Listahan ng PUJ drivers at operators na makakakuha ng fuel subsidy, isinasapinal na – LTFRB

Robie de Guzman   •   November 10, 2021   •   354

MANILA, Philippines – Isinasapinal na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang listahan ng public utility jeepney (PUJ) drivers at operators na kwalipikado sa fuel subsidy program ng pamahalaan.

Ayon kay LTFRB Technical Division Head Joel Bolano, nasa 136,000 ang bilang ng mga benepisyaryo ng programa batay sa inilathala ng Department of Transportation (DOTr)

Ngunit paglilinaw ng opisyal, maaari pang mabago ang listahan ng mga benepisyaryo dahil kasama pa sa naturang bilang ang mga dati nang nakakuha ng bank account card sa ilalim ng pantawid pasada program noong 2018 at 2019.

Ayon kay Bolano, posibleng hindi na aktibo ang ilan sa mga benepisyaryo kaya kailangan pa munang ayusin ang listahan at isama ang ibang tsuper at operator na hindi nakakuha noon ng bank card pati na ang mga bagong operator.

“So, from the 136 (thousand) na iyon, baka yung iba inactive na. So, fina-finalize lang kaya mag-a-adjust talaga iyon. So, may effect iyon doon sa individual na amount,” ang pahayag ng opisyal.

Muli namang paalala ng LTFRB sa PUJ drivers at operators na gagamitin lang ang fuel subsidy para sa pamamasada alinsunod sa nilagdaan nilang kasunduan.

Ibibigay ang card sa mga tsuper upang magamit sa mga gasolinahan kapag kakargahan ng krudo sa kanilang operasyon.

Maaari din namang ang operator ang magpa-gas upang matiyak na walang gagastusin ang driver sa pagkakarga ng krudo.

Babala ng LTFRB, maaaring patawan ng parusa ang mga operator sakaling may paglabag sa programa.

Sa ngayon, patuloy na naghahanda ang LTFRB para sa pagpapatupad ng programa.

“Hopefully, mai-start na natin within this November mairo-rollout na natin iyan kasi ang pagkakaalam ko papasok na yung fund galing sa DBM to DOTr itong week na ito,” ani Bolano.

Ayon sa LTFRB, malalaman sa mga susunod na araw ang halaga ng subsidiyang makukuha ng mga tsuper kapag naisapinal na ang listahan ng mga benepisyaryo. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

‘No vax, no ride’ policy, sinimulan nang ipatupad sa MRT-3

Robie de Guzman   •   January 17, 2022

MANILA, Philippines – Sinimulan nang ipatupad ngayong Lunes, Enero 17, ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) ang ‘no vaccination, no ride’ policy para sa mga pasahero nito.

Ang polisiya ay sang-ayon sa kautusang inilabas ng Department of Transportation (DOTr) na naglalayong protektahan ang kalusugan ng mga pasahero sa gitna ng lumulobong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Una nang sinabi ng DOTr na ipinatutupad nito ang polisiya batay na rin sa pag-aaral na mas mapanganib ang COVID-19 para sa mga hindi pa bakunado laban sa nasabing sakit. Batay rin anila ito sa nilagdaang resolusyon ng Metro Manila Council na naglilimita sa paggalaw ng mga hindi pa bakunado.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Engineer Michael Capati, nasa 11 pasahero na ang hindi pinayagang makasakay sa mga tren matapos mabigong makapagpakita ng patunay na sila ay fully vaccinated na.

Sa ilalim ng polisiya, tanging mga pasaherong fully vaccinated o nakakumpleto ng primacy vaccine series ang maaaring makasakay ng tren, matapos makapagprisinta ng kanilang vaccination card at isang valid o government-issued ID sa security marshal sa istasyon.

Hindi kasama sa ‘no vaccination, no ride’ policy ang mga sumusunod:

  • may medical condition kung kaya’t hindi makapagpabakuna
  • mga pasaherong kukuha o maghahatid ng essential goods tula ng pagkain, gamot, tubjg, medical and dental necessities, public utilities, at iba pa
  • mga pasaherong nakai-schedule magpabakuna. Kinakailangang magpakita ng nararapat na dokumentasyon o patunay ng pasahero sa security marshal

Ang ‘no vaccination, no ride’ policy ay iiral habang nasa COVID-19 Alert Level 3 o mas mataas pa ang Metro Manila.

Samantala, nagpaalala naman ang DOTr sa mga pasahero nito na mahigpit pa ring ipinatutupad sa buong linya ng tren ang health and safety protocols, gaya ng pagbabawal kumain, uminom, makipag-usap sa telepono, at magsalita sa loob ng mga tren.

Mahigpit ding ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask samantalang boluntaryo ang pagsusuot ng face shield.

Tuloy rin ang isinasagawang libre at boluntaryong COVID-19 antigen testing sa mga pasahero na magtatapos sa Enero 31.

 

‘No vax, no ride’ policy ipatutupad sa MRT-3 simula Enero 17

Robie de Guzman   •   January 14, 2022

Simula Lunes, Enero 17, ay ipatutupad na ng pamunuan ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) ang “no vaccination, no ride” policy.

Ibig sabihin, tanging mga pasaherong fully vaccinated kontra COVID-19 ang pahihintulutang makasakay ng tren, matapos makapagprisinta ng kanilang vaccination card at isang valid o government-issued ID sa security marshal sa istasyon.

“Masasabing fully vaccinated ang isang pasahero laban sa COVID-19 dalawang linggo matapos niyang tumanggap ng kanyang ikalawang dose ng bakuna para sa 2-dose vaccine, o isang dose kung single-dose vaccine,” ayon sa MRT-3.

Ito ay sang-ayon sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na may layuning protektahan ang kalusugan ng mga pasahero ng tren.

Ayon sa MRT-3, hindi kasama sa “no vaccination, no ride” policy ang mga sumusunod:

• Mga pasaherong may medical condition kung kaya’t hindi makapagpabakuna. Kailangang magpakita ng duly-signed medical certicate na may ngalan at detalye ng doktor sa security marshal.
• Mga taong kukuha o bibili ng essential goods tula ng pagkain, gamot, tubig, medical and dental necessities, public utilities, at iba pa. Kailangang magpakita ng nararapat na dokumentasyon o patunay sa security marshal.

Paalala ng MRT-3, mahigpit pa ring ipinatutupad ang COVID-19 health and safety protocols sa buong linya, gaya ng pagbabawal kumain, uminom, makipag-usap sa telepono, at magsalita sa loob ng mga tren.

Mahigpit ding ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask samantalang boluntaryo ang pagsusuot ng face shield.

Ang no vaccination, no ride/no entry sa MRT-3 ay epektibo hangga’t nasa Alert Level 3 pataas ang COVID-19 alert level status ng Metro Manila.

DOTr to enforce ‘no vax, no ride’ policy in Metro Manila public transport

Robie de Guzman   •   January 12, 2022

MANILA, Philippines – The Department of Transportation (DOTr) on Wednesday announced it will be implementing a “no vaccination, no ride” policy for public utility vehicles operating in Metro Manila.

In a statement, DOTr Secretary Arthur Tugade said he has issued a department order (DO) enforcing the “no vaccination, no ride” policy while a COVID-19 Alert Level 3 or higher is raised in Metro Manila as to be determined by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging infectious Diseases (IATF-MEID).

“All concerned attached agencies and sectoral offices of DOTr are directed to ensure that operators of public transportation shall allow access or issue tickets only to ‘fully vaccinated persons’ as evidenced by a physical or digital copies of an LGU (local government unit)-issued vaccine card, or any IATF-prescribed document, with a valid government-issued ID with picture and address,” the DOTr department order read.

Tugade said the measure is in line with the order of President Rodrigo Duterte to restrict the movement of people who are not vaccinated against COVID-19 to protect them amid the uptick in cases in the capital region.

Duterte earlier ordered community leaders to monitor persons who are not vaccinated in their respective areas and make sure they remain at their homes. He also warned unvaccinated people they will be arrested if they refuse to comply with the order.

The Metro Manila Council, which is composed of all the mayors of the National Capital Region, has passed a resolution urging the various local government units of Metro Manila to pass their respective ordinances on the enhanced restrictions on the movement of unvaccinated persons.

Tugade said the department order on public transport takes effect immediately after publication in the Official Gazette or in a newspaper of general circulation, and the submission of a copy with the Office of the National Administrative Register, U.P. Law Center.

According to the DO, a person is considered fully vaccinated against COVID-19 two weeks after receiving their second dose in a 2-dose vaccination series, such as with the Pfizer or Moderna brand of vaccines, or two weeks after a single-dose vaccine such as with Johnson & Johnson’s Janssen vaccine.

Exempted from the “no vaccination, no ride” policy are the following:

  • Persons with medical conditions that prevent their full COVID-19 vaccination as shown by a duly-signed medical certificate with the name and contact details of their doctor.
  • Persons who will buy essential goods and services, such as but not limited to food, water, medicine, medical devices, public utilities, energy, work, and medical and dental necessities, as shown by a duly issued barangay health pass or other proof to justify the travel.

Under the Order, violations of the policy are considered violations of applicable general safety and health provisions under any concession or service agreements, authority or permits to operate public transportation, and other similar instruments.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.