Duque: Pagbubukas ng klase sa Agosto, ligtas basta’t matitiyak ang minimum health standards

Robie de Guzman   •   May 26, 2020   •   489

MANILA, Philippines – Naniniwala si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ligtas ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 basta’t maipatutupad ang kinakailangang minimum health standards sa mga paaralan.

Inihayag ni Duque ang kanyang opinyon nang hingan siya ng pahayag ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa isinagawang virtual hearing ng Senate Committee on Health and Demography ngayong Martes.

“Pag-aralan po namin maigi ito pero sa tingin po namin, ligtas naman po kung bubuksan natin ang klase by August 24. Ang kinakailangan po rito, siguraduhin lamang na ang lahat ng ating minimum standards for health ay nakatalaga,” ani Duque.

Kabilang aniya sa minimum health standards na kailangang masunod ay ang pagkakaroon ng physical distancing, palagiang paghuhugas at pagdi-disinfect ng mga kamay at pagkakaroon ng thermal scanner upang ma-check kung mataas ang temperatura ng katawan ng isang tao.

“Tingin ko magiging ligtas naman po ang pagbubukas ng ating pong mga paaralan at meron din po tayong evidence-based na atin pong titingnan gaya ng ginagawa po ng IATF,” ani Duque.

“We will continue to evaluate yung mga bilang ng mga kaso down to the barangay levels,” dagdag pa niya.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address noong Lunes ng gabi na hindi siya papayag na muling magbalik-eskwela ang mga mag-aaral hangga’t walang natutuklasang bakuna kontra novel coronavirus disease (COVID-19).

Sa paglilinaw naman ng Malakanyang ngayong Martes, ang pagkakaroon ng face-to-face o physical classes in classroom ang tinutulan ng Pangulo at tuloy pa rin naman ang pagbubukas ng academic schoolyear 2020-2021 sa Agosto.

Kung mananatili pa rin ang banta ng COVID-19 bandang Agosto, ipatutupad naman ng pamahalaan ang flexible blended learning sa lahat ng antas.

Kabilang sa paraang ito ang paggamit ng telebisyon at radyo upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral, lalo na sa mga nasa liblib na lugar at hindi maaabot ng internet.

“Kung hindi po talaga dumating ang new normal, at hindi mai-lift ang community quarantines, di po ibig sabihin na di na mag-aaral ang ating mga kabataan. Mayroon po tayong tinatawag na blended learning sangayon kay Sec. Briones ng DepEd, gagamitin po natin ang telebisyon, ang radio at ang internet para ipagpatuloy po ang edukasyon ng ating mga kabataan,” ani Roque.

Suportado naman ni Duque ang mga plano ng Department of Education (DepEd) upang maseguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral.

Una nang sinabi ng DepEd na bukod sa pagsasagawa ng online classes, pinag-aaralan na rin nila sa ngayon ang iba’t ibang learning tools, work arrangement para sa mga guro at maging ang sistema ng assessment sa mga mag-aaral. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Harlene Delgado)

Cebu City hospitals in critical level amid surge of COVID-19 cases – DOH

Robie de Guzman   •   July 2, 2020

MANILA, Philippines – Some hospitals in Cebu City are already in critical level amid the surge of novel coronavirus disease (COVID-19) cases in the city, the Department of Health (DOH) said Thursday.

In a televised press briefing, Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said Cebu City’s overall health capacity has reached a critical point as many hospitals in the city are already swamped with patients.

“They’ve reached about 80 percent and even more—80 percent last week, pero napababa nila iyon nung nag meeting kami nung Sunday. Parang bumaba ng konti, although nasa critical level pa rin,” Vergeire said.

“So, ngayon pag nakakita tayo ng ganito, binabantayan kaya nga ang decision sa kanila they continue on with enhanced community quarantine,” she added.

The DOH official also noted there are only a few tertiary level hospitals in Cebu City and many are level one facilities that do not have intensive care units.

“’Yung iba pang malalaking ospital sa Cebu ay nandun na sa critical. Marami nang naka-admit, pati mechanical ventilators nila marami na ring gumagamit,” she said.

She cited Chong Hua Hospital, as an example, which is already occupied by 98 percent.

She said that aside from taking care of over 200 COVID-19 patients, at least 238 of its health workers are also currently under quarantine.

Due to this, Vergeire said the DOH is facilitating the augmentation and deployment of additional health workers, including infectious disease consultants, nurses, and military doctors, to Cebu Province to help attend to the burgeoning number of virus-infected patients. – RRD (with details from Correspondent Aiko Miguel)

TAGS   ,

Antipolo City market on lockdown as 18 tenants, vendors contract COVID-19

Marje Pelayo   •   July 2, 2020

MANILA, Philippines – The Antipolo City government has ordered the lockdown of the city’s public market after 18 of its tenants and vendors tested positive for coronavirus disease (COVID-19).

The lockdown, which started on Tuesday (June 30), would be in effect for two weeks, according to Antipolo Mayor Andrea Ynares.

The patients are now in isolation for mandatory quarantine while disinfection procedures are currently being undertaken within the market’s premises. 

Meanwhile, the local government unit has started distributing relief goods to other tenants and vendors affected by the closure. 

“Ang amin pong paulit-ulit na panawagan sa atin pong mga kababayan ay sana po sumunod tayo sa mga umiiral na batas ngayon, mga alituntunin,” appealed Relly Bernardo Jr. of the City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

[We constantly appeal to our constituents to follow health regulations, follow the law.]

“Siguraduhin po na nakakasunod po tayo sa mga protocols gaya ng pagsusuot ng mask, regular hand sanitation, at physical distancing,” he added.

[Always make sure that we are following protocols like wearing of masks, regular hand sanitation, and physical distancing.]

Likewise, the LGU is asking for help from the private markets in the city to conduct COVID-19 tests among their tenants.

The LGU added that private market owners can request from the city hall should they lack funds. —MNP (with details from JP Nunez)

3 options being considered for Duterte’s SONA, Sotto says

Robie de Guzman   •   July 1, 2020

MANILA, Philippines – The Congress is considering three scenarios for President Rodrigo Duterte’s 5th State of the Nation Address (SONA) on July 27, Senate President Vicente Sotto III said.

In an online press conference, Sotto said the Senate and the House of Representatives have been discussing options on how to hold the SONA this year amid the novel coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Option number one involves conducting a traditional SONA in the Batasang Pambansa, with the president and several members of the legislative branch in attendance but without guests.

Option number two is to have the president deliver his speech at the Malacañang while lawmakers convene in Batasang Pambansa.

Option number three will see the President staying in Malacañang while senators and members of the House convene in their respective session halls.

Sotto believes the Palace will prefer that the address be made in Malacañang to ensure the president’s safety amid the threat of coronavirus pandemic.

“Kung ano ang safest sa pangulo ang primary consideration sa pag-decide sa SONA setup,” he said. – RRD (with details from Correspondent Harlene Delgado)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.