Face mask violators, iimbestigahan muna bago papatawan ng parusa – PNP

Robie de Guzman   •   May 6, 2021   •   269

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mas hihigpitan nila ang pagpapatupad ng minimum health protocols alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga hindi sumusunod sa patakaran ng pagsusuot ng face mask sa gitna ng pandemya.

Noong Miyerkules ng gabi, sinabi ng pangulo na ang pag-aresto sa mga lumalabag sa health protocols ang nakikita niyang paraan upang sumunod ang publiko sa mga polisiya upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay PNP spokesperson Brigadier General Ronaldo Olay, magiging maingat sila sa panghuhuli ng face mask violator bunsod na rin ng mga nagdaang insidente kung saan may nasawing protocol violator.

Aniya, ang mga aarestuhing indibiduwal ay kailangang dalhin sa istasyon ng pulisya at i-record ang naging paglabag nito upang malaman ang parusang ipapataw batay sa ordinansa ng nakasasakop na lokal na pamahalaan.

“May mga graduated punishment yan, unang pagkakasita puwedeng warning. Pangalawa ay fine merong panikit ang LGU, titiketan ka at magbabayad ka ng multa at pwede din yung pangatlo yung community service. Halimbawa maglinis ka, magwalis o magtapon ng basura,” ang wika ni Olay.

Iimbestigahan rin ang mga violator upang malaman kung may iba pa silang kinakaharap na kaso.

“Kung yung taong nasita ay may pending warrant ay ide-detain siya. Kung may violation naman na kailangang i-inquest ay i-inquest siya kagaya ng disobedience to person in authority o direct assault,” ani Olay.

Dati nang ipinag-utos ni outgoing PNP chief Police General Debold Sinas sa mga pulis na bigyan lamang ng babala at huwag nang arestuhin ang mga lumalabag sa health protocols kasunod ng pagkamatay ng isang indibidwal matapos umanong parusahan sa pamamagitan ng exercise dahil sa paglabag sa curfew. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

Eleazar signs dismissal of police in viral murder video in QC

Aileen Cerrudo   •   June 24, 2021

MANILA, Philippines — Philippine National Police (PNP) chief PGen. Guillermo Eleazar on Thursday (June 24) signed the dismissal order of PMSgt. Hensie Zinampan, the policeman in the viral video of the killing of a 52-year old woman in Quezon City on May 31.

“Today, I signed the dismissal order of Police Master Sergeant Hensie Zinampan who was found guilty of Grave Misconduct and Conduct Unbecoming of a Police Officer in connection with the killing of 52-year old Lilybeth Valdez on May 31, 2021,” said Eleazar in a PNP statement.

Zinampan is currently detained and is facing murder charges.

With the dismissal, the PNP said Zinampan will no longer receive any benefits from the agency. The PNP also said that his dismissal is proof that the agency does not condone abuse and wrongdoings among the police ranks.

“The PNP made sure that the entire summary dismissal proceedings followed the existing procedures and policies in order to prevent technicalities that may only be taken advantage of by PMS Zinampan to be reinstated in the police organization,” according to the statement.

Eleazar said that Zinampan’s dismissal should serve as a warning to all PNP personnel and that each police officer should live up to the three important and meaningful words in the PNP Seal—Service, Honor, and Justice. AAC

PNP-IAS recommends dismissal of cop who shot woman dead in QC

Robie de Guzman   •   June 24, 2021

MANILA, Philippines – The Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) has sought the dismissal of a cop who fatally shot a 52-year old woman in Quezon City last May, police chief General Guillermo Eleazar said.

In a statement on Wednesday, Eleazar said he received information about the PNP-IAS recommendation on the case of Police Master Sergeant Hensie Zinampan who is facing investigation for the killing of victim Lilybeth Valdez last May 31.

Eleazar said he has yet to receive a copy of the IAS resolution but he reiterated his vow to uphold the recommendation.

“As a matter of procedure and policy, all IAS Resolutions pass through the Discipline, Law and Order Division (DLOD) which is under the Directorate for Personnel Records and Management (DPRM). It is the DLOD, DPRM which is mandated to review, and draft the decision, on all IAS recommendations before they are forwarded to the Office of the Chief PNP for approval,” he said.

Zinampan was caught in a video confronting the victim in Barangay Greater Fairview, Quezon City on the night of May 31. The video showed the policeman drawing his gun before grabbing the victim by her hair and shooting her in the head.

The PNP chief said he has directed the DPRM to expedite the review and drafting of the decision on Zinampan’s case.

“But just what I stated before, I will uphold whatever the recommendation of the IAS with regard to this case,” he said.

Isa sa 24 na suspek sa pagpatay sa magpinsang Absalon, arestado

Aileen Cerrudo   •   June 23, 2021

Naaresto na ang isa sa 24 na suspek sa pagpatay sa football player ng Far Eastern University na si Kieth Absalon at kanyang pinsan na si Nolven Absalon noong Hunyo 6.

Inaresto si Mariel Cańete Suson noong Hunyo 22 sa bisa ng warrant of arrest. Sa kasalukyan, siya ay nasa kustodiya na ng Masbate City Police Station.

Napag-alaman din na si Suson ay anak ni Rogelio Suson alyas “Manong/Julio” na may mataas na katungkulan bilang Secretary ng “KLG”, “KP4”, “BRPC” na nakatuon ang operasyon sa Masbate.

Bukod pa rito si Suson ay isa rin sa siyam na itinuturong pumatay kay Renerio Villamor y Flores noong Marso 15, 2020 sa Satio Calolod, Brgy Pawa, Masbate City.

Ang iba pang suspek ay kinilalang sina:

  • Eddie Rosero alyas “Ka Star”
  • Lara Lagac alyas “Ka Ivan/Kian”
  • Sonny Diamos
  • Eddie Basical Eser alyas “Ka Nono”
  • Mario Esparaguerra alyas “Ka Mayong”
  • Capitalio Mallo alyas “Ka M.I.”
  • Diolito Medina alyas “Ka Michael/Uno”
  • Arlene Salazar Rance
  • Lloyd Mores Escorel
  • Ronel Plana Rodio alyasKa Moting
  • Jomar Tugbo alyas “Ka Alden”
  • Jemuel Dublin
  • Allan Goyala
  • Dolores Bilibit alyas “Ka Oyeng”
  • Jhun Bilibit alyas “Ka Paka”
  • Lenie Cabarles alyas “Ka Onang”
  • Richard Laurio alyas “Ka Nonem”
  • Rolly Hermina
  • Jesmar Noel Jesmar alyas “Ka Jesmar”
  • Marla Cañete Suson
  • Maila Cañete Suson
  • Gilbert Turing
  • Allan Uling

Ayon kay PNP Bicol Regional Director PBGen. Jonnel Estomo, patuloy ang PNP Bicol sa paglulunsad ng operasyon upang tukuyin at hanapin ang kinaroroonan ng mga sangkot sa mga nasabing krimen.

“Hindi nagtatapos ang ating responsabilidad sa pagsampa ng kaso sa mga nasabing salarin bagkus lalo nating pagsisikapang maibigay sa pamilya ng mga nabiktima ang sigaw itong hustisya at bigyan ng kapanatagan ang ating mamayan para sa isang ligtas at tahimik na komunidad,” aniya. AAC

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.