Malacañang, nilinaw na walang house-to-house vaccination sa indigents

Marje Pelayo   •   March 16, 2021   •   360

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Malacañang na walang mangyayaring house-to-house vaccination sa mahihirap.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi na nais nito na magkaroon ng mobile COVID-19 vaccination para sa informal settlers.

Sinabi na ni Health Secretary Francisco Duque III na mahirap itong ipatupad dahil mangangailangan ito ng karagdagang manpower.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang naman sa priority list sa bakuna ang mga indigent at isasagawa ang pagbabakuna sa kanila sa accessible vaccination sites sa mga barangay.

“Mayroon pong iba’t ibang mga vaccination enters na itatayo ang mga local na pamahalaan,” pahayag ni Roque.

“At itong mga vaccination centers naman hindi malalayo sa mga lugar o mga tahanan na tinitirhan ng mga informal settlers. Kasi importante rin na mamonitor sila matapos mabakunahan. At kung may adverse effect ang bakuna, may naka-standby na ambulansya. At ang vaccination centers malapit din po sa mga ospital,” dagdag nito. MNP (sa ulat ni Rosalie Coz)

Batas, kailangan bago ipagbawal ang hiring sa hindi bakunado —Malacañang

Aileen Cerrudo   •   October 21, 2021

Bagaman isinusulong ng Malacañang sa kahalagahan ng pagbabakuna ng ating mga kababayan kontra COVID-19, iginiit nito na kinakailangan pa rin ang isang batas bago ipagbawal ang hiring sa trabaho ng mga hindi pa nababakunahan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque Jr. hindi maaaring basta na lamang ipagbawal ang hiring sa trabaho ng mga aplikante na hindi pa bakunado kontra COVID-19.

“Kinakailangan po siguro ng batas kung ipagbabawal ang pagha-hire ng mga non-vaccinated individuals,” aniya.

Isa sa mga suhestyon ng pribadong sektor para mapalawak pa ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination rollout ay ang gawing requirement ang bakuna sa hiring sa trabaho.

Pero para sa labor group na Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), discriminatory ang nasabing panukala at hindi makakabuti sa ekonomiya ng Pilipinas.

Giit ng ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, marami sa mga Pilipino ang hindi pa rin nababakunahan kaya’t hindi maari na bakunado lamang ang papayagan ng pamahalaan na makapag-apply sa trabaho.

“Babagsak ang ating ekonomiya, maraming mga manggagawa at kanilang pamilya maghihirap dahil kulang po ang supply ng bakuna at hindi pa sila nababakunahan,” aniya.

Sa halip na higpitan ang mga mangagawa na hindi pa bakunado, iginiit ng labor group na dapat solusyunan ng pamahalaan ang mas mabilis na access sa bakuna ng ating mga kababayan lalo na ang mga nasa malalayong lugar.

“Dapat ang pagtuunan natin ng pansin ay paano ba mababakunahan at papaano ba mapaparating ang mga bakuna doon sa mga probinsya at liblib na lugar kung saan maraming mangagawa ang naghihintay at nangangailangan ng bakuna,” ayon kay Tanjusay.

Samantala, sa panayam kanina kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre bello III sa isang news program, sinabi nito na may legal na basehan na umano, upang obligahin ng mga employer ang kanilang mga empleyado na magpabakuna sa ilalim ng Alert Level 3.

Gayunman hindi naidetalye ng kalihim kung ano ang binabanggit nitong legal basis sa pagpapabakuna.

Pero nang tanungin sa isang interview si DOLE Usec. Ana Dione, nilinaw nito na wala pang batas na nag-oobliga sa mga mangagawa na magpabakuna laban sa COVID-19.

“Ang requirement na bakunado ang isang empleyado medyo wala po tayong basehan diyan, wala pong basis in law, so ibig sabihin hindi po pupwedeng gawin ng mga kumpanya yan.

“As a basis, yung unvaccinated as basis of termination palagi po nating inuulit, sinabi at uulitin na yan po ay discrimination. If ang termination niya ang sole basis noon ay unvaccinated hindi po, bawal po iyan,” dagdag nito. (Ulat ni JP Nuñez)

6.5 million housing units needed for informal settlers nationwide — DHSUD

Aileen Cerrudo   •   September 9, 2021

MANILA, Philippines — At least 6.5 million housing for informal settlers are needed nationwide, according to the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario reported that the department already accomplished 1.07 million housing which is 89% out of the 1.2 million housing target for 2022.

Del Rosario said they are on track with the mission. However, he lamented that it is still far from the 6.5 million target units.

“Concerning the 6.5 million housing needed nationwide, medyo mababa ito (it is low) because that is only 20% of the total requirement,” he said.

Del Rosario said that from 2017 to 2021, the department’s budget is only ranging from about P4 billion to P5 billion, or only 10% of the recommended budget for their housing projects.

The official also added that the department needs P50 billion in order to address housing challenges in the country.

“Housing is capital intensive. Kailangan natin ng pondo (we need funds). We have been saying that we need P50 billion a year para makapagpagawa tayo and mai-transfer natin ang mga informal settler families to safer grounds (to build and transfer informal setter families to safer grounds),” he said.

Meanwhile, for the construction projects during the pandemic, Del Rosario reported that production decreased by 28% in 2020. However, he said the production this year has been improving. AAC

Manila begins construction of city’s fifth housing projects for informal settlers

Aileen Cerrudo   •   August 30, 2021

MANILA, Philippines — The Manila City government has begun construction of the 20-storey Pedro Gil Residences.

The local government broke ground on Monday (August 30) the city’s fifth housing project for informal settlers and renters.

Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso led the groundbreaking ceremony of the Pedro Gil Residences located in San Andres Bukid.

The Pedro Gil Residences will have 125 parking slots, a health center, five elevators for residential units, swimming pool, activity lawn, function room, fitness center, roof garden on the 6th-floor roof deck, five units of rentable space, outdoor activity area at 7th, 13th, and 18th floors, and a roof deck basketball court.

Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso said that the construction of the said housing project aims to uplift the status of the informal settlers in the nation’s capital.

“We will not stop. We will put a roof over people’s heads. Bibigyan natin ng kapanatagan sa pamumuhay ang mga taong habangbuhay na lang nangungupahan. We will give them homes,” he said.

Domagoso was joined by Manila City Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, City Engr. Armand Andres, City Arch. Ely Balmoris, and City Health Officer Arnold Pangan during the groundbreaking ceremony.

Meanwhile, the Manila City government targets to complete the construction of Tondomnium 1 and 2, as well as Binondominium, within the year. AAC

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.