Hotline na magwawakas sa mga tiwaling tauhan ng pamahalaan, inilunsad

admin   •   July 15, 2014   •   9325

(L-R) Sen. Benigno “Bam” Aquino IV at CSC Chair Francis Duque (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isang contact center ang binuo ng ilang ahensiya ng pamahalaan at pribadong grupo na magsisilbing sumbungan ng mga Micro Small and Medium Enterprises o MSME’s laban sa mga tiwaling opisyal at  empleyado ng pamahalaan.

Tatawagin itong Walang Asenso sa Kotong hotline o WASAK.

Inilunsad ang hotline sa Civil Service Commission Compound sa Quezon City kanina na sinaksihan nina Sen. Bam Aquino, CSC Chair Francis Duque, Investment Ombudsman Melchor Carandang, at COO Donald Dee ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Kasama rin sa kampanya ang Department of Trade and Industry, Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, National Competitiveness Council at bantay.ph.

Ayon kay Sen. Aquino, na siya ring chairman ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, panahon na upang wakasan ang katiwalian sa pamahalaan dahil itinataboy nito ang maliliit na negosyo at pinipigilan ang paglaki ng iba pang negosyo.

“Bawat hakbang po, iba-iba ang posibleng penalty. It could be administrative so CSC, criminal, kaya nandyan po ang DOJ. We are hoping na isa po itong paraan na maramdaman ng ating mga mamamayan na mayroon silang kasangga o katulong pagdating sa laban sa korupsyon sa ating bayan”, paliwanag ng senador.

Ang Contact Center ng Bayan o CCB ay isang lugar kung saan pwedeng magreklamo tungkol sa kotong, red tape, tongpats at mga under the table na negosasyon sa pamamagitan ng text, email at pagtawag sa telepono.

Sa ating mga kababayang nagnanais na mag-reklamo sa mas mabilis at epektibong paraan, maaari lamang itext o tawagan ang WASAK hotline numbers na 16565 at 0908-881-6565.

Maliban sa pagtugon sa mga reklamo, magbibigay payo rin ang WASAK hotline sa maliliit na negosyante  tungkol sa pagpapalaki ng negosyo, marketing, product development at financial management. (Bianca Dava, UNTV News)

Hiling na isailalim sa ECQ ang 3 lugar sa Bicol, pinag-aaralan na – DILG

Robie de Guzman   •   June 16, 2021

Pumalo sa 2,349 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol Region sa huling dalawang linggo batay sa ulat ng Department of Health (DOH).

Batay sa tala ng DOH mula Hunyo 15, nangunguna sa may pinakamaraming kaso sa rehiyon ang mga lalawigan ng Albay (696), Camarines Sur (584), Sorsogon (341), Naga City (297), at Masbate (223).

Sa kasalukuyan, tanging ang Naga City ang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang June 30, 2021.

Samantalang ang malaking bahagi ng Bicol Region ay nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), ang pinakamaluwag na quarantine restriction.

Bunsod nito, hiniling ng Bicol Region medical groups sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na mapasailalim sa pinakamahigpit na community quarantine ang mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, at Sorsogon pati na ang mga lungsod ng Legazpi, Naga, at Sorsogon.

Anila, nakababahala ang pagtaas ng kaso na iniuugnay sa local transmission bunsod ng maluwag na pagpapatupad ng minimum health standards, hindi pagsunod ng local officials sa Inter-Agency Task Force regulations, mabagal, inaccessible at di sapat na testing at poor contact tracing efforts at iba.

Ayon naman kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, pinag-aaralan na ng DILG ang apela ng mga medical frontliner.

“For Bicol, its under study. We are meeting with DOH this afternoon to hear their recommendations,” ani Malaya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

TAGS   , , ,

600 establishments await Safety Seal Certificate — DTI

Marje Pelayo   •   June 11, 2021

MANILA, Philippines — The Department of Trade and Industry (DTI) said there are still some 600 business establishments awaiting issuance of a Safety Seal certificate to be able to resume operations amid the COVID-19 pandemic.

“Over 150 establishments have been approved (for safety seal certificate), and there are 600 pending for inspection. The process is ongoing as we speak,” DTI Secretary Ramon Lopez said Friday (June 11) during the regular Laging Handa briefing.

Establishments deemed compliant with the minimum health standards for the prevention of COVID-19, are given a Safety Seal certificate.

“Kailangan magpa-safety seal sila para lang masigurado that they are complying with the minimum health protocols. Especially kung indoors, very important kasi ngayon iyong ventilation,” Lopez said.

The official said among establishments that the DTI inspected, around 105 have been denied the safety seal.

“Pero hindi naman ibig sabihin na forever na hindi sila makakakuha. Pinapa-comply lang sila sa minimum health standards,” Lopez said.

Under the Joint Memorandum Circular 21-01 Series 2021 signed by the DTI, Department of Labor and Employment, Department of Health, Department of the Interior and Local Government , and the Department of Tourism (DOT), a Safety Seal shall apply to selected public places and government offices as well as private business establishments.

It shall be displayed on strategic spots at the entrance of establishments.

Establishments that are covered by DTI are supermarkets, groceries, membership shopping and convenience stores, construction supply or hardware stores, barbershops and salons, and service shops.

 

DILG calls on CPP-NPA to turn over members responsible for Masbate mine blast

Aileen Cerrudo   •   June 9, 2021

MANILA, Philippines—The Department of the Interior and Local Government (DILG) has called on the Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) to turn over members involved in the Masbate mine blast.

After the CPP-NPA took responsibility for the incident, DILG Secretary Eduardo Año said the group should be held accountable for the death of football player Kieth Absalon and his cousin Novlen Absalon.

“Now that the CPP-NPA has accepted full responsibility for the senseless murder, it now becomes their duty to turn over the terrorists responsible for the deaths so that justice maybe served to their families and loved ones,” he said in a statement. Año also assured the safety of the suspects while undergoing trial.

“The ends of justice require that those responsible must be held accountable for their crimes against the people under the laws of the Republic of the Philippines,” he said.

The Philippine National Police (PNP) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) are prepared to file criminal charges against the CPP-NPA members involved in the incident. AAC (with reports from Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.