Mga motoristang dadaan sa checkpoints sa NCR plus, hindi na iinspeksyunin – PNP

Robie de Guzman   •   March 23, 2021   •   471

MANILA, Philippines – Hindi na iinspeksyunin ang mga motoristang dadaan sa checkpoints na sakop ng National Capital Region (NCR) Plus Bubble, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Officer-in-charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang tangi lamang gagawin ng mga pulis na nakabantay sa checkpoints ay alamin kung nasusunod ng mga motorista ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, at physical distancing.

Ang hakbang ay kasunod na rin ng mga ulat hinggil sa mabigat na trapiko sa designated quarantine control checkpoints sa unang araw ng pagpapatupad ng checkpoints sa NCR Plus Bubble.

Sinasabing bumagal ang trapiko sa checkpoints dahil hinihingan ng dokumento at pinagpapaliwanag umano ng mga pulis ang mga hinaharang na motorista hinggil sa pakay ng kanilang biyahe.

Sakop ng NCR Plus Bubble ang National Capital Region at mga karatig-lalawigan ng Cavite, Rizal, Laguna, at Bulacan.

Paglilinaw naman ni Eleazar, hindi aalisin ang mga checkpoint dahil bukod sa pagtiyak na nasusunod ng publiko ang health protocols ay kailangan rin nilang ipatupad ang curfew hours.

“Kung iche-check man natin yan ay para lang tignan kung sumusunod ba sila sa health protocol, yung mga checkpoint natin ay ina-assess pa rin kung pwedeng gumalaw sila pero yan ay pagpapatupad nung mga provisions ng ating curfew from 10 in the evening until 5 in the morning,” ang wika ni Eleazar.

Sineguro din ng opisyal na mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng pulisya sa parameters o ang mga lugar na maaaring daanan papasok at palabas ng NCR Plus.

“Pero ang bottom line kase dito, yung pagsunod na kusang-loob ng ating mga kababayan. alam mo napakaraming mga guidelines na kung titignan natin may mga guidelines na mahirap ipatupad, meaning to say, kung iva-violate ng ating mga kababayan walang way para mahuli natin sila,” ani Eleazar.

Ang NCR at apat pang kalapit-lalawigan, na tinatawag ngayong NCR Plus, ay isinailalim sa mas mahigpit na general community quarantine (GCQ) bubble dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng polisiyang ito, mahigpit na ipatutupad ang curfew hours at health protocols, bawal ang non-essential travel at mass gatherings habang limitado naman sa take-out, delivery at al fresco dining ang serbisyo ng mga restaurant at iba pang negosyo.

Sarado rin muna ang arcade, mga sinehan, museum at driving schools habang limitado naman ang operational capacity ng mga opisina at industriya.

Ang GCQ bubble sa NCR Plus ay mula Marso 22 hanggang April 4. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Marvin Calas)

Mga ‘di susunod sa health protocols, pwedeng hindi papasukin sa mga establisimyento – Malakanyang

Robie de Guzman   •   November 26, 2021

MANILA, Philippines – May karapatan ang mga publiko at pribadong establisimyento na pagbawalang pumasok ang mga taong hindi susunod sa health protocols gaya ng tamang pagsusuot ng face mask.

Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, binigyan na ng pahintulot ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mga establisimiyento na huwag papasukin ang sinumang susuway sa patakaran laban sa hawaan ng COVID-19.

“Mayroon pong authority ang mga establishments na doon sa mga di nagsusuot ng face mask o ‘di kayang magsuot ng face mask kabilang na po dito ang mga menor de edad, ay mayroon na po silang authority na di po papasukin sa kanila pong establismyento,” ani Nograles.

Panawagan namang opisyal sa mga lokal na pamahalaan na tiyaking naipatutupad ang minimum health standards sa kani-kanilang mga nasasakupan upang maiwasan ang muling pagtaas ng kaso ng coronavirus infections.

Muli ring umapela ang Palasyo sa mga magulang na huwag dadalhin ang kanilang maliliit na mga anak sa malls at iba pang lugar na close, crowded at maaaring mag-promote ng close-contact activities. (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

Ombudsman junks CIDG petition vs Abayalde anew

Maris Federez   •   November 26, 2021

MANILA, Philippines — The Office of the Ombudsman has rejected anew the motion filed by the Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) seeking the reversal of the decision to acquit former PNP chief Police General Oscar Abayalde of graft charges filed against him.

In its resolution, the Ombudsman said the CIDG’s motion still lack sufficient evidence that will pin down Abayalde to the case.

The resolution added that the CIDG did not submit new arguments that will prove the involvement of the retired general in the case.

The CIDG filed graft charges against Abayalde for his alleged involvement in the anomalous drug operation of police authorities in Pampanga in 2013. —/mbmf

Airline companies rehiring laid-off crew as flights increase

Robie de Guzman   •   November 26, 2021

MANILA, Philippines ­– Some airline companies have started the gradual rehiring of their flight and ground crew that were laid-off due to the COVID-19 pandemic as the number of flights continues to increase.

AirAsia said they will slowly reactivate over 400 former employees as domestic flights to some tourist destinations resume.

These workers include cabin crews, pilot ground staff and engineering personnel.

“Ngayon, we’re activating starting December. Mag-a-undergo na ng training yung at least 15 percent and then effective January 1, 2022, laha nitong mga All-Stars natin na nag-hibernate ay gradual na ring ire-reintegrate sa ating linya,” AirAsia spokesperson Steve Dailisan said.

AirAsia said it will also double the flights to several local destinations such as in Caticlan, which is the gateway to the world-renowned Boracay Island.

Airliner Cebu Pacific also announced it will be rehiring staff who were furloughed during the pandemic to prepare for the anticipated increase in domestic and international flights.

“Right now, we’re very prepared definitely. Our staff are fully-trained and are actually fully-vaccinated also—yung active flying crew natin. So, additional safety yan for our passengers,” said Michelle Lim, Cebu Pacific Corporate Communications Manager.

Cebu Pacific said it will also increase flights to six local destinations including Boracay Island via the Caticlan Airport, Bohol, Cebu, Cagayan de Oro, Davao, and General Santos City.

Philippine Airlines (PAL) also announced it will operate more domestic and international flights amid increasing flight frequencies and booking.

PAL spokesperson Cielo Villaluna said they are also planning to reactivate furloughed workers, but clarified they are yet to rehire laid-off workers as operations remain limited.

“By December, it will be one 1,350 in terms of cabin crew count that will be assigned to serve our flights because the number of cabin crews this year and at present and previous year was very much less because of the number of flights,” she.

Airline companies reminded passengers to be at the airport at least three hours before their scheduled flight and ensure they bring with them all travel documents required for their trip. (with details from Correspondent Asher Cadapan Jr.)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.