Duterte OKs ban on travelers from UK, 19 other countries over new COVID-19 variant – Palace

Robie de Guzman   •   December 29, 2020   •   1484

MANILA, Philippines – President Rodrigo Duterte has approved the recommended expansion of the country’s entry ban on travelers coming from the United Kingdom to cover 19 other countries amid reported cases of a new variant of coronavirus disease (COVID-19) in these areas, Malacañang said Tuesday.

In a statement, Presidential Spokesperson Harry Roque said travelers from the UK are temporarily barred from entering the Philippines until January 15, 2021.

The travel ban has been extended to cover those coming from 19 other countries:

  • Denmark
  • Ireland
  • Japan
  • Australia
  • Israel
  • The Netherlands
  • Hong Kong, SAR
  • Switzerland
  • France
  • Germany
  • Iceland
  • Italy
  • Lebanon
  • Singapore
  • Sweden
  • South Korea
  • South Africa
  • Canada
  • Spain

Roque said the expanded travel restriction takes effect on December 30, 2020, 12:01 AM until January 15, 2021, covering all foreign travelers coming from, or transiting through, the said countries.

Passengers who are already in transit and are expected to arrive before December 30, 2020, 12:01 AM, from the 19 countries/areas listed above shall not be prohibited from entering the country but will be required to undergo an absolute facility-based 14-day quarantine period, notwithstanding a negative RT-PCR test result

“The Office of the President, upon the joint recommendation of the Department of Health and the Department of Foreign Affairs, may impose restrictions to travelers coming from other countries that report the presence of the new variant of COVID-19,” Roque said.

Outbound travel to countries with reported new variants shall be subject to exiting protocols of the Philippines and the entry protocols of the respective countries, he added.

Patuloy na genomic surveillance at restrictive alert level, kailangan vs bagong COVID-19 variant

Robie de Guzman   •   November 26, 2021

MANILA, Philippines – Naniniwala ang isang infectious disease expert na dapat magpatuloy ang ipinatutupad na genomic surveillance at restrictive alert level upang maagapan ang pagpasok ng panibagong variant ng novel coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Infectious Disease Specialist at Department of Health Technical Advisory Group member, Dr. Edsel Salvaña, nakakabahala ang presensiya ng bagong COVID-19 variant kaya dapat magpatuloy ang genomic surveillance ng Research Institute for Tropical Medicine, Philippine Genome Center at National Institutes of Health upang ma-monitor kung may bagong coronavirus variant na nakapasok sa bansa.

“Sinusubaybayan natin ito bagamat hindi pa siya nagte-take over tulad ng Delta, nakakabahala rin ang mutations na taglay nito,” ani Salvaña.

“Lahat ng ginagawa natin para maprevent ang pagpasok ng bagong varaint, tuloy naman po talaga iyan. For instance yong genomic surveillance […] and the fact na na-detect na ang variant na ito at pinag-uusapan na ng WHO. Iyong UK nga nag- travel ban na sila. It shows na iyong ating global genomic surveillance is working and hopefully we can prevent the spread of any new variants that come up,” dagdag pa niya.

Ang bagong COVID-19 variant na B.1.1.529 ay natuklasan sa bansang South Africa noong Nobyembre 23 mula sa samples na kinuha mula November 14 hanggang 16.

Bagama’t wala pang kumpletong detalye ang sinasabing bagong variant at variant under monitoring pa lang ang klasipikasyon nito sa ngayon, sinabi ng World Health Organization (WHO) na kailangang bantayan ito ng maigi dahil nagtataglay ito ng maraming mutations na maaaring makaapekto sa behavior o bagsik ng virus.

Inaalam rin ang epekto ng variant sa diagnostics, sa bisa ng bakuna at mga gamot na ginagamit sa mga pasyenteng may COVID-19.

“We don’t know very much about this yet. What we do know is that this variant has a large of number mutations,” ang pahayag ni Dr. Maria Van Kerkhove, ang COVID-19 Technical Lead ng WHO.

“Right now, researchers are getting together to where these mutations are and what that potentially mean for our diagnostics, therapeutics, and vaccines,” dagdag pa niya.

May mga kaso na ng ganitong variant na naitala sa ilang bahagi ng South Africa gaya ng Johannesburg, Gauteng at Botswana.

May napaulat na rin sa Hong Kong na isang biyahero mula sa South Africa.

Sa Pilipinas, wala pang iniuulat na kaso ng B1.1.529.

Tiwala naman si Salvaña na agad maaagapan ang pagpasok sa bansa ng nasabing variant dahil sa umiiral na COVID-19 restrictions.

Panawagan rin nito sa publiko na huwag maging kampante sa kabila ng pagbaba ng mga kaso dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Bagong COVID-19 variant napaulat sa South Africa

Robie de Guzman   •   November 26, 2021

MANILA, Philippines – Isang bagong variant ng novel coronavirus disease (COVID-19) ang natuklasan sa bansang South Africa.

Pinangangambahang mas nakakahawa ito kaysa orihinal na virus na sanhi ng COVID-19 at may kakayahan umanong matakasan ang immune response ng katawan dahil sa kakaibang constellation ng mutations nito.

Ayon sa World Health Organization (WHO), wala pang kumpletong detalye ang sinasabing bagong variant (B1.1.529) at variant under monitoring pa lang ang klasipikasyon nito sa ngayon.

Nadiskubre ang variant noong Nobyembre 23 mula sa samples na kinuha mula November 14 hanggang 16.

Nasa 100 sample ang nakitang positibo sa B.1.1.529 sa South Africa.

Ngunit ayon sa WHO, kailangang bantayan ito ng maigi dahil nagtataglay ito ng maraming mutations na maaaring makaapekto sa behavior o bagsik ng virus.

Inaalam rin ang epekto ng variant sa diagnostics, sa bisa ng bakuna at mga gamot na ginagamit sa mga pasyenteng may COVID-19.

“We don’t know very much about this yet. What we do know is that this variant has a large of number mutations,” ang pahayag ni Dr. Maria Van Kerkhove, ang COVID-19 Technical Lead ng WHO.

“Right now, researchers are getting together to where these mutations are and what that potentially mean for our diagnostics, therapeutics, and vaccines… It is something to watch,” dagdag pa niya.

Inaasahang aabutin ng ilang linggo bago makakalap ng karagdagang impormasyon ang mga dalubhasa ukol sa variant na ito.

May mga kaso na ng ganitong variant na naitala sa ilang bahagi ng South Africa gaya ng Johannesburg, Gauteng at Botswana.

May napaulat na rin sa Hong Kong na isang biyahero mula sa South Africa.

Sa Pilipinas, wala pang iniuulat na kaso ng B1.1.529 ang Department of Health.

Ayon sa mga otoridad, hinihintay pa nito ang ulat mula sa Hong Kong ukol sa variant upang agad makagawa ng hakbang upang mapigilan ang pagpasok nito sa Pilipinas.

Matatandaang sa South Africa rin unang na-detect ang B.1.351 o Beta variant. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Palace: Duterte to join 13th Asia-Europe Meeting Summit on Nov. 25-26

Robie de Guzman   •   November 24, 2021

MANILA, Philippines – President Rodrigo Duterte is set to join the 13th Asia-Europe Meeting Summit (ASEM) scheduled this week, Malacañang said Wednesday.

The summit will be held on November 25 to 26 via video conference, which would be hosted by Cambodia.

The Palace said Duterte is expected to exchange views on multilateralism, growth and sustainable development during the meeting.

He is also scheduled to speak on rebuilding a resilient future, as well as on international and regional issues at the Second Plenary and Retreat Sessions of the Summit on November 26, it added.

This year’s summit has its theme, “Strengthening Multilateralism for Shared Growth”.

ASEM, an informal dialogue process involving 53 partners from Europe, Asia, the European Union and the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Secretariat, aims to strengthen cooperation between the two regions in the spirit of mutual respect and equal partnership.

The Philippines joined ASEM in 1996 as one of its founding members.

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.