Mga bata, dapat mailabas sa bahay isang beses kada linggo — psychologist

Maris Federez   •   November 11, 2021   •   330

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng pamahalaan ang paglabas ng mga batang edad 17 pababa matapos ang mahigit isang taon at kalahating pananatili sa loob ng bahay dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa isang clinical psychologist, makabubuti sa kalusugan ng mga bata na makalabas ng tahanan kahit isang beses sa isang linggo.

Ayon kay Dr. Camille Garcia, hindi maganda ang epekto sa kalusugan ng mga bata, pati sa kanilang mental health ang sobrang tagal na pananatili sa loob ng bahay.

May tendency aniya silang maging sobrang mahiyain at hindi marunong makibagay.

Mahihirapan din aniyang mag-develop ng tiwala ang mga batang lagi na lang nakakulong sa loob ng kanilang tahanan.

Payo ni Dr. Camille, paminsan- minsan ay ilabas ang mga bata.

“At least kung makakalabas once a week, kung pupwede ngayon, kung may park, walk with your children. Pero naandoon pa rin iyong safety protocols, siymepre kahit paano naman medyo malinis ang lugar,” ani Garcia.

Bago rin dapat ilabas ang mga bata kailangan maipaunawa sa kanila na sa ngayon ay limitado pa ang mga outdoor activity.

“Ikaw mismo ang magse-set ng limit na dalawang oras lang tayo sa labas. Kakain lang muna tayo. Maigi na mag-iingat tayo kaysa naman pag- uwi natin magkasakit tayo,” Ani Garcia.

“Equip your children with the necessary hygiene kits, mayroong face mask, may gloves kung mahilig maghahawak iyan kung saan- saaan,” dagdag ng health expert.

Samantala, nagpaalala rin ang isang pediatric infectious disease expert sa mga magulang, na mas maiging dalhin sa open spaces ang kanilang mga anak lalo na ang mga sanggol na hindi makapagsusuot ng face mask at pag-iwas sa matataong lugar.

Kailangan aniyang ikonsidera ng mga magulang na masusunod nila ang “APAT-Dapat” ( Air circulation, Physical distancing, Always wearing a facemask and face shield, and Thirty-minute interaction or less) reminders ng Department of Health (DOH).

Matagal na aniya ang 30 minutes na exposure ng mga bata lalo na ng mga sanggol sa mga taong hindi kasama sa family bubble.

“Siguraduhin na kung ihaharap man sila sa ibang tao, sandaling-sandali lang at mas maganda pa ngang hindi na iharap sa ibang mga tao,” ayon kay Dr. Anna Ong-Lim, Pediatric Infectious Disease Expert ng DOH-TAG.

Higit sa lahat hindi pa rin dapat makalimot ang mga magulang na umiiral pa rin ang COVID-19.

Kakaunti pa lang sa mga batang nabakunahan. So, bawas na iyan sa isang layer of protection na meron para sa kanila. At pangalawa, ang behavior ng mga bata alam naman natin. Isipin din natin kailangan ba nating ilabas ang mga babies? Kasi kung ang ating reason for going out is mabigyan ng opportunities iyong ibang mga bata na ma- expose sa environment, hindi naman absolutely necessary iyan para sa mga babies,” ani Lim.

Babala ng DOH, walang pinipiling edad ang COVID-19.

Ayon sa ahensya, kung dati ay nasa 30-39 years old ang pinamaraming naitatalang nahahawa ng COVID-19 sa bansa dahil sila ang working age, mahigit 200 ang itinaas ng kaso nitong Agosto sa hanay ng mga 0-9 years old. —/mbmf (mula sa ulat ni UNTV Correspondent Aiko Miguel)

DepEd NCR nagdeklara ng health break mula Enero 15 to 22

Robie de Guzman   •   January 14, 2022

MANILA, Philippines – Nagdeklara ng academic health break ang regional office ng Department of Education (DepEd) para sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng dumaraming bilang ng mga nagkakasakit dahil sa COVID-19.

Sa inilabas na memorandum order, sinabi ng DepEd-NCR na suspindido muna ang klase sa lahat ng antas sa basic education mula Eneroi 15 hanggang 22.

Muling babalik ang klase sa Enero 24 hanggang 29 pero limitado lang muna ito sa distance learning modalities gaya ng online schooling, module at DepEd TV.

Hindi rin required ang pisikal na pagpasok sa paaralan ng mga guro.

Gayunman, dapat gamitin na lang ng mga estudyante at guro ang kanilang midyear break mula Enero 31 hanggang Pebrero 5 para sa makeup clasess upang mabawi ang mga backlog sa aralin.

Nakatakda naman ang second quarter examinations para sa Pebrero 7 at 8.

Una nang binigyan ng kapangyarihan ng DepEd ang regional at school division offices na magdesisyon ukol sa suspensyon ng klase bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19.

“kung ang pagtataya ng ating Local Officials Regional Director Level or Division or even at the School Level ay kailangan magsuspinde ng klase o ng if not the full class ay learning activities then we are authorizing maximum of two weeks at a time subject to reporting at kung mas mahaba pa dun ay kailangang ikonsulta sa amin kung maaring pahintulutan ito,” ani DepEd Undersecretary Noel Nepomuceno.

Samantala, nasa diskresyon naman ng mga pribadong paaralan kung kailan sila magsususpinde ng klase.

Maliban sa NCR, nagdeklara na rin ng class suspension ang DepEd CALABARZON mula Enero 17 hanggang 29.

Ang pamahalaan naman ng Antipolo City sa Rizal ay nagdeklara rin ng health break sa kaparehong petsa.

Nauna nang nagdeklara ng health break ang pamahalaang lungsod ng Maynila simula ngayong Biyernes, Enero 14 hanggang 21.

Layunin ng deklarasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga guro at mag-aaral na makapagpahinga, lalo na ang mga may karamdaman. (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

 

IATF updates isolation, quarantine rules for fully vaccinated aviation personnel

Robie de Guzman   •   January 14, 2022

MANILA, Philippines – The Inter-Agency Task Force has approved the updated isolation and quarantine protocols for aviation personnel infected with COVID-19 and those exposed to positive cases, Malacañang said Friday.

In a press briefing, acting presidential spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles said that aviation personnel with a mild case of COVID-19 or are asymptomatic will now be required to isolate for five days, provided that they are fully vaccinated and received a booster shot against COVID-19.

Aviation personnel who were close contacts or exposed to confirmed COVID-19 cases but do not manifest symptoms are not required to undergo quarantine, provided that they are fully vaccinated and received a booster shot.

Nograles also said that symptomatic close contacts of those who recovered from COVID-19 within the last 90 days need not undergo quarantine.

The updated isolation and quarantine protocols for the aviation sector include but not limited to airline personnel, ground handlers, maintenance providers, 3 airport security, air traffic controllers, airport workers and other aviation-related personnel.

“DOTr and its attached agencies shall identify the appropriate accountable group to make decisions for shortening isolation or quarantine based on evidence, similar to Hospital Infection Prevention and Control wherein infectious disease specialists, safety officers, and management deliberate, monitor, and act on all infection-related concerns of the health facility,” Nograles said.

The policy is contained under IATF Resolution No. 157 released by the Palace on Friday.

The resolution also mandates all aircrafts to “ensure appropriate ventilation and all aviation staff should wear appropriate personal protective equipment at all times.”

“DOTr shall monitor and evaluate the implementation of the aviation industry, and copy furnish reports to the DOH Epidemiology Bureau for assessment of COVID-19 cases, clusters, vaccination status, and the like,” it said.

“IATF retains the authority to revoke/modify the privilege provided to the aviation industry for shortened quarantine and isolation,” it added.

Supreme Court moves Bar exams to February

Robie de Guzman   •   January 14, 2022

MANILA, Philippines – The Supreme Court (SC) on Friday announced that the Bar examinations have been rescheduled to February 4 (Friday) and February 6 (Sunday).

The SC said this is in consideration for those who may not be able to push through with the exams due to the current COVID-19 situation.

The Bar exams were originally scheduled for January 23 to 25, 2022.

In a Bar bulletin, the SC said a total of 8,546 Bar examinees have reported that some of them have tested positive for COVID-19, living with COVID patients, or under quarantine due to direct contact.

The high court also said that 16 of the 31 teams that will be deployed will be “critically understaffed” if the current schedule were maintained.

“Considering these numbers, as well as the projections of the Court’s expert consultants on the progress of this current COVID-19 surge, the Supreme Court En Banc has unanimously decided that the Bar examinations be rescheduled to February 4, 2022, Friday; and February 6, 2022, Sunday,” the SC said.

Bar exams chairperson, SC Associate Justice Marvic Leonen, has urged Bar examinees to strictly undergo quarantine by January 20.

Bar takers who have concerns that are not within the competence of the SC’s help desks are advised to contact the SC via BarChairLeonen@gmail.com.

“Be patient. Take a few days off to regain your composure and then continue with your preparations. Soon, those who have the determination, tenacity, and resilience to overcome these challenges will become great lawyers who will serve our people well,” he said.

Leonen also expressed gratitude to local government units as well as schools that will host the command center and serve as local testing centers.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.