Maynilad, tiniyak na walang dagdag singil sa pagpapalit sa mga lumang tubo

Marje Pelayo   •   June 15, 2021   •   562

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Maynilad Water Services, Inc. o Maynilad na walang dagdag na babayaran ang mga consumer sa gagawing pagpapalit ng 173 kilometrong lumang tubo na nagkakahalaga ng P1.8-million pesos.

“Wala naman pong dagdag kasi ito pong mga projects na ito ay kasama na sa approved business plan,” pahayag ni Ma. Cherry Marilla, Assistant Vice President for Planning and Support ng Central Non-Revenue Water (CNRW) Office ng Maynilad.

Ang proyekto ay nakalatag mula sa lungsod ng Caloocan, Quezon City, Muntinlupa, Maynila, Las Piñas, Valenzuela, Parañaque, Pasay hanggang sa bayan ng Imus sa Cavite.

Ayon sa Maynilad, kapag natapos na ito ay mababawasan 33 million liters per day ang masasayang na tubig dahil sa mga tagas na nagmumula sa lumang tubo.

Sapat ito upang masuplayan ang may 33,000 pamilya.

Kapag nakumpleto na ang proyekto ay aabot na sa 2,869 kilometro o kabuuang 72% ang napapalitang lumang tubo na minana pa ng Maynilad mula sa MWSS.

Inaasahan makukumpleto ang proyekto sa taong 2025 o 2026, ayon sa Maynilad.

Paliwanag ng kumpanya, hindi maaring pagsabay-sabaying mapalitan ang lahat ng tubo dahil kailangang ikunsidera ang magiging abala nito sa publiko.

“Siyempre mina-manage din namin yung rerouting ng traffic so inilatag talaga siya per year na manageable lang yung inconvenience din sa tao,” ani Marilla.

Ayon pa sa Maynilad, hindi pa kasama ang proyektong ito sa revised concession agreement pero makatutulong ang nasabing kasunduan sa pagpapalakas ng operasyon ng kumpanya.

Ayon naman sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), wala na sa bagong concession agreement ang mga hindi na kailangang bayaran ng mga consumer.

Hindi na rin sisingilin ng Maynilad at Manila Water ang bilyon-bilyong pisong halaga ng dapat singilin sa mga consumer na dating iginawad sa kanila ng Singapore Permanent Court of Arbitration.

“Ito ay ginawa ng pangulo para makatulong sa ating mga consumer at the same time kikita rin yung mga concessionaire,” pahayag naman ni MWSS Chairman and Acting Administrator Ret. General Reynaldo Velasco. -MNP (sa ulat ni Rey Pelayo)

TAGS   

Maynilad defers pipe realignment activity, reschedules water service interruption

Maris Federez   •   October 25, 2021

MANILA, Philippines —  Maynilad Water Services Incorporated (Maynilad) will defer its scheduled pipe realignment activity along Sobriedad Street corner Cristobal Street in Manila that was initially set for October 25 to 28.

The new time frame for the pipe realignment activity is from October 29 to November 1.

Maynilad said the pipe realignment activity is in preparation for the flood control project of the Department of Public Works and Highways (DPWH).

The water concessionaire said that the setting of new schedule was prompted by requests from residents in areas in Manila and Cavite that will be affected by the water service interruption as a result of the said activity.

Affected residents have requested that they be given more time to store enough water and prepare for the service interruption.

“Kami ay nakipag-ugnayan sa DPWH at MWSS ukol sa nasabing mga request, at napagdesisyunan na iurong ng bahagya ang implementasyon nito,” Maynilad said.

Maynilad added that except for the schedule, affected areas of the water service interruption remain the same.

For complete list of schedule of water service interruption, click here. —/mbmf

2.9M Maynilad customers, mawawalan ng supply ng tubig sa susunod ng linggo

Maris Federez   •   October 18, 2021

MANILA, Philippines — Mawawalan ng supply ng tubig ang nasa 2.9 milyong customer ng Maynilad sa susunod na linggo.

Nag abiso na ang Maynilad sa kanilang mga customer hinggil sa ipatutupad na water service interruptions na naka-schedule mula Oktubre 25 hanggang 28.

Bunsod ito ng gagawing pipe realignment sa bahagi ng Sobriedad corner Cristobal Streets sa Sampaloc, Manila na sisimulan sa Lunes.

Ayon sa Maynilad, ang nasabing tubo ay tatamaan ng gagawing flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaya’t kinakailangang baguhin ang linya.

Isasabay na rin ang iba pang maitenance works sa iba pang kalapit na planta at linya ng tubig.

Partikular na mawawalang ng supply ng tubig ang mga sumusunod na lugar:

  • Manila
  • Las Piñas
  • Parañaque
  • Makati
  • Pasay
  • Cavite City
  • Imus
  • Bacoor
  • Noveleta
  • Rosario
  • Kawit

Ayon kay Maynilad Water Supply Operations Head Ronald Padua, magkakaroon ng hiwa-hiwalay na schedule ang water service interruptions sa ibang mga lugar, kaya’t may mga oras pa rin na magkakaroon sila ng tubig.

Subalit, para sa mga residente sa Maynila, tatagal ng tatlo hanggang apat na araw silang mawawalan ng tubig, partikular ang malapit sa mismong gagawing pipe realignment.

Kaugnay nito magde-deploy ang Maynilad ng 60 water tanker sa mga apektadong lugar.

Prayoridad na rarasyunan ng tubig ang mga ospital at iba pang medical facilities na apektado ng water service interruptions.

“Kaya rin po namin maagang inabisuhan yung aming mga customers na maapektuhan para naman po may enough time pa po para makapag-ipon sila nung gagamitin nila for that 24-hour duration na mawawaln ng tubig. So ang nakikita po namin ang deployment ng water tankers ay mako-concentrate po karamihan dun sa mga areas sa Sampaloc, Manila na halos 3 araw po na wawalang ng tubig ng tuloy-tuloy,” ani Padua.

Nakipagugnayan na rin ang Maynilad sa mga local government unit at mga apektadong barangay para maabisuhan ang mga residente na maagang makapag imbak ng tubig.

“Siyempre, pressured kami doon kasi unang-una, kahit naman sino pag nawalan ng tubig sa isang tahanan napakahirap kumilos. So far, nakipag coordinate din kami sa iba’t ibang agency like BFP para sa water supply. Sakaling hindi man sasapat yung mga iipunin or naipon nila doon tayo hihingi ng tulong,” ayon sa chairman ng Barangay 440 na si Darwin Capulong.

Para sa kumpletong listahan ng mga apektadong lugar at schedule ng water service interruption, maaring bisitahin ng mga customer ang official website ng Maynilad na www.mayniladwater.com.ph, ang mga social media page nito, at ang hotline numbers 1626 (Metro Manila) and 1-800-100037 (Cavite) ng water concessionaire. —/mbmf (mula sa ulat ni UNTV Correspondent Janice Ingente)

Maynilad, Manila Water ordered to suspend disconnection activities in areas under Alert Level 5

Aileen Cerrudo   •   September 16, 2021

MANILA, Philippines—The Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) on Thursday (September 16) directed Manila Water Company, Inc. and Maynilad Water Services, Inc. to suspend disconnection activities in areas under Alert Level 5 or areas under granular lockdown.

In a statement, the MWSS said the suspension will remain until such time that the restriction has been lifted.

The directive comes after implementation of alert levels system and granular lockdowns in certain areas of Metro Manila beginning September 16.

“In this critical time when public health relies on access to clean, safe, and sufficient water supply, the Concessionaires have also been directed to ensure water supply availability within their Service Areas,” the MWSS further said.

Meanwhile, for areas not under Alert Level 5, the MWSS encourages Manila Water and Maynilad customers to settle their bills to ensure continuity of services.

To provide assistance to customers who are facing the economic challenges during the pandemic, the agency previously directed the water concessionaires to offer flexible payment terms.

The MWSS also ensured water supply availability within the service areas and encouraged customers to conserve water.

“Rest assured that the MWSS will continue to proactively operationalize measures to aid customers and protect consumer welfare especially in this time of adversity,” the MWSS said. AAC

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.