Ilang PUV driver, nangangamba sa posibilidad na mahawa ng COVID-19 kapag muling pumasada

Robie de Guzman   •   May 12, 2020   •   243

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pangamba ang ilang public utility vehicle (PUV) drivers sa posibilidad na mahawa ng novel coronavirus disease (COVID-19) kapag muli nang pinayagan ang operasyon ng public transport sa Metro Manila.

Ang taxi driver na si Leo Mendoza, aminadong natatakot siyang madapuan ng coronavirus lalo’t airconditioned ang kanyang minamanehong sasakyan.

“Hindi makalabas ang ano ng tao dahil ang air-con paikot-ikot lang sa loob. Kulob ‘yon eh. Mas okay pa siguro kung walang air-con kasi y’ong hangin nakakalabas,” ani Mendoza.

Si Menandro Basillo, isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver, sinabing dapat nakasuot ng face mask ang mga pasahero kahit nasa loob ng sasakyan bilang proteksyon.

“Mandatory required po namin sa mga pasahero, dapat po naka-mask. ‘Pag hindi po sila naka-mask, automatically po, hindi po namin pasasakayin,” ani Basillo.

Una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maaari nang pumasada ang mga taxi at TNVS sa May 16 basta susunod sa inilatag na “new normal” guidelines.

Nakasaad na guidelines ang “no mask, no ride” policy na ang ibig sabihin ay obligadong magsuot ng face mask ang mga driver, at konduktor at pati na ang mga pasahero.

Limitado lang din ang bilang ng mga pasahero na maaaring pasakayin at dapat ay may nakalagay na barriers sa mga upuan upang matiyak na nasusunod ang physical distancing protocols.

Para sa mga taxi at UV express, tatlong pasahero ang maaaring isakay – isa sa tabi ng driver at dalawa sa likod; sa mga bus at jeep, kalahati lang ng kabuuang kapasidad ng sasakyan ang papayagang isakay habang ang isnag pasahero lang at bawal ang angkas sa mga traysikel.

Hangga’t maaari ay magpatupad rin sila ng sistema upang maiwasan ang pagkakaroon ng anumang physical contact sa mga pasahero kapag naniningil ng pamasahe.

Obligado rin ang PUV drivers na palagiang i-disinfect ang kanilang mga sasakyan.

Una nang nilinaw ng LTFRB na hindi lahat ng mga pampublikong sasakyan at ruta ang papayagang magbalik-operasyon dahil hindi naman lahat ng mga negosyo at empleyado ang papayagang bumalik sa trabaho sa gitna ng COVID-19 quarantine.

Samantala, tiniyak naman ng ride-hailing company na Grab na handa na silang mag-serbisyo sa kanilang mga pasahero.

Ayon sa Grab, magbibigay sila ng face masks sa kanilang partner-drivers at bawat sasakyan ay may nakalagay nang plastic barriers at surface disinfectant.

Sa kabila naman ng safety measures na ito, may ilang PUV driver na mas pipiliin pa ring huwag munang pumasada hangga’t umiiral ang community quarantine sa Metro Manila. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan, Jr.)

ALAMIN: Health protocols para sa barbershops at salons na magbubukas simula June 7

Robie de Guzman   •   May 30, 2020

MANILA, Philippines – Papayagan na ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng mga salon at barbershops sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) simula sa June 7.

Sa bisa ng Inter-Agency Task Force against COVID-19 Resolution No. 41, 30% capacity ng mga salon at barbershop ang papayagang mag-operate at madagdagan ito ng hanggang 50% pagkatapos pa ng dalawang linggo.

Ang mga salon at barbershop naman sa mga lugar na nasa modified general community quarantine, 50% na ng kabuuang operational capacity ang pinapayagan at magiging 100% ito pagkatapos pa ng tatlong linggo.

Ngunit paglilinaw ng Malacañang, limitado lamang sa paggugupit ang operasyon ng mga barberya at salon at bawal pang ialok ang ibang serbisyo.

“Wala pa ring facial, wala pa rin sa kuko, wala pa ring pagtatanggal ng mga eyebrows hanggang gupit lang tayo,” ang sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Bilang gabay naman sa mga magbubukas na barberya at salon, inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang sumusunod na panuntunan para maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus disease:

  • Istriktong pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng social distancing measures.
  • Kailangang maglaan ng 10 minutong interval sa bawat customer para bigyang-daan ang paglilinis o sanitation ng mga ginamit na kasangkapan at pasilidad.
  • Pinagagamit rin ang barbershops at salon ng alternatibong paraan ng appointment gaya ng online at text messaging upang maiwasan ang walk-in.
  • Kailangan ding may nakalagay na mga marker sa loob ng shop na indikasyon kung saan lang maaaring pumuwesto ang mga customer.
  • Hindi rin hinihikayat ang pagdadala ng kasama liban na lamang kung kinakailangan.
  • Dapat nakasuot ang mga tauhan ng shop ng personal protective equipment gaya ng face mask, face shield, salamin sa mata, gloves at hair caps.
  • Kailangang naka-sapatos at laging maghuhugas ng kamay ang mga empleyado.
  • Ipinagbabawal ang pagkakaroon ng physical contact sa pagbabayad, at sa halip ay gagamit ng maliit na tray sa pagtanggap ng pera.

Bago pumasok sa shop ang customer, narito ang mga dapat gawin:

  • Dumaan sa foot bath o floor mat na may disinfectant.
  • Kailangan kunan ng temperatura at lagyan ng alcohol ang mga kamay ng customer.
  • Sagutan ng kliyente ang health checklis na ibibigay ng shop.
  • Ang mga dalang gamit ng mga kliyente ay dapat i-disinfect at ilagay sa sanitary plastic bags.

Pinaalalahanan rin ang mga customer na bawal magsuot ng alahas gaya ng singsing, bracelets, relo at hikaw.

Ayon sa DTI, dapat naka-paskil sa loob ng shop ang mga guidelines na ito.

“It’s for the safety of their workers, ‘yung mga nagtatrabaho doon sa salon at yung mga customers nila itong ginagawa natin protocol,” ani DTI Undersecretary Ruth Castelo.

Ayon sa DTI, mahigit sa 400-libong manggagawa ang matutulungan sa pagbubukas ng nasa 45-libong malalaki at maliliit na barbership at salon.

Paalala naman ng ahensiya, maaaring muling ipasara ang mga nasabing establisimyento kung lalabag sa mga inilatag na health at safety protocols. – RRD (mula sa ulat nina Correspondent Rosalie Coz at Rey Pelayo)

TNVS gears up as operations resume on June 1

Aileen Cerrudo   •   May 30, 2020

The Transport Network Vehicle Service (TNVS) industry is already preparing for the resumption of operations on June 1 when Metro Manila finally shifts to General Community Quarantine (GCQ).

TNVS driver Noel Guimbaolibot has added plastic covers and disinfectant solutions in his car as part of the minimum health standards for public transportation.

Noel is looking forward to the resumption of operations since he hasn’t been able to earn for over three months because of the coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

He said he has to brave the risk of getting infected in order to earn for his loved ones.

“Sa ngayon, hindi pa naman nawawala iyong COVID-19. Ang pinakamaganda talaga ay lagi lang maging maingat. Magsuot ng face mask every time, mag-spray ng alcohol, (COVID-19 is not going away just yet. It would be best to always be careful. Wear a face mask and spray alcohol),” he said.

Grab PH will be implementing new protocols for their partner-drivers in accordance with the directives of the Department of Transportation (DOTr).

Before being allowed to operate, Grab PH’s partner-drivers will have to answer a checklist to determine if they are fit enough to operate. They will also undergo training to make sure they are following health protocols.

Cashless system will also be encouraged to avoid direct contact. Drivers will also be allowed to cancel their booking if the passenger is not wearing a face mask. Likewise, passengers may also cancel their booking if the driver is not wearing a face mask.

Grab PH president, Brian Cu assures that they will not implement any fare hike as operations resume. However, they will appeal to the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) for a five-peso fare increase by next month.

“The disinfection kits and disinfection measures are an added cost for them, to the drivers, so we made a proposal to the LTFRB to raise the per trip cost by a fixed amount to help cover these items,” he said.

Meanwhile, TNVS drivers are not required to undergo COVID-19 testing before resumption of operations unless they are experiencing COVID-19 like symptoms. Grab PH has test kits prepared for their partner drivers. AAC (with reports from Joan Nano)

Belmonte, nanindigan sa ipinaiiral na ‘no fitting’ at ‘no return, no exchange’ policy sa malls sa Quezon City

Robie de Guzman   •   May 29, 2020

MANILA, Philippines – Nanindigan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga polisiyang ipinatutupad sa ilang mall sa lungsod kasunod ng pagbubukas ng limitadong operasyon ng mga ito sa gitna ng community quarantine.

Kabilang sa mga polisiyang ito ang pagbabawal sa pagsusukat ng mga damit at ang ‘no return, no exchange policy’ o pagsasauli o pagpapapalit ng biniling produkto.

Ayon kay Belmonte, ang mga panuntunang ipinatutupad sa mga shopping mall sa lungsod ay bahagi ng precautionary measure laban sa novel coronavirus disease (COVID-19).

Giit ng alkalde, malaki ang tiyansa na makahawa sa iba kung infected ng virus ang nagsukat ng damit.

“Initiative ng city government ito, kasi alam naman natin na ang clothes store ay bukas na at alam din natin na pwedeng matransmit ang virus sa pamamagitan ng damit and the city government ay nagkusa na no trying of clothes, walang pagsusukat,” ani Belmonte.

Aniya, batid niyang maraming magagalit sa kanyang patakaran ngunit humihingi siya ng pang-unawa sa publiko dahil para din naman ito sa kapakanan ng mga residente sa lungsod.

“Sa tingin ko, dapat maunawaan nila na this is for their own health and welfare and syempre, kung bumili ka na, ang understanding dyan nasukat mo na hindi mo na sana pwedeng ibalik yun, gusto nating protektahan ang kalusugan ng ating mamamayan,” ani Belmonte.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde matapos punahin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga nasabing polisiya sa ilang mall sa Quezon City.

Una nang sinabi ng DTI na labag sa batas ang ‘no return, no exchange’ policy dahil sa ilalim ng Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines, may karapatan ang mga mamimili na isauli ang nabiling produkto lalo na kung ito ay depektibo.

Payo ng ahensiya, magpulong ang mga lokal na pamahalaan, mall operators at ang Department of the Interior and Local Government upang ayusin ang nasabing panuntunan.

Iminungkahi rin ng DTI ang pagkakaroon ng uniformed protocols na ipatutupad sa mga mall upang maiwasan ang kalituhan sa publiko. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.