Meralco, may bawas-singil ngayong Marso

Robie de Guzman   •   March 9, 2021   •   228

MANILA, Philippines – Tatapyasan ng Meralco ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso bilang bahagi ng pagpapatupad ng refund na iniutos ng pamahalaan.

Ayon sa Meralco, aabot sa P0.36 kada kilowatt hour (kWh) ang mababawas sa singil sa March bill.

Katumbas ito ng P72 na bawas-singil para sa mga kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan, P108 para sa mga gumagamit ng 300 kWh, P144 sa 400 kWh, at P180 para sa may konsumong 500 kWh.

Ang hakbang ay kasunod ng pag-apruba ng Energy Regulatory Commission sa panukala ng kumpanya na ibalik sa mga customer nito ang nasa P13.9 bilyong halaga sa loob ng 24 na buwan.

Sa pagtaya ng Meralco, nasa P0.27 kada kWh ang ire-refund sa buwanang bill ng residential customers.

“It represents the difference between yung actual na Weighted Average Tariff at saka yung ERC-approved Interim Average Rate namin. So, mayroon kaming nakitang difference in terms of the amount which is at, sa aming estimates, is at 13.9 billion,” ang pahayag ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco.

Ito ang ikalawang sunod na buwan na tinapyasan ng Meralco ang singil nito sa kuryente. Ito rin ang pinakamababang singil simula noong Agosto 2017.

Samantala, tiniyak naman ang Meralco na nananatili ang “no disconnection” policy nito para sa mga lifeline consumer na may bill na dapat bayaran sa March 2021.

Ang mga tinatawag na lifeline consumer ay yaong mga kumukonsumo ng kuryenteng mas mababa pa sa 100 kWh kada buwan.

Ang polisiya ay iniutos ng Department of Energy bilang tulong sa mga consumer na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

DOE, ERC urged to probe unplanned outages in some Luzon power plants

Robie de Guzman   •   April 22, 2021

MANILA, Philippines — Senator Sherwin Gatchalian on Thursday called on the Department of Energy (DOE) and the Energy Regulatory Commission (ERC) to look into the reported unplanned outages of some power plants in Luzon that allegedly triggered a spike in consumers’ electricity bills.

Citing data from the Independent Energy Market Operator of the Philippines (IEMOP), Gatchalian said that for the March 2021 billing period, there were 1,580 megawatts (MW) non-coincidental unplanned outages or 61.3% of the total outages.

For the April 2021 billing period but only until April 18, there were 1,428 MW non-coincidental unplanned outages or 62.8% of the total outages, he added.

“Dapat gumalaw dito ang ERC dahil noong November 2020 last year, naglabas sila ng isang polisiya na lahat ng planta ay dapat makapag-deliver batay sa tinatawag na reliability index,” Gatchalian said in a statement.

“Kapag bumagsak sila doon sa polisiya ng ERC at hindi nila ma-justify kung bakit pumalya yung planta, magmumulta sila,” he added.

Gatchalian, who chairs the Senate Committee on Energy, also urged the DOE to address any logistical issues being faced y some power producers to prevent similar occurences in the coming weeks as the government plans to intensify its COVID-19 vaccination between May and June.

“Hindi dapat tayo magkaroon ng brownouts dahil padating pa ang mga bakuna natin by the end of this month, May, or June at maseselan itong mga vaccines. May iba na kailangan ng almost subzero freezing temperature o mga freezer na kaya ang negative 20 degrees. Kaya kung may brownout tayo, saan natin ilalagay ang mga bakuna natin? Malaking dagok ‘yan sa atin at maaantala ‘yung vaccination process natin,” he said.

The DOE should also address problems in the delivery of spare parts needed by power plants to prevent simultaneous outages, Gatchalian said.

“Dapat ring imbestigahan ng DOE ang ilang alegasyon tungkol sa logistics. Dahil nga pandemya ngayon, hindi dumarating yung mga spare parts, kaya nagkaka-problema sa logistics. Dapat magawan agad ito ng aksyon para hindi sabay-sabay na bumagsak ang mga planta,” he said.

“Dapat gawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya para maiwasan ang brownout. Kaya ang solusyon dito at all cost – dapat yung mga planta huwag bumagsak, huwag silang mag outage.” he added.

Meralco announced power rate hike in April

Aileen Cerrudo   •   April 8, 2021

MANILA, Philippines — The power rate in April will slightly increase, according to an advisory of the Manila Electric Company (Meralco).

Meralco announced that a household consuming 200 kilowatt-hours (kWh) in a month will have a P17 increase in their total bill; households consuming 300 kWh per month will have a P26 increase.

For households consuming 400 kWh and 500 kWh will have an increase of P35 and P44 in their total bills, respectively.

The electric company said the power rate hike is due to a higher generation cost in the spot market. AAC (with reports from Joan Nano)

Bawas-singil ng Meralco, ipatutupad ngayong Pebrero

Freema Gloria   •   February 8, 2021

Nag-anunsyo ang Manila Electric Company (Meralco) ng bahagyang pagbaba ng singil sa kuryente ngayong Pebrero nang P0.07 centavos per kilowatt hour.

Nangangahulugan ito na mababawasan ng mga P14 ang babayaran ng mga customer ng Meralco na may average consumption na 200 kwh sa loob ng isang buwan.

Nasa P21 naman ang maaaring mabawas sa mga kumokonsumo ng 300 kwh, P28 kung ang konsumo naman ay umaabot sa 400 kwh, at P35 sa mga may konsumo na 500 kwh kada buwan.

Ayon sa Meralco, ang naturang bawas-singil sa kuryente ay bunsod ng pagbaba ng fixed charges na ipinapataw ng mga plantang pinagkukunan ng kuryente ng power distributor. (ulat mula kay Joan Nano)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.