Manila Water continues implementation of rotational water service interruption through dry season

Maris Federez   •   February 21, 2020   •   521

MANILA, Philippines — More than one million Manila Water customers will be affected by the rotational water service interruption that the water concessionaire started on Thursday (Feb. 20).

Manila Water said this is due to the low water allocation, as well as its preparation for the dry season.

“So, ineexpect natin na bababa nang husto ang level ng dam. So, this early, kailangan paghandaan natin ‘yon para ‘yong limitadong supply na nakukuha natin sa Angat Dam na siyang nagsu-supply ng 96, 97 percent ng tubig para sa Metro Manila, mas ma-manage natin ng mabuti at nang tayo ay makatawid ngayong summer hanggang sa bago dumating uli ‘yong tag-ulan,” Manila Water Spokesperson Jeric Sevilla said.

In January, the water company started lowering the pressure of the water distributed to households in Metro Manila and Rizal province. This is done in off-peak hours or from 10 in the evening to 6 in the morning.

“While ‘yung interruption na binanggit natin is about 4 to 10 hours. In reality, mas maikli dahil nga madaling araw lang natin gagawin. So, generally, mga 11 to about 3 to 4 in the morning lang ito kung saan hindi nila mararamdaman,” Sevilla said.

He added that the schedule and the affected areas of the water service interruption can be found on the company’s Facebook page.

Manila Water added that the rotational water service interruption will continue as long as the water allocation by the National Water Resources Board is still below normal.

For the past several months, the water allocated to Manila Water is just 42 cubic meters per second —much lower than the normal allocation of 46 cubic meters per second.

As of 8:00 AM on Friday, the water level in Angat dam was at 202.48 meters.

According to the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), the rain brought by the Northeast Monsoon or Amihan contributed to the rise of the water level in Angat.

To date, Metro Manila will still have a reduced water allocation.

The NWRB said the board will still have to discuss how much water will be allocated in Metro Manila in the coming months. — (from the report of Asher Cadapan, Jr.) /mbmf

MWSS, nagtakda na ng deadline sa pagbabayad ng water bill

Robie de Guzman   •   May 20, 2020

MANILA, Philippines – Nagtakda na ng deadline ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa pagbabayad ng water bills na halos tatlong buwang naipon dahil sa ipinatutupad na community quarantine.

Sa panayam ng UNTV program na Serbisyong Bayanihan ngayong Miyerkules, sinabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty na mayroong hanggang Hulyo 31 para magbayad ng bill ang mga kumukonsumo ng 10 cubic meters pababa kada buwan.

Ang mga gumagamit naman ng tubig na mahigit sa 10 cubic meters kada buwan ay may palugit hanggang Agosto 31.

Pagpapauna ni Ty, asahan na ng mga consumer ang bahagyang pagtaas ng bill lalo’t panahon ngayon ng tag-init at marami ang nasa loob ng kani-kanilang mga tahanan kaya mataas ang konsumo sa tubig.

“Sana maintindihan natin, itong water bill na ito halos lahat sa mga consumer ay ito po yung water bill nila for March, April and May. During summer season din po ito, so mas mainit, mas madami ang consumption ng mga tao at alam natin since work from home halos lahat consumer,” aniya.

Nilinaw naman  ng opisyal na puwede namang utay-utayin ng mga consumer ang pagbabayad sa bill nila sa Manila Water at Maynilad.

Sinabi rin ni Ty na sa Hunyo 1 pa magsisimulang magbasa ng metro at maglalabas ng bill ang Maynilad at Manila Water.

Sa Agosto 1 naman sisimulan ng dalawang water concessionaires ang pamumutol sa serbisyo ng mga hindi makapagbabayad ng kanilang bill para sa mga kumu-konsumo ng 10 cubic meters pababa.

Setyembre 1 naman ang schedule ng service disconnection para sa mahigit 10 cubic meters ang konsumo bawat buwan.

Tiniyak naman ng MWSS na wala pa silang ipinatutupad na anumang adjustment sa singil ng tubig sa gitna ng umiiral na community quarantine.

“Importante sa atin na wala pong bills shock ayaw po natin na magulat ang ating mga consumers na bigla nalang lalaki ang kanilang water bill,” ani Ty. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

Typhoon Ambo adds 3 meters to Angat Dam’s reserve

Marje Pelayo   •   May 17, 2020

MANILA, Philippines – The water level in Angat Dam has improved in the aftermath of Typhoon Ambo in Luzon.

According to the latest reading by the Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), the weather system has added 3.09 meters of water to Angat Dam’s reserve from 187.53 meters on May 15 to 190.62 meters on 6:00 am, Sunday (May 17).

Angat’s water level is now 10 meters over its normal operating level of 180 meters.

Last week, the National Water Resources Board (NWRB) has increased domestic allocation to Metro Manila from Angat Dam to 48 cubic meters per second from 46 cubic meters per second to maintain enough supply on the duration of the government-imposed community quarantine in view of the coronavirus disease (COVID-19) crisis. –MNP (with reports from Rey Pelayo)

Bagyong Ambo inaasahang lalabas ng PAR sa Lunes

Marje Pelayo   •   May 16, 2020

MANILA,Philippines — Napanatili ng bagyong Ambo ang lakas nito habang papatawid sa karagatan ng Santa Cruz, Ilocos Sur. 

Batay sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong ika-7:00 ng umaga, Sabado (May 16) ang mata ng bagyong Ambo ay natukoy sa karagatan ng Santa Cruz, Ilocos Sur, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 75 km/h at pagbugso na aabot naman sa 125 km/h. 

Kumikilos ito patungong Hilaga at hilagang-kanluran sa bilis na 20 km//h.

Ayon sa PAGASA, posibleng lumabas ang bagyong Ambo sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Lunes (May 18) ng umaga o kaya ay hapon.

Dahil dito, patuloy na mararanasan ang katamtaman hanggang malakas na pagulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at sa Hilagang bahagi ng Aurora at Zambales.

Samantala, inalis na ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal (TCWS) #3 sa alinmang bahagi ng bansa.

Gayunman, nananatiling nakataas ang TCWS#2 sa mga sumusunod na lugar:

Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, silangang bahagi ng Pangasinan (Lingayen, San Carlos City, Basista, Malasiqui, Alcala, Sto. Tomas, Rosales, Balungao, Umingan, Binmaley, Calasiao, Sta. Barbara, Urdaneta City, Villasis, Sta. Maria, San Quintin, Dagupan City, Mangaldan, Mapandan, Manaoag, Laoac, Binalonan, Asingan, Tayug, Natividad, San Jacinto, Pozzorubio, San Fabian, Sison, San Manuel, San Nicolas), Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Babuyan Islands, hilaga-kanlurang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug), Nueva Vizcaya, hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, San Jose City, Pantabangan).

Nakataas naman ang TCWS #1 sa mga sumusunod na lugar:

Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, the rest of Nueva Ecija, Tarlac, hilagang bahagi ng  Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, and Iba), at sa nalalabing bahagi ng Pangasinan.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nasabing lugar na maghanda, mag-ingat at makipagugnayan sa lokal na pamahalaan para sa kaukulang aksyon at tulong na kinakailangan. 

Patuloy ring magbantay sa mga paalala ng PAGASA kaugnay ng nararanasang pagulan dulot ng pagkilos ng bagyo. 

TAGS   ,

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.