Ilang community pantry organizer, tutol sa ginagawang pagbabantay ng mga pulis

Robie de Guzman   •   May 12, 2021   •   335

MANILA, Philippines – Umaabot na sa mahigit 6,000 ang bilang ng mga community pantry na nagbukas sa iba’t ibang panig ng bansa batay sa huling tala ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Bawat araw ay daan-daan ang pumipila sa mga community pantry upang makakuha ng supply ng pagkain sa gitna na rin ng pandemiya.

Upang matiyak na naipatutupad ng maayos ang health protocols at maiwasan ang posibleng hawaan ng COVID-19, nagsasagawa ng patrolya sa mga community pantry ang mga tauhan ng pambansang pulisya.

Ngunit ayon sa ilang organizer, hindi na kailangan ang presensiya ng mga pulis dahil tumutulong naman ang mga opisyal ng barangay sa pagpapanatili ng kaayusan.

Ayon kay Jerome Adonis, ang secretary-general ng Kilusang Mayo Uno, hindi sila sang-ayon sa ginagawang pagbabantay ng mga pulis lalo’t una nang napaulat ang umano’y ginagawang profiling sa mga organizer ng community pantry

“Hindi kami agree duon, kasi unang-una napaka dungis na ng imahe ng Philippine National Police sa ating mga kababayan lalo na dito sa pantry dahil nabuko na yung kanilang maiitim na balakin nung nakaraan na iprofile yung mga kababayan natin,” ang wika ni Adonis.

“Kasi kaya naman syang i-handle ng barangay, hindi kailangan ang pulis,” dagdag pa niya.

Kung ang mga pumipila naman sa community pantry ang tatanungin, mas maiging may nakabantay na mga pulis upang masegurong maayos ang pila ng mga tao.

Wala rin umano silang nararamdamang takot kahiit pa mag-ikot ang mga pulis sa lugar.

“Mas maganda nga po yung may pulis kasi naaayos po yung mga pila kasi po ang karamihan dito mga pasaway po yung iba,” ani Jane Estrera na isa sa mga benepisyaryo ng community pantry.

“Okay lang, kasi nababantayan ng maayos yung mga pila tapos nakikita kung talagang susunod sa protocol ng gobyerno para maiwasan din namagkahawa-hawa sa virus,” ang wika naman ng isa pang pumipila sa community pantry na si Mhaby Galima.
Paglilinaw naman ng Manila Police District (MPD), hindi permanente ang ginagawang nilang pagbabantay sa ma community pantry dahil may kani-kaniyang ring assigned areas ang mga pulis.

Ayon kay MPD director Police Brigadier General Leo Francisco, nagpapadala lamang sila ng mga tauhan sa isang community pantry kung kinakailangan o kaya ay hiniling ng mga organizer.

“Unless na hindi humihingi sa amin yung community pantry na talagang duon sila, hindi kami required na ganun pero we are required to patrol and see them kung sila ay orderly, kung yung minimum health protocol ay naipatutupad sa community pantry na yun,” ani Francisco.

Una nang idinipensa ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang ginagawang pag-iikot ng mga pulis sa community pantries at iginiit na bahagi ng tungkulin ng pulisya ang magbantay sa publiko at magbigay ng ayuda kung kinakailangan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nuñez)

 

PNP Academy chief relieved from post over alleged hazing death of cadet

Robie de Guzman   •   September 27, 2021

MANILA, Philippines – The chief of the Philippine National Police Academy (PNPA) has been ordered relieved from post following an alleged hazing incident that led to the death of a cadet.

PNP chief Police General Guillermo Eleazar said he has approved the designation of Police Major General Alex Sampaga as the new PNPA director.

Sampaga will replace Police Major General Rhoderick Armamento, who will take over his current position at the PNP Directorate for Information and Communication Technology at Camp Crame.

Sampaga’s new designation will take effect on Sept. 29, Eleazar said.

“As a PNPA alumnus himself, I expect PMGen Sampaga to bring in innovative ideas and fresh perspective that would effectively implement the necessary adjustments in further improving the institution for each cadet to live up to its core values of justice, integrity, and service,” he said.

This development follows the death of Cadet Third Class Karl Magsayo last Thursday after he was allegedly punched several times by his upperclassman, Cadet Second Class Steve Caesar Maingat following an altercation.

Magsayo lost consciousness and was rushed to a hospital but was declared dead on arrival.

Eleazar said a criminal case will be filed against Maingat in connection with Magsayo’s demise.

“This is separate from the administrative cases that would be filed against him which I assure to be the grounds for his dismissal from the Academy,” he said.

“Let this serve as a stern warning to all the PNPA cadets that the PNP leadership will never tolerate this misbehavior and serious breach of discipline and moral values,” he added.

Intel officer shot dead in Albay

Robie de Guzman   •   September 27, 2021

A police officer assigned as an intelligence warrant officer of the Guinobatan Municipal Police Station was killed by still unidentified gunmen, the Philippine National Police (PNP) said Monday.

PNP chief Police General Guillermo Eleazar said the police officer, identified as Police Staff Sergeant Allan Madelar, was gunned down in Barangay Peñafrancia where he attended a birthday party on Saturday night.

Eleazar said he has ordered the Police Regional Police Office 5 to immediately resolve Madelar’s killing.

“Inatasan ko na ang RD, PRO5, PBGen Jonnel Estomo na resolbahin kaagad ang kaso ng pagpaslang sa isa naming kasamahan sa Albay na si PSSgt Allan Madelar,” he said in a statement.

“Kasama dito ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang motibo na magiging susi sa pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod nito,” he added.

Eleazar appealed to those who witnessed the incident to come forward and help authorities in shedding light on the incident.

The PNP chief also expressed his condolences to the family of Madelar as he vowed that all necessary assistance would be provided to Madelar’s bereaved family.

“Nais ko iparating sa mga kaanak ni PSSgt Madelar ang pakikiramay ng buong PNP at tinitiyak ko sa kanila na hindi titigil ang kapulisan hangga’t hindi nadarakip at nasasampahan ng kaso ang mga salarin,” Eleazar said.

PNP chief orders cops to ensure orderly voter’s registration as deadline nears

Robie de Guzman   •   September 24, 2021

MANILA, Philippines – Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar on Friday directed police personnel to ensure the implementation of peace and order, and public health protocols in various sites as the deadline for the voter’s registration nears.

Eleazar issued the directive following reports of crowding and long lines in registration sites with only one week left before the registration closes.

He said police commanders should deploy enough number of personnel in various COMELEC registration sites to ensure the peaceful conduct of registration amid the threat of COVID-19.

Local police offices and units should also coordinate with local government units for the assistance they could provide once deployed in various registration sites.

The voter’s registration for the 2022 national and local elections is set to end on Sept. 30.

There have been calls and bills filed before the Congress to extend it until October, but the Comelec has yet to decide on the matter.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.