Ipinatutupad na restrictions sa gitna ng ECQ, dapat mas higpitan pa – OCTA

Robie de Guzman   •   August 17, 2021   •   338

MANILA, Philippines – Naniniwala ang OCTA Research Group na kailangan pang higpitan ang ipinatutupad na panuntunan para sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Ayon kay OCTA fellow, Prof. Guido David, mas maluwag ang pagpapatupad ng ECQ ngayong taon kumpara noong 2020 batay sa kanilang obserbasyon sa mobility o paggalaw ng publiko.

Ito ang nakikita nilang dahilan kung bakit marami pa rin ang kaso ng COVID-19 sa bansa kahit naka-ECQ ang ilang lugar.

“Pwede pa siguro, kung magdecide yung IATF na i-extend, pwede pa siguro nilang higpitan at least kahit yung implementation ng quarantine. May nababalitaan pa rin tayo na nagkakaroon pa rin ng social gatherings. Sana naman magtulungan tayo mga kababayan natin,” ani David.

Batay sa pinakahuling ulat ng OCTA, kasalukuyang nasa 1.55 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.

Nasa 63 porsiyento rin ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ay naitala sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon.

Nasa ilalim ng ECQ ang Metro Manila at ilang kalapit na probinsiya hanggang Agosto 20.

Ayon kay David, hindi pa makikita sa ngayon ang epekto ng ECQ.

“Siyempre inaasahan natin na yung ECQ ay mapapabagal yung hawaan sa NCR. Base sa history naman natin August last year tsaka March 2021, mga apat na linggo, 4 to 5 weeks bago natin makita na magsimula na bumaba yung bilang ng kaso, hindi agad-agad nating makikita ang epekto ng enhanced community quarantine,” ani David.

Batay rin sa monitoring ng OCTA, tumataas rin ang bilang ng mga naoospital na hindi pa bakunado kontra COVID-19 gayundin ang mga bata na tinatamaan ng nakakahawang sakit.

Sa pagtaya ng grupo, posibleng tumaas pa ng higit sa 70 porsiyent ang ICU at hospital utilization rate sa mga susunod na linggo dahil sa bilis ng hawaan ng COVID-19. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nunez)

Phl logs lowest new COVID-19 cases since July 2020 at 665

Maris Federez   •   November 30, 2021

MANILA, Philippines — The Department of Health (DOH) recorded 665 new coronavirus disease (COVID-19) cases Monday (November 29), the lowest single-day count since July 2020.

This brings the country’s tally since the onset of the pandemic to 2,832,375.

Meanwhile, active infections continued to dip to 16,289.

Of these cases, 48.1 percent are mild, 23.82 percent are moderate, 15.6 percent are severe, 6.6 percent are in critical condition and 6.0 percent have no symptoms.

Meanwhile, total recoveries rose to 2,767,585 after 993 more patients recuperated from the disease.

On the other hand, COVID-related deaths climbed to 48,501 with 141 new fatalities.

The DOH noted in its report that all accredited testing laboratories in the country were operational on November 27 but five laboratories failed to submit data on time.

Meanwhile, the Johns Hopkins University reported that the overall global COVID-19 caseload has reached 261,519,267; while the deaths have surged to 5,199,920.

The US, the report said, is the worst-hit country with the world`s highest number of cases and deaths at 48,229,273 and 776,639, respectively.

 

NCR to remain under COVID-19 Alert Level 2 until Dec. 15

Maris Federez   •   November 29, 2021

MANILA, Philippines — The Inter-Agency Task Force (IATF) approved on Monday (November 29) the recommendation to still place the National Capital Region under COVID-19 Alert Level 2.

In an advisory released Monday night, acting presidential spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles said that the following areas have also been placed under Alert Level 2:

  • Cordillera Administrative Region: Benguet, Abra, Kalinga, Baguio City, Mountain Province, and Ifugao;
  • Region I: Dagupan City, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, and Pangasinan;
  • Region II: Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, and City of Santiago;
  • Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Zambales, and Tarlac;
  • Region IV-A: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, and Lucena City;
  • Region IV-B: Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa City, Marinduque, Romblon, and Palawan;
  • Region V: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, and Naga City;
  • Region VI: Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo, Iloilo City, and Negros Occidental;
  • Region VII: Bohol, Cebu, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Negros Oriental, and Siquijor;
  • Region VIII: Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Ormoc City, Southern Leyte, Tacloban City, and Western Samar;
  • Region IX: City of Isabela, Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, and Zamboanga Sibugay;
  • Region X: Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin, Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Occidental, and Misamis Oriental;
  • Region XI: Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao Occidental, and Davao Oriental;
  • Region XII: General Santos City, North Cotabato, Sarangani, South Cotabato, and Sultan Kudarat;
  • Region XIII (Caraga) Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Dinagat Islands, and Agusan del Norte; and
  • The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Sulu, Lanao del Sur, and Maguindanao.

The province of Apayao, however, shall be placed under Alert Level 3.

Nograles added that the said Alert Level shall be effective from December 1 to 15, 2021.

Border checkpoints, muling ipatutupad sakaling itaas ang alert level sa Metro Manila – PNP

Robie de Guzman   •   November 29, 2021

MANILA, Philippines – Handa ang Philippine National Police (PNP) na muling ipatupad ang border checkpoints sakaling itaas ang alert level sa Metro Manila kasunod ng banta ng Omicrcon COVID-19 variant.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, ilalagay ang checkpoins papasok at palabas ng Metro Manila upang malimitahan ang galaw ng publiko at mapigilan ang posibleng pagkalat ng bagong variant.

“As long as it will be of help maprevent natin ang variant natin ito, Kasama po kami ng buong gobyerno para pangalagaan po ang ating mamamayan para hindi na kumalat itong ating hindi nakikitang kalaban na COVID-19 virus,” ani Carlos.

Handa rin aniya ang PNP na muling ipatupad ang paggamit ng face shield kung ipag-uutos ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

“We will always abide with the IATF kung yan ay makatutulong para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus, we will leave it up to the experts. Kaya nga po palagi kaming nagbabantay sa lumalabas na resolusyon ng IATF at nandyan naman po yan e, ang aming mga face shield ay inilagay lang muna namin sa tabi pero andyan pa din po anytime,” ani Carlos.

Sa kasalukuyan ay nasa Alert Level 2 ang Metro Manila sa gitna na rin ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 infections.

Tiniyak rin ng PNP na paiigtingin ng Aviation Security Group sa pagbabantay sa mga paliparan sa bansa sakaling muling ipagbawal ang pagbiyahe ng mga eroplano sa iba’t ibang lugar.

Pina-alalahanan rin ni Carlos ang mga pulis na mag-doble ingat upang huwag mahawa ng viral respiratory disease. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.