Malakanyang, nanawagan sa meat vendors na ‘wag ituloy ang ‘pork holiday’

Robie de Guzman   •   February 8, 2021   •   423

MANILA, Philippines – Hinimok ng Malakanyang ang meat vendors na huwag nang ituloy ang ‘pork holiday’ at bumalik na sa pagtitinda sa mga pamilihan.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang apela kasunod ng mga ulat na maraming meat stall sa mga pamilihan sa Metro Manila ang hindi nagbukas ngayong Lunes bilang pagtutol sa ipinataw na price ceiling ng pamahalaan sa kanilang mga produkto.

Una nang sinabi ng ilang meat vendors na mas pipiliin nilang huwag na munang magtinda hangga’t walang murang supply ng karne.

Ngayong Lunes ang umpisa ng pagpapatupad ng Executive Order No. 124 na nagtatakda ng price cap na P270 sa kada kilo ng kasim at pigue, P300 sa kada kilo ng liempo at P160 sa bawat kilo ng manok Kalakhang Maynila sa loob ng 60 araw.

Ipinatupad ang price cap bilang tugon sa tumataas na presyo ng karne ng baboy at manok dahil sa kakulangan sa supply bunsod ng epekto ng African Swine Fever (ASF) outbreak.

Ayon kay Roque, gumagawa na ng paraan ang pamahalaan upang masolusyunan ang problema sa supply at mapataas ang presyuhan sa mga pamilihan.

“Gumawa naman po ng hakbang ang gobyerno, pinadami po natin ang supply, at patunay po diyan yung 10,000 heads of pork every week na manggagaling sa South Cotabato alone. Mayroon pa pong inaayos na ibang source of supply ang ating Department of Agriculture,” ang pahayag ni Roque.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture na pansamantala lamang ang price cap at may nakalatag na silang mga programa gaya ng repopulation ng mga baboy sa mga lugar na hindi tinamaan ng ASF outbreak.

May kinausap na rin umano silang hog raisers mula sa Visayas at Mindanao para magsupply ng karne sa Metro Manila. – RRD (may detalye mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

Meat dealers want ‘nationwide price ceiling’ on pork

Marje Pelayo   •   April 9, 2021

MANILA, Philippines — Meat dealers are urging the government to re-impose a price ceiling on pork, this time one that will cover the entire country, not just the National Capital Region (NCR).

The price ceiling imposed by the Department of Agriculture (DA) in Metro Manila lapsed on Thursday (April 8).

The price of pork spiked since late last year due to the outbreak of African Swine Fever (ASF) prompting the DA to implement a price ceiling of P270 to P350 pesos per kilogram of pork.

But now that the price ceiling has lapsed and there is no suggested retail price (SRP) on pork, prices are expected to shoot up to as high as P400 per kilogram.

Thus, the Manila Meat Dealers Association appeals to the DA to impose another price ceiling, if not in the entire country, at least in Luzon.

“Iyan lang po talaga ang nakikita naming paraan, magkaroon ng panibagong price ceiling sa buong bansa na o buong Luzon kasi nandito naman ang sentro ng ASF sa buong Luzon,” said Meat Dealers’ president Ricardo Chan.

“Kasi pumalpak ang price ceiling nila (dahil) NCR lang. Ngayon kung ipatutupad iyan sa kabuoan ng bansa eh siguradong bababa ang presyo ng baboy,” he added.

The group said that though there is enough supply of pork in local markets at present, manipulation in prices remains evident.

“Halos lahat ng palengke makikita mo naman bukas. Sa madalit sabi may baboy, nagsasamantala lang talaga itong mga hog raiser,” he said.

“Magtataka ka eh diba? Bakit ang daming baboy halos lahat ng palengke may baboy pero noong magkaroon ng price ceiling eh nawala yung baboy. Anu yun, nagtago? Ibig sabihin yung mga hog raiser ang nagko-control,” he said.

Chan added that they are in favor of having another price ceiling for both local and imported pork to ease the burden from consumers.

Also, imposing such a limit will help local hog raisers compete with imported pork, he stated.

Malacañang expressed alarm over slay of Calbayog City mayor

Marje Pelayo   •   March 9, 2021

MANILA, Philippines — Malacañang expressed alarm over the killing of Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.

The Palace suspects the incident is related to the upcoming 2022 elections.

Following the incident, the Department of Justice (DOJ) directed the National Bureau of Investigation (NBI) to conduct a separate investigation on the incident.

“Kinokondena po natin iyan dahil, ang karapatang mabuhay po ay pinaka-importanteng karapatan, at nanunumbalik po kami at naalarma dahil po mayor po ang pinatay,” said Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Baka po ito ay simula na naman ng patayan dahil sa pulitika sa panahong papalapit na ang eleksyon,” he added.

Price ceiling on pork, chicken stays until EO 124 lapses on April 8 — DA

Marje Pelayo   •   March 8, 2021

MANILA, Philippines — The price ceiling on pork and chicken stays, Agriculture Secretary William Dar announced Monday (March 8).

“We will maintain it in the remaining days until April 8, as prescribed under E0 124,” the DA chief added.

Dar said the price ceiling has undeniably contributed to taming the price surge of said two main food items, benefiting millions of Filipino consumers.

“Lifting it will undeniably result in dramatic rise in prices of pork and chicken, given that the  African Swine Fever (ASF) crisis is still raging and thus continues to impact on local production of hogs nationwide,” he stressed.

“That is why we need to augment the current shortfall, estimated at 400,000 metric tons this year, from ASF-free countries,” he added.

On the suggestion of hog raisers to raise the price ceiling, he said it would be a redundant measure given that actual average pork and chicken prices are higher than the ceiling imposed by EO 124.  

EO 124 will lapse on April 8, barely a month from now. 

“By maintaining it, the government will send a strong signal to Filipino consumers — who suffer from lower incomes due to the adverse impact of the Covid-19 pandemic on our economy — that it does care about their welfare,” Dar said.

“Hog producers, wholesalers, and retailers are no less expected to do their share in helping the country’s economic recovery effort,” he added

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.