga pasyenteng nagpositibo sa Omicron variant sa South Africa.

Karamihan aniya sa mga pasyente roon ay nasa 50 taong gulang at pababa kaya mild ang nakitang sintomas dahil kaya pa itong labanan ng kanilang pangangatawan.

Nasa 10% rin umano ng mga naitalang kaso ng Omicron variant sa South Africa ay sa hanay ng mga bata.

“COVID-19 is more transmissible especially the Omicron variant compared to influenza; and second is that if there will be vulnerable people within the family that have high risk in developing severe symptoms like 60 y/o and above or those with comorbidities they will have higher risk of more severe,” ani Solante.

Pero paglilinaw nito, preliminary data pa lamang ito at hindi pa kumpleto ang impormasyon hinggil sa epekto ng bagong tuklas na coronavirus variant, partikular na sa mga immunocompromised individuals.

Sa datos mula sa South African Medical Association, sinasabing ang mga dinapuan ng Omicron variant ay hindi nakaranas ng pagkawala ng panlasa o pang-amoy na kalimitang sintomas ng COVID-19.

Hindi rin umano tumaas ang pulse rate ng mga pasyente at hindi rin nangailangan ng oxygen supply.

Ang mga nagpositibo sa Omicron ay dumaing ng pananakit ng ulo at katawan, at slight sore throat na kagaya ng sintomas ng flu.

Lumalabas sa inisiyal na pag-aaral na iba ang sintomas ng mga nagpositibo sa Delta variant kumpara sa Omicron variant.

“It’s totally different from the Delta especially in regards of the loss of smell, taste, oxygen requirement as well as… elevated pulse rate. The symptoms are quite easy, very much like a cold or a flu type of symptoms,” ani Dr. Angeline Coetzee, ang pinuno ng South African Medical Association.

“What we observed are body aches, muscle pains and headaches and fatigue for 1-2 days, slight sore throat,” dagdag pa niya.

Batay pa sa mga inisyal na impormasyon, maaaring maapektuhan ng omicron ang bisa ng COVID-19 vaccines kaya’t makapagbibigay ng dagdag proteksyon ang booster dose.

Highly transmissible rin ang Omicron pero hindi ito nakakapagdulot ng severe infection kumpara sa Delta variant.

Ngunit paglilinaw ng mga dalubhasa, inisyal pa lamang ang mga obserbasyong ito at nagpapatuloy pa ang kanilang pag-aaral sa naturang variant.

Maglalabas ang World Health Organization ng konkretong pag-aaral ukol sa variant sa mga susunod na araw upang magsilbing gabay sa mga bansa sa pagsupil sa pagkalat ng nasabing COVID-19 variant. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.